Kabanata 14:
Collegiate League of Sports Part 1Threscia Alessandra's Point of View
"Done," I wet my lips using my tongue when I suddenly felt more hungry because of it. He then placed the plate that has chicken wings and rice in front of me.
Tinanggal na niya rin mula sa magkabila niyang kamay ang plastic gloves at nilagay iyon sa tray na pinaglagyan kanina ng orders namin.
"Thank you," nahihiya kong tugon na ikinangiti niya.
"No worries, let's eat," aniya na ikinatango ko. Tinanggal ko na rin ang plastic gloves sa mga kamay ko at kinuha ang kutsara't tinidor sa tray. Pinunasan ko muna iyon gamit ang tissue bago ginamit sa kinakain ko.
When I finished the first batch of wings, I requested again. Well, it's unlimited so I can request a chicken wing as much as I can.
As well as Foster, he ordered an unlimited sisig so he requested until the third batch of sisig and rice. Sabagay, malakas kumain ang mga lalaki kumpara sa atin. Mas marami silang kinakain.
Nang maubos ko ang second batch ng wings ay nakaramdam na ako ng pagkabusog. Uminom na rin ako sa Iced Tea ko at kumuha ng tissue pagkatapos.
Pinunasan ko ang labi ko gamit 'yon at napasandal ako sa backrest ng upuan ko. Awtomatikong napatingin ako kay Foster na sumandal din sa kinauupuan niya.
"Gosh, I'm super full," natatawa kong komento. Parang tumataas lahat ng kinain ko dahil sa dami.
"Ang lakas mo pa lang kumain," kapagkuwa'y wika niya na lalo kong ikinatawa.
"But you're adorable," pagpatuloy niya dahilan para dahan-dahan akong tumigil tumawa. Naramdaman ko naman ang biglang pagtibok ng puso ko kaya inabot ko ulit ang Iced Tea sa mesa at uminom.
Kalaunan ay nilapag ko rin ulit. Tumikhim ako at napasulyap ako sa wrist watch ko. It's already 12: 46 PM.
"Alis ka na?" Nalipat ang tingin ko kay Foster nang magtanong siya. Siguro ay napansin niya ang madalas kong pagsulyap sa wrist watch ko. He was just staring at me with gentleness. Huminga ako ng malalim at tumango sa kaniya.
"Yeah, I have a lot to do and we need to practice our cheerleading. Isa pa, ayaw na kitang abalahin pa," I softly spoke. He just nodded with my response. Nang napababa na namin ang kinain namin ay nagdesisyon kaming umalis na.
Paglabas namin ng cafeteria ay nagsalita si Foster na bitbit ngayon ang paper bag at box na may lamang cupcakes.
"Hatid na kita," napasulyap ako sa kaniya nang nagprisenta siya. Agad akong umiling sa kaniya. Gaya ng sinabi ko kanina ay ayaw ko na siyang abalahin pa dahil alam ko naman na abala rin siya sa pagt-training.
"Hindi na, Foster. Baka ma-late ka pa sa training ninyo," tugon ko at umiwas na ng tingin at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Hmm, okay. If that's what you want. Hatid na lang kita sa labas," he yielded making me grin. I then just nodded with his remarks. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa labas. Nag-abang siya ng taxi para sa akin at siya na rin ang pumara.
Binuksan niya ang pinto at pumasok naman ako. Bago niya sinara ay yumuko ito para makita ako. Agad na nagtama ang mga mata namin at napalunok ako nang ngumiti siya sa akin.
Maya-maya ay tumingin ito sa driver's seat na kung saan nakaupo 'yong taxi driver.
"Hearthstone University, Manong. Please bring her safely," bilin nito at sumulyap ulit sa akin. I then raised an eyebrow when our eyes met at what had just happened. He just gave me a wink and gently shut the door.
BINABASA MO ANG
HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)
Teen Fiction(Hospitality Industry Series #2) We all make missteps, everybody should be given a second chance. That is what life is about. We do not get redos, but we do get second-luck. But what if those missteps led someone to ache and agonize? Would you still...