𝐑𝐄𝐕𝐄𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 2

8.9K 237 18
                                    

Third Person Pov.



Maaliwalas ang paligid ng boung palasyo makikita mo sa mga mata ng mga mamamayan at tauhan ng Astra ang kasiyahan dahil sa mahal na Empress Gin nila. Mahal na mahal nila ito sa kabila ng pagiging brutal at malamig na emosyon nito.

Sa kabilang banda naman ay lugmok na talaga sa kahirapan ang kaharian ng Larya. Makikita mo ang sigawan ng mga tao dahil sa kagutuman. Sa isang silid andito si Mark, Rheane, Amora, Lyka and Emperor, kong ano ang ginagawa ng tatlong babae doon ay nagpapaimpress sa Emperor si Mark naman ay galit na nagtingin sa sa tatlong babae na iniisturbo ang Emperor.

"Sweetheart gumala tayo plzzz" pabebeng sabi ni Rheane at niyakap sa braso ang Emperor pilit nyang kinukuha ang attention ng lalaki pero bigo parin sya.

'shit sasakit ang ulo ko dito sa babaeng toh'

Sabi ni Ara sa kanyang isip, napabaling naman ang attention ni Rheane kay Mark at nagpa-cute na humarap dito.

"Mark samahan mo akong gumala sa tindahan plz" maarteng sabi nya at nagpa-cute sa harap ni Mark pero hindi sya nito pinansin. Nakita ni Rheane na pinagtatawanan sya ni Ara ay mariin nya itong tignan.

"Ano tinatawa mo bitch?" Taas kilay nyang sabi. Umiling nalang si Ara at tinuon ang attention sa Emperor.

Padabog namang Umalis si Rheane at sumakay sa kanyang karwahe pamunta sa kanya boutiques para bumisita bago umuwi. Pagdating nya doon nakita nya ang kasabwat nya sa pagpapabagsak sa Emperor.

"May nakuha kabang impormasyon?" Tanong ni Blaze ng makapasok sya doon na pala ang bisita nya. Umupo nalang sya sa kanya upuan at humarap dito.

"Maglalakad ang Emperor bukas ng umaga papunta sa Larya kingdom para humingi ng tulong" seryosong sabi ni Rheane, oo narinig nya ang usapan ni Mark at ng Emperor kagabi.

"Bukas tayo lulusod naka ready na ang mga tauhan ng palasyo namin, ministro Kang ikaw bahala para mabulilyaso ang pagpunta ng Emperor sa daan palang, Jack kunin mo ang tiwala ng Empress nyo hindi ka mahihirapan nyang dahil ikaw ang punong ministro pagkatapos na kalabanin ng Empress Gin ang Emperor doon na natin din sya patayin at ako ang lulusob para hindi sila makatakas, two birds in one stone" ngising aso sabi ni Blaze iniisip na nya ang kanyang tagumpay ay pagmumuno nya sa tatlong kaharian.

"Ako ano role ko?" Taas kilay na sabi Rheane, hindi sya makakapayag na wala syang makukuha dahil malaki ang na ambag nya sa tagumpay nila.

"Wag na paghihintay ka nalang sa ating tagumpay mula sa malayo" sabi ni Blaze bago umalis at kasama ang mga ministro ng dalawang kaharian. Nainis naman syang nagsarado ng boutiques at umuwi na sa bahay nya. Nang makarating sya ay nakita nya ang taong kanina nya inaasahang makita.

"Hi babe i miss you" Sabi nya sa taong ito sabay halik sa pisngi nito. Wala syang nakuhang sagot kaya nagbuntong hininga na lamang sya.

"Hi my sister in law" sulpot ng isang babae sa gilid ng bahay nya.

"You're here" masayang sabi nya dito at hinalikan din sa pisngi.

"How's life" natatawang tanong ng taong ito kay Rheane. Hindi na nila pinansin ang isa pang tao sa sofa na iyun.

"Great, smooth ughh" birong ungol nito at nagtawanan sila sa ka katarantaduhan nila sa buhay. Ilang minuto sila nag-uusap at marami silang napag-usapan na para bang hindi sila nagkikita araw araw.

Sa palasyo namn ng Astra ay nagising sila Anne na natatakot at lubos ang pagtataka kong paano sila napunta doon. Ilang beses sila na ka tanggap ng liham mula sa kanang kamay ng Empress na si Aries pero hindi nila ito pinansin pero hito na nga sila sa palasyo ng Empress. Nakarinig sila ng katok kaya binuksan nila ito, sa isang malaking kwarto doon silang lahat labing anim na tauhan ni Mishka. Pagbukas ng pintuan ay nakita nila ang seryosong mukha ng punong kawal.

"Sumunod kayo sa akin" sabi nito at nauna nang umalis, nagtinginan sila ay natakot dahil isa lang ang nasaisip nila na ngayon ang kamatayan nila.

Sumunod naman sila, ilang liko pa ang nadaraan nila at nakita nila ang kagandahan ng palasyo mas marangya, maganda at malaki ang palasyo ng Astra kaysa Layra. Ito ang unang beses na pumasok sila doon kaya lubos ang paghanga nila.

"Andito na sila, papasukin ko na ba?" Tanong ng punong kawal sa tao sa loob, bahagyang bumukas ang pintuan kaya mas nadagdagan ang kaba ng nararamdaman nila. Nang nakapasok sila ay dalawang tao lang ang nakikita nila sa loob si Aries  na nakatayo sa gilid at isang taong nakaupo sa upuan ng Emperatris at may kurona sa ulo nito.

"Leave now general at kayo magbigay galang kayo sa Empress ng Astra" seryosong sabi ni Aries sa kanila. Nanginginig silang lumuhod at yumuko dahil sa teritoryo sila ng pinakakatakutang tao sa mundo ito.

"Arise" isang malamig na tinig ang narinig nila mula sa taong nakaupo sa upuan.

Mas malamig pa sa Emperor mas mapanganib pa kaysa kay Mishka. Akala niya si Mishka at ang Emperor lang nakakatakot pero mayroon pa pala, totoo nga ang sabi sabi ng lahat ng mga kaharian tinig palang ng Emperatris manginginig Kana. Humarap sa kanila ang Empress na Astra pero isang napakagandang itim na maskara lang ang nakikita nila. Tinignan sila isa isa ng Empress at kinuha ang maskarang itim doon na gimbal sila sa nakita nila sa mukha ng Empress. Mula sa pulang buhok at mga mata, perpektong hugis ng mapupulang labi, matangos na ilong, mahabang pilik mata, walang emosyon mga mukha, malamig na mga mata. Masasabi mong ito ang perpektong mukha na nakita nila, kong May angle side ang babaeng iyun na nakikita nila araw araw noon, ang kaharap nila ngayon ay demonyong angel na bumaba sa lupa na handa kang dalhin Kay Satanas ano mang oras nya gugustuhin.

"MISHKA"


..............................
...................
..........
.....
.






The Death Empress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon