"For the love of God. Stop following me, Brent!" I yelled at him.
Pangatlong araw na mula nang magkasabay kami sa boutique shop. At hindi na ako naniniwala na coincidence pa rin ang pagkikita namin ngayon. Sa mismong hotel kung saan kami ni Cynthia tumutuloy!
Melly and Bumaba ako para sana puntahan at bisitahin si Melly pero naabutan ko siyang nasa lobby at nagkakape. Mas nakadagdag sa irita ko na parang wala siyang alam sa sinasabi ko.
"Sinusundan kita?" dinuro niya ang sarili at nalaglag ang panga ko sa tanong niya.
Ha! This isn't how I imagined how we'll meet again!
"Sige nga bakit ka nandito, sige?" pinagkrus ko ang braso as i probed him my question.
"Kailangan mo rin malaman? Bakit susundan mo ko?" mas nakadagdag irita an itsura niyang nagmamaang-maangan. Hindi ko malaman kung pinagloloko niya ako dahil seryoso ang pagkakasabi niya.
" Tatlong araw ko na nakikita yang pagmumukha mo kung nasaan man ako! I am not believing it's all coincidence!" irita ko na talagang sagot sa kaniya. Hindi siya makausap ng maayos!
He chuckled and took one last sip before he put down the cup of coffee.
"You see Alyana, I have my own life too. I'm already busy enough to stalk and follow you." napawi ang irita ko at napalitan ng pagkapahiya.
It's Alyana for you now, not Alisa anymore.
Hindi pa man ako nakakasagot ay tumayo siya at may kinawayan. Sinundan ko ang tingin at mas lalong nahiya na isang babaeng nakasuot ng white long sleeves at black skirt ang sumalubong sa kaniya.
"I have an appointment with Ms. Karla." turo niya sa palapit na babae.
"And she's not my girlfriend, she's a business partner." he look back again and stare at me. Dahil sa pagkapahiya ay mas lalo akong di nakapagsalita.
Hindi ko alam ang dahilan ng pagbuntong-hininga niya na narinig ko nang tumalikod ako at lumabas ng hotel.
So stupid, Alisa! You think after years, nothing had changed between the two of you? Of course, meron! It's been years and the last time you met, you pushed him away. Napapikit ako. Why am I acting as if we're still close? Like no time had passed?
Normal naman siguro na iassume ko na sinusundan niya ako. Ang sabi niya 'she's not my girlfriend' ibig sabihin ay mayroon na nga siyang girlfriend? He finally find the time to get himself a woman, huh. Ipinaling ko ang ulo bago pa umusbong ang nilimot kong emosyon.
It couldn't be.
Tinahak ko ang address na ibinigay ni Melly sa akin. At nang malapit na at naghahanap na lang ako ng parking ay tinawagan ko siya pero hindi naman makontak. Bibisitahin ko lang siya sa trabaho.
Ano ba tong babaeng to. Ayaw sumagot ng telepono.
"Do you have an appointment, Miss?" the lobby receptionist asked.
"I don't have eh...but can you atleast tell Engr. Melizza that Alyana Isandra is waiting for her down here." I smiled at her.
"Naku, Ma'am pasensya na po talaga. Working hours pa po ngayon, and we can't entertain people if they don't have any appointment." the receptionist politely declined my request.
I nodded to the girl and just tried to contact Melly again.
"It's fine, Nicole. She's with me." nilingon ko si Brent na ngayon ay nasa gilid ko.
"I am not." baling ko sa receptionist bago sumimangot at umirap kay Brent.
Andito rin siya?! Hinarap ko siya at pinagkrus ang braso.