𝐁𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒𝐂𝐀

15.3K 400 41
                                    

Mishka pov.

"Iha maraming salamat sa tulong mo ah hindi ko alam kong babayaran sa ginawang tulong mo" naluluhang sabit ng ginang sa akin

Andito kami ngayon sa bahay nya dito nya ako pinatuloy mula noong umalis kami sa bayan, isa itong maliit na baryo malayo sa bayan.Isang tahimik na lugar at may makikitang kang batang naglalaro, mga babaeng naglalaba.

Tipekal na baryo makikita mo dito, sagana sa pananim pero alam kong mga tao dito ay walang pinag-aralan dahil yun ang nakasaad sa batas nila na bawal silang pamasok sa paaralan.

"Walang ano man po, napadaan kasi ako ng makita kung sinasaktan ang anak mo kaya tumulong na lang ako" magalang kung sagot sa kanya at nakangiti tumingin sa batang lalaki na kanina pa nagnanakaw tingin sakin

"Saan kaba pupunta iha at marami kang dala?" Taka nyang tanong

"Naghahanap po ako ng matutuluyan kakarating ko" sagot ko sa kanya, hindi ko pede sabihin ang totoo.

"Ganon ba pede kang matuloy tumuloy dito sa bahay namin, welcome na welcome ka dito." agaran nyang sagot sakin

"Maraming salamat po ah"  ngiti kong sabi sa kanya.

Andito ako ngayon sa kwartong ibinigay ni nanay Rosita, nanay nalang daw tawag ko sa kanya dahil wala syang anak na babae at gustong gusto ni James na maging kapatid ako.

Isang simpling kwarto lang ito, may dalawang bintana na bukas na bukas talaga kaya napapasok ang preskong hangin sa labas. Isang kabinet mas mataas ng kunti sa akin.

Sakagitnaan ako ng pag-aayus ng aking mga gamit sa kama ng pumasok si nanay Rosita sakwarto ko.

"Mika anak halika kana at kumain dahil alam kung nagugutom ka galing sa paglalakbay" sabi nya habang papasok sa kwarto.

Sabay nalang kami bumaba dahil hindi sya pumayag na hindi kami sabay kumain ng pananghalian ngayon.

Pagdating namin sa kusina andon na si james naka ready na para kumain

"Halikana ate kakain na tayo" nakangiting yaya ni james halatang excited para makasabay ako kumain.

Habang sa hapag-kainan kami marami kaming napag-usapan ni nanay Rosia tungkol sa kaharian nila at buhay nila dito.

"Nay ako napo maghuhugas ng pinagkainan" sabi ko sa kanya habang nililigpit ito.

"Mika anak wag na, magpahinga ka nalang dahil alam kong malayo pa pinanggalingan mo" awat nya sakin at sya nalang nagpatuloy sa pagliligpit nito.

Hindi na ako tumanggi kasi pagod na din ako, umakyat nalang ako ikalawang palapag kasi nandon ang magiging kwarto ko.

Pagbukas ko ng pintuan nakita ko ang itim na pusa sa may kama habang ginawa nyang higaan ang mga damit ko, nang makita nya akong papalapit bigla syang tumayo at tumalon sakin na gusto atang magapabuhat. Hinimas ko nalang ang kanyan balahibo kaya maya maya nakatulog na ito saka ko nilapag sa higaan at pinagpatuloy ko ang aking pagliligpit.

Sya ang itim na pusa nakita ko sa kagubatan dinala ko nalang at inangkin kasi ilang besea kong pinagtabuyan at niligaw bumabalik parin sakin, Ace ang pinangalanan ko sa pusa, nasimula ngayon akin na sya.

Alas singko ng madaling araw nagising ako sa ingay ng mga tao kaya sumilip ako sa bintana ng kwarto at nakita kong abala na ang mga ito sa pagtatrabaho, alam kong buong araw nila ito ginagawa. Sinara ko nalang ang binata at tumayo na don ko nakita si Ace sa paanan ng kama na para bang binabantayan ako sa kalaban na pede makapasok, hindi pala basta basta nagpapakita si Ace sa mga tao buong paglalakad namin sa loob ko lng ito ng bag natutulog.

Paglabas ko ng kwarto nakikita ko si nanay Rosita at si James naghahanda para sa boung araw na gagawin nila.

