7

1 0 0
                                    


Kanina pa ko nakatingin sa picture naming dalawa. Hindi ko alam kung alin ang ipo-post ko. Sigurado ba siya na ipost ko? Hindi ko na siya nireplyan dahil ano naman ang irereply ko don. At tinatamad akong mag-type.

I feel so ridiculous. Ngayon na nakatitig ako sa picture namin ay parang kumukulo ang tiyan ko. He's wrong. Hindi ko siya gusto itago. Why would I even hide him? More like, there's a small part of me scared to show the world I know him. Pakiramdam ko ay mawawala siya kahit na hindi naman siya sa akin. Exposing him in the world, means more people would be aware of his existence.

"Bahala na." bulong ko sa sarili.

I ended up posting the two pictures. I'll give a plus point dahil the picture looks good. Namula ako habang nakatitig doon. We looked good here. Idagdag mo pa ang street light na nakadagdag ng mood sa picture. I captioned it with a short 'thank you' at hindi ko rin siya tinag.

As expected the reaction came in and everyone is leaving cheeky comment saying, "sino yan ha?" and many more. Remind me to slap Melly dahil she really commented "ganda natin, bestie. rip the pusa ey." umiling ako. Kinakabhan lang na baka makita iyon ni Brent.

I was scrolling through some of the comment nang mag notif ang pangalan ni Brent. My index finger tap on it and it was directed too on the comment section.

Brent Stefandro Alcaraz:

we'll take more pictures, then you can create an album

My cheeks reddened at his comment. Mag iisang oras na akong nakatitig sa cellphone ko at sa post kong iyon. Umiling ako dahil don, wow reactions on his comment came rushing habang ako ay naka angry reaction. Papansin talaga tong kumag na to.

Alyana Isandra:

lol bawal pangit dito. u coerced me to post it!

Para akong tanga na nangingiti sa kama ko nang pinindot ko ang sent button. Melly was the first one to haha-react and I could almost hear her teasing me about it the next time we'll see each other.

Naglalagay na ako ng moisturizer sa mukha nang tumunog ang cellphone ko. Tinapos ko muna ang ginagawa bago pinatay ang ilaw at itinira ang night lamp na bukas.

Brent:

Good night, Alisa. Sleep well.

I stared at the screen longer than usual reading his text over and over again. I hate texting but I just found myself tapping the keyboard button and typed a reply.

Good night :>

I woke up in pain. I'm in fetal position hugging my lower abdomen. Idiniin ko pa ang sarili sa unan dahil sa sakit ng puson ko. It's probably the time of the month. Pinadyak ko ang paa sa bedsheet.

Sinubukan kong matulog pero the pain is too much it's waking every nerve in my body. I pushed myself up the bed and went straight to the bathroom. I stripped and stood under the shower. Nagpapasalamat na may nakainstall na heater dito.

I felt a little better than I woke up after I finish the hot bath. I wore a loose shirt and a pajama. Pinatuyo ko ang buhok, dinampot at comforter at lumabas ng kwarto papunta sa sofa.

Binuksan ko ang tv at nanonood ng chinese movie na inihinto ko noong last summer. Cry me a river. I'm crying so bad. It's a very sad movie. Hindi ko alam kung sa sakit ba ng puson ko o sa pinapanood na movie. Namamaga na ang mata ko.

I'm bawling my eyes out when I heard my door bell rang. Sa unang tunog noon ay hindi ko iyon pinansin dahil wala naman akong inaasahan na dadating. Dumako ang tingin ko sa tv. Ang scene na to ay umiiyak na ang bidang babae dahil nalaman ng schoolmates niya na may HIV siya.

In Your ArmsWhere stories live. Discover now