Kabanata 15

1.8K 26 7
                                    

Kabanata 15:
Collegiate League of Sports Part 2

Threscia Alessandra's Point of View

After the banner raising, a photographer took a photo of each representative and the whole representatives. Hanggang ngayon ay walang tigil pa rin ang hiyawan ng mga nandito sa stadium at normal lang naman ang ginagawa nila. 

Nang matapos ay bumalik na kami ulit sa backstage. Nang makarating kami sa backstage ay agad na hinanap ng mga tingin ko si Foster. Napatigil ako nang magtama ang mga mata namin. Kapagkuwa'y ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.

I admit, he looks more handsome with a cheerleading outfit. Magsasalita na sana ako nang humarang si Grant sa paningin ko. Napatingin ako sa kaniya at dahil sa bulto niya ay hindi ko na makita si Foster.

He just gave me a poker face. 

"W... What?" Kinakabahan kong tanong. 

"It's nothing. Good luck on the cheerleading competition," he spoke which made me blink. 

"Thank you," ani ko habang pinoproseso ang sinabi ni Grant sa akin. Gosh, did he just said 'good luck' to me? Grabe, dapat na ba ako kabahan sa kinikilos niya? Bigla na lang kasi siya naging hindi cold sa akin. 

Epekto ba ito ng pagiging engaged? 

"Let's go, hatid na kita sa pwesto natin," maya-maya ay nagsalita siya. Tumango lang ako at sabay kaming lumabas ng backstage at dumaan sa gilid. Hindi ko naman maiwasan ang hindi kiligin dahil sa sinabi niya. 

Enebe, hindi naman na niya ako kailangang ihatid pero shOurr why nOorth.

Habang papunta kami sa upuan namin ay napansin ko naman na nakatingin sa akin ang mga tao habang naglalakad ako sa harap nila. I'm actually aware that I'm a head turner so it's normal to me. I'm used to it. 

Hindi ko lang sila pinansin at pinagpatuloy lang ang paglalakad hanggang sa makarating kami ni Grant sa pwesto ng Hearthstone University. Ngumiti ako sa mga kasama ko sa cheerleading nang ngumiti sila sa akin. 

Iba ang design ng cheerleading outfit ko pero parehas ang kulay na crepe pink dahil palatandaan na ako ang cheerleader. Bago ako umupo ay sumulyap ako kay Grant na nakatingin sa akin ng seryoso. 

"I'll just go prepare for the lighting of the symbolic flame," aniya na ikinatango ko lang. Pagkaalis niya ay umupo na ako sa tabi ni Blaire. Yes, si Blaire ay kasama ko sa cheerleading.

"Yiehhh, ang sweet na ni Grant sa'yo. Sabagay, fiancee ka niya kaya dapat lang," tukso ni Blaire sa akin kaya napasulyap ako sa kaniya. Ngumiti lang ako dahil sa sinabi niya. Tama siya, naging sweet bigla si Grant sa akin.

Alam kasi ng lahat na hindi ako pinapansin ni Grant tuwing iniistorbo ko siya kaya pati ako ay naninibago sa mga kilos niya. Simula no'ng tumira kami sa iisang bubong ay naging maayos ang pakitutungo niya sa akin.

Hindi na ako nagsalita at kapagkuwa'y tinuon ko na ang atensyon ko sa mga emcee. 

"And to set ablaze the spirit of camaraderie and sportsmanship, let us now witness the lighting of the symbolic flame by the different varsity team representatives from the defending champion, Hearthstone University," Mr. Jonas affirmed.

Tuwing lighting kasi ng symbolic flame ay automatic na ang nanalo last year ang gagawa kaya Hearthstone University ang magl-light ngayon at sana ay kami ulit ang manalo ngayon. 

"Basketball: Adriel Hayden Dechavez, and Kingsley Roel Santiago. Baseball: Stefano Castriel Quesada, and Rusell Chiu Sy. Football: Grant Benjamin Yuan, and Brent Rio Javier," ani ni Ms. Brielle at lalong umingay ang buong paligid nang lumabas ang mga varsity players namin. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon