13

2 0 0
                                    

Tulala kaming dalawa ni Melly habang nagdri-drive si Dior. Ako ang nasa back seat at si Melly ang nasa front seat. Masyadong okupado ang isip ko kaya hindi ko nagawang usisain si Melly hanggang sa makapasok kami sa kwarto ni Dior.

"The pajamas are on the bathroom already. Magpalit muna tayo." wala sa sarili akong tumango.

"Teka nga. Why are you both so quiet. Melly? It's unusual of you." doon pa lang parang bumalik sa reyalidad ang wisyo ni Melly.

"Wala to. Tsaka ko na ikwe-kwento. Eh ikaw, Alisa? Bat ka tahimik?" nginusuan ko sila bago ako humilata sa kama ni Dior, nakalaylay ang paa sa sahig.

"Hindi ko na alam ano nararamdaman ko...."

"Si Brent?" si Melly.

"Hep! Let's change first, before you make kwento. Dali na! Girls talk tayo ngayon." hinatak ako ni Dior patayo.

Nauna si Dior na suot ang white pajamas, sumunod si Melly na nakablack at ako ang huli. My pajama is the red one. Nagtanggal ako ng make-up at itinali na lang ng basta ang buhok. When I got out namimili na sila ng movie at may espasyo sa gitna ng kama para sa akin.

I crawled and as I adjust myself between them, bigla nila akong niyakap.

"Dalaga ka na talaga. May crush ka na rin sa wakas." madramang saad ni Melly kaya mahina akong natawa.

"Baliw." hampas ko kay Melly

"You want to tell us now? Before we watch a movie sana." si Dior.

"I felt so ridiculous parang hindi tama na I have feelings for him. He sees me as his younger sister and yet I fell for him..."

"Sinabi niya na kapatid tingin niya sayo?" tanong ni Melly,

"No...."

"Yun naman pala eh! Malay mo gusto ka rin nung tao? Umamin ka kaya?"udyok niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Umamin ako? May lakas ba ako para gawin yon? Umiling ako. Iniisip ko pa lang pakiramdam ko mas gugustuhin ko pang magpalamon sa lupa kesa umamin sa kaniya.

"Ayoko. Sinabi ko naman sayo wala akong balak ipaalam sa kaniya eh."

"I didn't mean to pry, babe. But kanina, I kind of agree with Melly. He's so affectionate towards you!" dagdag pa ni Dior.

"Weh?! Anong nangyari?! Bat wala ako!"

"Ganoon lang talaga siya madalas. At isa pa, halos wala nga akong alam sa kaniya." naalala ko na naman ang bulungan sa school noon.

Bakit hindi niya kaya sinabi o nakwento man lang na may-ari pala siya ng kumpanya. At bakita ba hindi ko man natunugan noon?

"Naku! May kaibigan din ako na ganyan sa akin noon! Ayon umamin! Hindi na kami nag-uusap ngayon!" si Melly.

Napabuntong hininga ako. Paano kung ganoon din ang magig reaksyon ni Brent? I know he would distnce himself the moment I confess and get rejected. Mas masasaktan ako kung sakali. Kaya hindi ko talaga sasabihin ang nararamdaman ko.

Paano na to ngayon? Magdidinner pa naman kami bukas. Among the three of us Dior is the sleepyhead kaya naman hindi pa nangangalahati ang pinapanood namin nakayakap na siya sa bewang ko at mahimbing ang tulog.

"Alisa." Melly called my name.

Nilingon ko siya. Pareho kaming nakasandal sa headboard ng kama ni Dior.

Ngumiti ako ng pagak. "I just don't want to lose him. Pero hindi ko rin naman mapigilan ang nararamdaman ko sa kaniya. Bukod sa inyo ni Dior, he's always looking out for me, comforted me, assured me....I don't know...maybe along the way I fell..."

In Your ArmsWhere stories live. Discover now