"Ma, opo. Magkita na lang tayo sa diner." I answered.
My mother arrived last week. At sa pagdating niyang iyon ay gabi-gabi kami nagsasabay maghapunan. Kung anuman na hinanakit at lungkot na nararamdaman ko sa nagdaang taon ay tuluyan nang lumipad iyon sa kung saan. Para akong nakalutang sa ere tuwing ngumingiti siya sa akin.
Labis ang saya at tingin ko walang kahit anong makakapagpasama ng loob ko. Kasama ko si Mama at ngayon ay bumabawi siya. Natatakot lang akong magtanong kung hanggang kailan si Mama dito. Gusto kong sulitin muna.
"DId I told you your Tito Gabriel's company is facing a financial crisis?" Mom asked in the middle of our dinner. Umiling ako.
"Hindi po, Ma. Ano pong nangyari?" usisa ko. Inihinto ni Mama ang pagkain and tapped the napkin on the sides of her lips.
"Major sponsors withdrawn their shares because our assets are failing. A company takes over in the mainstream of our field." tumango ako kahit bahagyang nalilito kung ano ang ibig sabihin niyon.
"Is everything alright, Ma?" I asked.
She shook her head and stared intently at me. "I....we need your help, Alyana."
Tulong mula sa akin? Paano? Masaya ang puso ko na naisipan ni Mama na humingi ng tulong sa akin pero anong maitutulong ko?
"How can I help, Ma? Tell me."
My mother smiled hesitantly at me before she held my hand. Parang nilukob ng init ang puso ko. I can't even remember when is the last time she held my hand. This is the closest I felt to my own mother. And right there I wished the time stopped and this moment will be forever.
"Let's meet again tomorrow. I'll talk to you about something, huh? But for now let's eat." she smiled and I smiled, too.
-
"Ano na?! Hindi ka na sumasama samin!" pagtatampo ni Melly sa akin.
"I'm sorry na. Pero ngayon lang umuwi si Mama, hindi ko alam kung mauulit pa to. Babawi ako promise!" tinalikuran ako ni Melly at pinagkrus ang braso.
"Hmp!" ungot ni Melly kaya niyakap ko siya sa gilid at ngumuso pa.
"Please...?"
"Oo na! Sige na puntahan mo na Mama mo!"
"Love you! Una na ako ha!" kumaway ako bago naglakad palayo.
Pero bago pa man ako makarating sa sasakyan ko ay may lumapit na dalawang lalaking naka black suit sa akin.
"Miss Alyana? Ma'am Francesca ordered us to drive you." sumingkit ang mata ko.
Tinext ko si Mama kung totoong pinakuha niya ako at nang sumagot siya ng 'oo' ay tsaka lang ako bumaling sa dalawang lalaki at sumunod.
Nang huminto ang sasakyan at makita ang building ay kusang napaatras ang paa ko. Bakit dito? Anong gagawin namin dito?
La Alcaraz Corporation.
"Bakit dito?" tanong ko sa dalawang lalaki pero wala akong nakuhang sagot.
I was wearing a black pencil cut skirt and a black cardigan on top of a tube. Sinundan ko ang mga nagsundo sa amin hanggang sa pumasok kami sa tila conference room. Mom was there together with a man on his late fifties, I think. Sinalubong ako ni Mama at hinalikan sa pisngi.
"Ma what's happening?" tanong ko pero bago pa man siya makasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Hayley, sa likuran niya si Brent.
Nagtagal ang titig ko sa kaniya dahil sa gulat at nang salubungin niya iyon ay nag-iwas ako ng tingin.