"Kumain Kana Jan nak, nakahanda na ang pagkain mo tapos na kasi kumain eh" sabi nya sakin habang binibihisan si James.

Tahimik nalang akong kumain at pagkatapos ay niligpit ito.

Paglabas ko ng bahay kasama ang mag ina maraming tao ang tumitingin sa akin, nagtataka siguro kasi ngayon lang nila ako nakita. Maglalakad na sana ako kaso biglang sumulpot at tumalon sakin si Ace kaya wala akong magawa kundi isama sya aming pupuntahan.

Parang familiar ako sa pusa na iyan
Oo nga parang nakita kuna pero hindi kuna natatandaan
Baka May ka parehas lang

Bulungan nila habang nakatingin sa pusang natutulog sa mga braso ko.

"Rosita sino yan ang gandang bata ah" puna ng isang ale na daanan namin.

"Anak ko mare" agarang sagot namn ni nanay

"Anak mo? Bakit wala kaming nababalitaan dalawa anak mo?" Taka nyang sagot.

"Basta mahabang kwento hahhahah" natatawang sagot ni nanay dito at patuloy nalang kami sa paglalakad.

Hindi kuna pinagtutuunan ng pansin ang mga kaedaran kung mga binatilyo na kanina pa nakatitig sa kin.

Buong araw akong gumagala dahil pinayagan ako ni nanay Rosita na gumala sa boung baryo ng Floresca. Marami akong napapansin mga kababaihang umaaral ng pananahi, mga batang paglalaro lang inaatupag, mga lalaking may dalang malaking baboy ramo galing sa kagubatan.

Subrang ayus sa lugar na ito hindi mo makikita ang kahirapan kahit ang totoo naghihirap sila dahil laki ng buwis na kanilang binayaran.

Mula sa malayo nakita ko si nanay Rosita at james na naglalakad pa uwi na.

"Maganda gabi nay" bati ko ng makarating sila.

"james kamusta araw mo? wala bang nang-aaway sayo?" pag-alala kong tanong.

"wala po ate, kasi takot sila dahil may ate akong may gintong pera" sagot nya sakin, tumawa nalang ako sa sinabi nya.

Nakita kong nakatitig sakin si nanay rosita alam kong marami syang tanong pero hindi nya masabi dahil personal kong buhag ito.

Sabay nalang kaming tatlo pumasok at dumiritso sa kusina kasi naka hain na ang hapunan namin.

"Marunong ka palang magluto iha, pede kanang mag-asawa hahaahaha" birong sabi ni nanay.

"marunong po talaga pero wala akong balak mag-asawa" agarang kong sagot.

Masaya kaming kumain ng hapunan dahil ang daldal ni James, tahimik akong tao kaya nagtataka ako kung bakit komportable ako sa mag-inang ito.

Pagkatapos naming kumain ako nadin ang nagligpit kasi pagod na si nanay. Pumasok nalang ako sa kwarto at natulog na kasi napagod din ako sa paggala ko kanina.

𝐓𝐡𝐢𝐫𝐝 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧.

May isang taong nakatayo habang pinagmamasdang ang boung kaharian, ng biglang pumasok ang kanyang kanang kamay.

"Mahal na Emperor walang bakas ni Kisha kaming nakikita, walang senyalis kong saan sya ngayon" nakaluhod na sabi ng kanyang kanang kamay.

Hindi na nagsalita ang Emperor at ginalaw nya kanyang kamaya upang ipahiwatig na lumabas na ito.

Sa kabilang banda may isang babae nakatayo at walang kang makikitang emosyon sa kanyang mukha habang nakatanaw sa kadiliman ng paligid.

Maya maya may isang taong sumulpot sa isang puno na malapit sa kanyang kinatatayuan. Hindi mo malalaman kong ito ba ay babae o lalaki dahil sa balot na balot ito ng itim na kasuutan.

"Mahal na Empiratres kumikilos na po sila at nagawa ko na ang pinag-uutos mo"  nakayukong sambit nito bilang tanda ng paggalang sa kausap.

Wala syang nakuhang sagot sa Empress kundi malamig na titig lang. Tumalikod ito sa kanya at bumitaw ng katagang

"Patayin mo ang hahandlang"

Yang ang gatagang narinig nya bago sya iwan ng kausap.



-0-0-0-0-0

yung bang ikaw ang liligawan tapos sayo pa magtatanong kung paano man ligaw.



Good day.

The Death Empress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon