Second semester came that fast. Two weeks lang ang sembreak namin at wala rin akong masyadong pinuntahan. But my two weeks wasn't boring. Brent really did came back the day after my first period and I allowed myself not to worry about my feelings.
I'm crushing on him, so what? It's not like the feeling is mutual. And it's not like I'm confessing it to him.
It's just a happy crush. I hope so. I don't know when did it started that he looked more appealing in my eyes than before. Guwapo naman talaga siya sadyang sanay na akong makita ang mukha niya kaya hindi ko na rin minsan napapansin na, oo nga, ang guwapo niya. Bukod pa roon gusto kong sampalin ang sarili dahil nabibigyan ko ng malisya ang mga ginagawa niya.
He bought pizza for me, dahil isa sa mga comfort food ko. And I appreciate it. Kahit nga hindi kailangan ay tinetext niya ako kung anong oras ang uwi niya. And everytime he does, I felt butterflies in my stomach.
It's always the little things he does for me.
Kagaya ng pagluluto niya. Siya rin ang naglinis ng condo ko dahil nga ayaw niya akong pakilusin. May nabasa raw siya na bawal gumawa ng mabibigat kapag may regla. I'm fucking humiliated when he told me that. Talagang nagsearch pa siya?! Nakakahiya! I told him na hindi naman mabigat ang pagwawalis, pero ayaw niya pa rin.
And he told me those things in a straight serious face.
Later on, I just enjoyed the short-lived privilege he gave me dahil sa sumunod na linggo ay tinanong niya ako kung kaya ko na raw ba dahil magpapasama raw siya sa mall.
Inisip ko pa na wala ba tong kaibigan? At palaging sakin nagpapasama? Pumayag na ako dahil isang linggo na akong nakakulong sa bahay.
"Which do you think is more pretty?" itinaas niya sa harap ko ang dalawang magkaibang kwintas.
I stared at the first. It was a gold necklace with a heart locket pendant. Hinawakan ko ang pendant at sinubukan na buksan. Natuwa pa ako na nabubuksan iyon. Sumingit pa ang saleslady at sinabing pwedeng lagyan ng picture.
Ang hawak niya namang isa ay kulay gold pa rin pero ang nasa center pwede raw sulatan ng pangalan. Mas customized. I nod eagerly. Parang gusto ko ah. Bilhan ko rin kaya sarili ko? Tutal malapit na akong magbirthday.
"Parehong maganda." sagot ko kay Brent at napanganga lang siya.
"It took you that long ? Just choose, please?" he pleaded kaya sa sinimangutan ko siya. Eh sa parehong maganda!
"Fine. Depende sa pagbibigyan mo kase." sumingkit ang mata ko sa kanya. Nasa pambabaeng jewelry store kami. At hindi naman ata ganto ang tipo ng mama niya.
Nagkrus ako ng balikat. "Kung sa girlfriend mo..." may pait na dumaan sa bibig ko pero isinantabi ko kaagad iyon. "Yung pangalawa mas okay..." dugtong ko, tuluyang nagbago ang timpla. " tas ipasulat mo yung pangalan...." tumalikod ako at nagpanggap na tumitingin tingin ng jewelry.
Napaisip ako paano kung may girlfriend na nga siya? Lalayo ako? Alam kaya ng girlfriend niya na kaibigan niya ako? Kung ganon ay kailangan ko talagang lumayo? Kahit kung ako naman ang girlfriend niya, ayaw ko na may dumidikit na ibang babae sa boyfriend ko.
Lumingon lang ulit ako nang tawagin niya ang pangalan ko. My name sounded like a music in his lips. Except that it sounded an elegy in my ears because of what I've been thinking. Inaya niya ako kumain sa Japanese resto at hindi ko na pinansin na wala naman siyang bitbit na paper bag nang lumabas siya sa jewelry store na iyon.
I don't have the courage to bring up his gift to his girlfriend.
"Do you want to go somewhere?" tanong niya habang kumukuha ng tempura sa plate na nasa gitna namin.