Kabanata 33:
Labor DayThrescia Alessandra's Point of View
"Kilala mo po siya, Miss Threscia?" Kuryosong tanong sa akin ng sales lady habang binabalot 'yong binili kong handbag.
Pumili pa kasi ako ng isa maliban sa clutch bag. Nawala bigla 'yong interes ko na bilhin 'yon no'ng hinawakan ni Bethany. Mukhang si Bethany 'yong tinutukoy niya.
"Yeah, she works for me before. She's one of our housemaids," I responded making her nod. I just watched her putting the bag inside the Yarnary paper bag.
"897, 000 pesos po, Miss Threscia," she said. I was about to take my wallet out of my bag when Grant spoke beside me.
"I'll pay, Miss," aniya at inabot 'yong black card sa sales lady. Tumingin naman sa akin 'yong sales lady at tumango lang ako sa kaniya. Kinuha niya ang black card at sw-in-ipe iyon sa credit card machine.
Kinuha rin ni Grant 'yong binili ko na bag at siya na ang nagbitbit. Nang mabayaran na ay binalik na ng sales lady kay Grant 'yong black card.
"Thank you Mr. Yuan and Ms. Qiao, come again," wika niya na ikinangiti ko lang. I then held his hand and we intertwined it. Lumabas na kami ng Yarnary at habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Foster.
"Threscia," tawag niya kaya napatigil kami ni Grant. Ngumiti ako kay Foster nang magtama ang mga mata namin. Mukhang mag-isa niya lang dahil wala siyang kasama.
Sa totoo lang, madalang na kami nagkita ni Foster at napansin ko na lalo siyang naging gwapo. Ngumiti rin sa akin si Foster at napatingin sa magkahawak-kamay namin ni Grant. Kalaunan ay binalik niya ang tingin niya sa akin.
"How are you?" Tanong niya.
"I'm fine, Foster. How about you?"
"Same. Your baby bump is now finally showing," tukoy niya sa tiyan ko. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil doon. Well, alam na ng lahat na buntis ako sa anak ni Grant at mabuti na lang ay naging maayos ang lahat.
Nag-shift din ako into online class dahil ayaw kong mapagod ang sarili ko. About the council, Blaire is the presiding officer until I will give birth. I trust her and her leadership. She's an execellent leader.
"Yup, in the next three months, malalaman na namin ang gender ni baby," nakangiti kong tugon na ikinangiti niya.
"Ninong ako. Hindi ko na aabalahin 'yong date ninyo. Mauuna na ako," kapagkuwa'y paalam niya. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti.
Well, kukunin ko talaga siyang ninong, buti nag-voluntary siya. Sinundan ko lang siya ng tingin habang palalayo siya.
Nang makaalis siya ay huminga ako ng malalim at sumulyap kay Grant na seryosong nakatingin sa akin. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
"What?"
"He likes you," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hawak niya ba ang damdamin ni Foster? Bigla naman akong natawa at napailing. Ano bang pinagsasabi niya?
"No. We're just friends, baobei," I assured him. He just gave me a nod and smiled a little. Pagkatpaos ay pinagpatuloy na namin ang paglalakad.
"ARE YOU READY, baobei?" I took a glimpse at Grant who's sitting beside me. I just nodded at him and smiled. Today is the day of my ultrasound and we'll know today what's our baby's gender. Ako na ang susunod na mau-ultrasound.
I'm very excited to know my baby's gender. I hope it's a girl. Nagpa-ultrasound na rin si Bethany kahapon at babae ang magiging anak ni Grant kaya sana babae rin sa akin pero okay lang naman kung lalaki, ayos lang basta malusog ang sanggol.
BINABASA MO ANG
HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)
Teen Fiction(Hospitality Industry Series #2) We all make missteps, everybody should be given a second chance. That is what life is about. We do not get redos, but we do get second-luck. But what if those missteps led someone to ache and agonize? Would you still...