Have you ever felt as if your heart is about to burst? Because that'st what I felt now. I blink hard habang napako ang tingin ko sa kaniya. Is he drunk? Oh, of course, he is, Alisa! Why would he even say kissing you if he's sober?! I shrugged off before drinking straight the whiskey on my glass. Inuunti-unti ko iyon pero dahil sa narinig ay nilagok ko na agad.
"Are you drunk? Magpahatid ka kay Kuya Lemuel. Don't drive." tanging naisagot ko.
"Do I look drunk? I haven't had one sip of alcohol tonight, Alisa."
Anong gusto niyang iparating?! He's sober?! And he meant when he said he wants to kiss my trembling lips?!
Oh, god. It's not helping my mind is showing me graphics of his lips pressed into mine.
Stop thinking about it, Alisa!
"'Dun tayo! May kakanta raw!" Melly pulled me up kaya nabitin ang titig ko sa kaniya.
Inayos ko ang dress bago nagpatianod sa gitna ng madaming tao. May kumakanta sa itaas kaya naman nakahalubilo kami para mas marinig iyon. Sinabayan namin ang iba sa pagkanta. Magkakaakbay kaming tatlo habang sabay sabay na tumatalon.
I even put my free hand in the air para damhin ang kanta. Ang ibang naroroon ay naghe-head bang pa. Kalaunan nagpasalamat at singer bago bumaba. The slow music played was a' fuckable song' and more sensual kaya naman gumilid kami at humiyaw dahil ay pumuntang isang babae at nagfree style ng sayaw doon.
"She's so sexy!" Dior praised. I shrieked even more when a guy went behind her and pull her close to his body.
"Oh my god!" napatakip ako sa bibig ko dahil doon. Kakilala naman niya siguro iyon ano?
Kase kung ako yan at hindi ko kilala baka nahampas ko na siya ng dulo ng takong ko.
Aksidente naman na lumibot ang mata ko sa paligid at nahagip ang mata ni Brent. He's watching me carefully. Kausap na siya ni Kuya Lemuel kaya ako na ang nag-iwas ng tingin dahil mukhang hindi na niya naiintindihan ang pinag-uusapan nila!
I became wary of my actions knowing he's watching me. Kung hindi lang ulit ako hinatak ni Dior at Melly ay hindi ako makakasayaw ng hindi iniisip ang titig niya.
Yun nga lang ay hindi rin ako nagtagal. Nakahanap ng kasayaw si Melly at may nakasalubong na kakilala si Dior kaya naman naiwan ako mag-isa. May ilang lumalapit asking my number but I politely said no o di kaya naman ay sinasabing wala akong cellphone. At kalaunan mapapakamot sila sa batok, alam na agad ang ibig kong sabihin,
"You're too gorgeous tonight to be alone." bumaling ako sa gilid at natantong si Matty ito.
"Mat! Andito ka rin pala!" turan ko. He's wearing a blue silky polo with his usual specs. His hair is messy pero tingin ko ay ganon talaga iyon dahil sa tuwing nagkikita kami ay kapareho lagi ang itsura.
"Hmm. My friends and I just need a diversion before hell week start." I chuckled.
His course is Dental Medicine so I don't have the slightest idea about it except they're studying how to extract someone's tooth.
"Where's Vianca?" luminga siya kaya napalibot din ang tingin ko. Ngumuso ako, iniwan ako ng mga kaibigan ko dito.
Dapat na ata akong humanap ng kaibigan. Yung hindi sana ako iiwan bigla sa gitna ng club lalo na't birthday ko.
Pumihit ang ulo ko sa table namin para tanawin kung bumalik ba sila pero imbis na sila Dior ang maabutan ay ang mga titig ulit ni Brent. His eyes went from mine to Mat and back to mine again. Matapos ay nag-iwas siya ng tingin.