4

1 0 0
                                    

Nakatulugan ko ang pagrereview at nagising sa paulit ulit na katok sa pinto. Kagabi ay nagpalit lang ako ng pantulog bago tuluyang bumalik sa pagrereview. Nagpahinga ako saglit pero nagdire-diretso iyon ng di ko namamalayan.

Bumangon ako at nag-inat at binuksan ang pinto. Brent stood there again with his neat white polo and his coat on his arms. May bitbit ulit siyang paperbags at malapad ang ngiti niya sa akin. Umismid ako ng pinapasok niya ang sarili. Isinabit niya rin ang coat sa may sandalan ng sofa.

"Dito ka natulog?" tanong niya ng mapansin ang gulo gulong mga libro dahil sa sinandalan ko ang mga ito.

"Nakatulog ako jan." nguso ko pa sa center table. Dumiretso ako sa may kusina para kumuha ng tubig, naramdaman ko rin ang pagsunod niya.

"Your breakfast." kaswal na abot niya ng paperbag sakin. Sinilip ko iyon at nakitang may itlog, bacon, hotdog, fried rice at sopas doon.

"Salamat. Bigay ulit ng mama mo?" tanong ko. Inassum ko na lang dahil wala naman sa mukha niya na maghahanda at magbabalot para lang ibigay sakin.

"Yes. Can you prepare it? Let's share, I haven't had my breakfast." utos niya pa sa akin.

Inirapan ko siya pero sumunod na rin ako. Kumuha ako ng dalawang plato at dalawang set ng kutsara't tinidor. Naupo na agad siya sa maliit kong lamesa na pang-apatan na tao lamang. Nagtimpla rin ako ng kape para kahit papano ay magigising ako.

"Hindi ka ba masisisante? Gantong oras na wala ka pa sa trabaho mo." tanong ko sa kanya. Parang lagi niyang hawak ang oras niya, konti na lang ay gagayahin ko na lang ang trabaho niya.

"It's alright. I am not an important person." sagot niya pa bago maglagay ng friedrice sa plato niya at tumusok ng hotdog. Naupo na rin ako sa katapat niyang upuan at gaya niya ay nagsimula na rin akong kumain.

"What's your job nga kase? Damot mo naman kala mo ceo ka." pang-aasar ko pa sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Maybe." I groaned in annoyance to his answer. I gave up that conversation dahil alam ko ng hindi niya talaga sasabihin.

Nagpatuloy ako sa pagkain. One of these days bibisitahin ko ang mama niya para magpasalamat. I appreciate the thought of sending me foods kahit na hindi naman talaga kami ganoon magkakilala. He finished first and offered to wash the dishes pero tumanggi ako.

"Ako na. Nakakahiya naman sa suot mo parang kasalanan ang mabasa yang polo mo." asar ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

"Ang OA mo." depensa niya pa pero tinaboy ko na siya. Pero ayaw niyang magpa-awat at pinunasan niya na lang ang lamesa.

"Do me a favor pakilagay na lang ung mga libro na nasa center table 'dun sa tote bag na dala ko kahapon. " utos ko sa kanya. Sumunod naman siya kahit na nakakunot ang noo niya. Tsk. Aga aga ini-istress niya sarili niya.

Pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng pinggan. Saglit lang din at natapos na ako dahil dalawa lang naman kaming kumain. Doon ko lang din napansin na hindi pa ako nakakapaghilamos at gulo gulo pa ang buhok ko. Pero wala na rin naman akong magawa dahil nakita na niya ang kabuuan ko. Sumunod ako sa sala at nakita na sinisipat niya ang mga libro ko.

"Ano gusto mo na ba ulit bumalik sa pag-aaral?" sabi ko pero tumawa lang siya.

"No. Tinignan ko lang if I still know how to answer these. Turuan sana kita. " may himig ng kompiyansa sa boses niya kaya pinakatitigan ko siya.

"Bakit? Civil ba course mo?" tanong ko.

Napaisip din ako na halos wala akong alam sa kanya bukod sa isa siyang gym trainor noon. Hindi ko alam ang buhay niya sa labas non. Ayaw niya rin naman banggitin o pag-usapan ang buhay trabaho niya and its totally fine. I enjoy his company at kung ayaw niyang magkwento ay ayos lang naman sakin.

In Your ArmsWhere stories live. Discover now