Kabanata 9:
New FriendThrescia Alessandra's Point of View
"Thank you for today, Foster," I spoke and took a glance at him when we arrived at my home. Tumingin sa akin si Foster at ngumiti.
"You're welcome, Threscia. Next time, be careful of them," he advised, pertaining to those perverts earlier and I just nodded at him. Tinanggal ko na ang pagkakakabit ng seatbelt ko. Kapagkuwa'y sumulyap ako ulit sa kaniya.
"Be careful, drive safely," ani ko naman ikinatango niya lang. Pagkatapos n'on ay hinawakan ko na ang door handle at tinulak iyon para magbukas. Lumabas na ako at sinara ang pinto. Kapagkuwa'y bumaba ang bintana niya kaya sumilip ako.
"Thank you ulit," nakangiti kong wika at kumaway sa kaniya. Ngumiti rin siya sa akin at kumaway. Umayos na ako ng tayo at sinundan ko lang ng tingin ang kotse niya hanggang sa makalabas siya ng main gate.
Nang hindi ko na makita ang kotse niya ay tumalikod na ako para pumasok sa loob.
"You're here, sweetie," napatingin ako kay Mom nang nagsalita siya. Nakita ko na kasama niya si Dad at mukhang inaabangan nila ang pagdating ko. Ngumiti ako at sinalubong sila ng yakap. Maya-maya ay humiwalay na kami sa isa't isa.
"Who's jacket are you wearing?" Agad na tanong ni Dad nang mapansin niya ang suot kong itim na jacket. Right, I forgot to give it to Foster earlier. Ibabalik ko na lang sa kaniya kapag nagkita kami para malabhan pa ito ng mga katulong.
"It's from Foster, Dad. Pinahiram niya sa akin kanina kasi ang lamig sa labas," I explained making him nodded, satisfied with my response.
"I think I heard his name before," sumulyap ako kay Mom nang magsalita siya. Kaagad namang kumunot ang noo ko dahil doon. She was staring at me and in deep thought, maybe she's trying to think where she heard that name before.
"Castañeda ba surname niya, anak?" Tumango ako sa tanong ni Mom. Kung gano'n ay kilala niya rin si Foster.
"A siya 'yong anak ni Dr. Cesar at Dra. Farida, darl," ani ni Mom at sumulyap kay Dad. Kaya siguro magm-medicine si Foster dahil both parents siya ay mga doktor.
"Oo siya nga. Schoolmate ko dati si Cesar. Sila may-ari ng Castañeda General Hospital," kwento ni Dad na ikinatango ko lang. Sabagay, elite school din kasi ang Sacred Monarch University kaya hindi na ako magugulat pa kung malaman kong galing din siya sa mayamang pamilya.
"One time kasi anak, nag- held ng reunion ang batch namin no'ng college kaya kilala ko si Foster," tumango lang ako ulit sa sinabi ni Mom.
"Mabuti at nakita ka niya sa daan, anak," Dad retorted making me smiled. Mabuti na lang talaga dahil kung hindi, baka tuluyan na akong minanyak ng mga lasing kanina sa 7 eleven kaya nagpapasalamat talaga ako sa kaniya.
"Invite him into our mansion next time, sweetie," sa sinabing iyon ni Mom ay tumango lang ako. Kapagkuwa'y nagpaalam na ako para umakyat. Nang makarating ako sa ikalawang palapag ay tinungo ko ang corridor na papunta sa kwarto ko.
I then hold the door handle and opened it. I immediately opened the switch of my chandelier and my room lighted because of it. Sinara ko na ang pinto at tinungo ang kama ko.
Hinubad ko muna ang jacket ni Foster at inilagay 'yon sa couch ko. Bumuntong-hininga ako bago umupo sa kama ko. Tinanggal ko na rin ang heels ko at nilagay iyon sa tabi ng nightstand. Kapagkuwa'y tamad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot kong kama.
Pagkabagsak ko ay agad akong tumitig sa ceiling ko. Right, engagement party pala namin ni Grant bukas at hindi ako sigurado kung dadalo nga siya lalo na at hindi maayos ang usapan kanina dahil sinundan niya si Bethany.
BINABASA MO ANG
HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)
Novela Juvenil(Hospitality Industry Series #2) We all make missteps, everybody should be given a second chance. That is what life is about. We do not get redos, but we do get second-luck. But what if those missteps led someone to ache and agonize? Would you still...