Kabanata 38:
LongingThrescia Alessandra's Point of View
Before I could utter a word, a small and sweet voice called Grant from behind.
"Daddy, what are you doing with pretty miss?" Trishia innocently asked. I cleared my throat and I tried to peek behind Grant to see Trishia. She looks so adorable and I can really see myself in her.
I inclined my head backward when Grant is still staring at me, intently. I took a glance at him and gulped as I look away. Nakahinga ako ng maluwang nang lumayo sa akin si Grant at hinarap si Trishia.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang dibdib ko at kinalma ang sarili. Unti-unti na ring kumalma ang puso ko na kanina pa tumitibok ng malakas at mabilis. Gosh, I was saved by the bell.
"Do you need something, baby?" Malumanay na tanong ni Grant sa anak at hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa.
Umiling si Trishia sa daddy niya at itinaas ang dalawa niyang braso na sa tingin ko ay gusto niyang magpabuhat. Aw, she's so adorable.
Lumapit si Grant kay Trishia at maingat niya itong binuhat. Agad namang pinulupot ni Trishia ang maliit niyang braso sa leeg ni Grant. Kapagkuwa'y tumingin silang dalawa sa akin kaya nawala ang ngiti ko.
As I stared at Trishia, I can't help but feel that we have a connection. Parang gusto ko siyang buhatin at halikan. Kalaunan ay nilipat ang tingin niya sa daddy niya.
"Daddy, are you about to kiss pretty miss?" Tanong nito kay Grant dahilan para mapaubo ito. Ako naman ay napalunok at iniwas ang tingin ko sa kanila. Parang bigla akong nahiya sa tanong ni Trishia.
"How do you say so, baby?" Rinig kong tanong ni Grant sa anak niya kaya binalik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ngayon ay nakatingin sila sa isa't isa at hindi ko maiwasan ang hindi titigan si Trishia.
There's a part of me that wants to hug and kiss her so much. I felt like I'm longing for her but I guess, I'm just missing my Teresine.
Kung hindi sana nasunog ang ospital noon ay baka buhay pa hanggang ngayon ang anak namin ni Grant at masaya kami.
"I saw you cornering pretty miss and I watched a korean drama that has the same scene as you did earlier, daddy," nakangiting tugon ni Trishia sa daddy niya. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti.
Mukhang magkasusundo talaga kami ni Trishia dahil bata pa lang ay mahilig na siyang manood ng kdrama. Mahina namang natawa si Grant at mukhang hindi makapaniwala sa tinugon ng anak niya.
"Hmmm, I guess?" Nakangising wika ni Grant sa anak at pinanlakihan ko siya ng mata nang lumipat ang tingin sa akin ni Grant na para bang inaasar ako.
"Okay po, hihi," hagikgik ni Trishia at para bang kinikilig sa mga nangyayari. Bumuntong hininga ako at nakaramdam ng pangangalay ng mga paa ko dahil kanina pa ako nakatayo.
Isa pa, nakasuot ako ng heels at medyo masakit na ang talampakan ko. Maya-maya ay nalipat sa akin ang tingin ni Trishia.
"I thought you already left, pretty miss. I'm happy po na you're still here," nakangiting ani ni Trishia sa akin at hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero iba ang pakiramdam ko kay Trishia. I don't know why I felt like I don't want to leave her. I have this feeling that I really need to stay by her said. Maybe, because Bethany left them and I pity Trishia.
She deserves a mother that will love her unconditionally and stays with her all the time.
"Pretty miss will spend the night here today, baby. Ibaba na muna kita at magluluto ako ng gabihan natin," sambit ni Grant kay Trishia at masayang tumango si Trishia sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)
Novela Juvenil(Hospitality Industry Series #2) We all make missteps, everybody should be given a second chance. That is what life is about. We do not get redos, but we do get second-luck. But what if those missteps led someone to ache and agonize? Would you still...