I woke up to the sound of my alarm clock. It was always set 6:00 am dahil oras iyon ng jogging ko. Naupo ako sa kama only to duck my head on my head pillow dahil sa sobrang sakit nito. I was wasted and so drunk that I didn't know what happened after I fell asleep in Coach's car.
Right. I can't remember getting off the car. Did.... Brent brought me up here?
Kinakatok ko ang sariling ulo dahil sa sakit nito at pagbabasakaling may maalala ako. Bumangon ako at tumalon talon para magising pero parang lata na may tubig ang ulo ko sa sakit.
"Argh! Lord sige na di na ko ulit iinom patanggal ng sakit ng ulo." parang tanga akong nakatingala sa kisame at ipinadyak ang paa.
I also noticed that I was wearing different clothes. I was wearing a white v-neck shirt at cotton shorts. I couldn't care about that right now. Nagtali ako ng buhok at tsaka naghilamos at toothbrush sa banyo. Mangiyak-ngiyak ako ng sinubukan kong amuyin ang hininga ko na pinaghalong amoy ng bacardi at panis na laway pa. Kadiri, bwisit. Sinamaan ko ng tingin ang sarili sa salamin sa inis. Sabi ko bartender ang haharapin ko sa club pero napasubo ako agad ng hard drinks.
Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto at naamoy ang sinangag. Sino ang nagluto? Dumiretso ako ng kusina at naabutan na bukas ang tv sa sala. Nakaupo sa couch si Coach at umiinom ng kape. He was wearing a formal suit. May lakad ulit? Napakamot ako sa batok dahil sa hiya. I know I acted... kind of... weird when I am drunk and the early events before I doze off is enough to make me feel embarrassed. It seems like he already finished his coffee dahil tumayo na siya at nakita akong nakatayo sa entrance ng kusina.
"Gising ka na pala." his voice is neither greeting me nor happy. And I didn't know how to respond. Napahilot tuloy ako sa sintido, mas lalong nanakit ang ulo ko ha.
"Don't drink that much next time, Alisa. The world is not a safe place." his voice is mocking in the first sentence kaya I can't help but pout bago tumango at naupo sa upuan.
"Did I do...something...weird?" putol putol na tanong ko sa takot na baka meron nga akong nagawang ikasisisi ko ngayon.
Doon lang pumasok sa isip ko si Matty. I should apologize to him. Argh. Stupid Alisa! Napahilamos ako sa mukha ko, siguro hihingin ko na lang ang number niya kay Dior. But wouldn't it look like an excuse to get his number? Bahala na .
"Bakit? Anong problema?" tanong ng kaharap ko ngayon.
"Nothing. I think...I did some stupid things to Matty. Uh friend ni Dior." dagdag ko ng maalala na hindi niya nga pala kilala si Matty.
"Like what?" nakataas pa ang kilay niya, sinamaan ko tuloy siya ng tingin sa pang-uusisa niya.
"Ah nevermind. Ayokong ikwento." his eyes dropped and he looked pissed.
I touch Matty's hair! And I even asked him what is his shampoo! How stupid can I get when I'm drunk, huh?!
"May lakad ka?" pag-iiba ko ng usapan dahil pormal na pormal siya sa white long sleeves at may coat pa na nakasabit sa upuan.
"Work lang." tumatango tango ako habang nagsasalin ng sinangag at kumuha ng itlog at bacon na mukhang niluto niya dahil may ganoon ako sa ref, malamang ay galing doon iyon.
"Sa gym? Hindi ba overdressed ka masyado para sa gym sa baba." tanong ko at tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"We've known each other for almost three years and you still didn't know that I have a permanent job aside from being a gym trainor?" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. May iba pa pala siyang trabaho ang buong akala ko ay yun lang na sa gym ang trabaho niya.