Mula sa pwesto ko kitang kita ko ang kagandahan ng kaharian. Kaharian na tahimik at walang gulo ito ang kahariang Astra pinakamalaking kaharian sa mundong ito.
Malamig na hangin ang damampi sa mukha ko, andito ako sa bangin nakaupo at pinagmamasdan ang ganda ng mundong ito na hindi ko inaakalang mapadpad ako dito.
Naisipan ko ng tumayo dahil kanina pa ako dito , nagsimula nalang ako pababa ng bundok. Malayo palang ako kitang kita ko na ang trankahan ng pamilihan sa bayang ito. Bibili ako ng ang gagamitin sa aking paglalakbay papuntang kaharian ng Larya at doon mamalagi ng ilang buwan dahil may importante akong lakad doon.
narinig mo ba ang balita tungkol sa Empress natin?
ano iyun? bakit hindi ko alam?
nawawala sya at iniwan ang kaharian sa kanyang kanang kamay pero bago sya nawala may pinababa sya utos na dapat babaan ang task na binabayad ng mamamayan dito sa Astra.
mabait talaga ang Empriratris natin kaya maraming kaharian ang naiingit satin dahil sagana at pantay pantay tayo dito.
oo nga eh ang swerte natin pero sana walang nagbabalak sakupin tayo.
sinong hangal namn aber? kahit mabait ang Empress natin demonyo namn yun, kaya nyang pumatay kahit anak pa nya kong sasalungat ka sa gusto nya, alam namn nating walang awa kong pumatay iyon.
Isang Empresa ang namamahala sa Astra at wala itong awa pumatay, daig pa ang yelo sa sobrang lamig tumingin at magsalita kaya takot ang ibang kaharian sa Empiratres namin at walang nagbabalak tanungin ang pamumuno nya dahil kitang kita ang sagana sa lahat ng kaharian na ito. Ayun sa sabi-sabi cold daw ang Empress dahil sya mismo ang pumatay sa asawa at anak nya di ko alam kung totoo at wala akong balak alamin ito. Napadpad ako sa pamilihan ng punyal at pumasok nalang ako para tingnan kung may nababagay ba para sa akin.
"Ining anong armas ba ang gusto mo?" Tawag sakin ng matanda at naglalakad papalapit sa akin.
"Simpleng punyal lang po lolo" nakangiti kong sabi at kinuha ang punyal na pakay ko dito. Subrang luma na ito kung titingnan pero hindi ito ang totoong kulay kong lilinisin.
"Ayaw mo sa espada ining? Alam mo bang punyal na iyan nakita nila iyan sa paanan ng bundok, sa may bangin nakatarak sa isang puno na punong puno ng dugo. Kinuha nalang nila bininta sa akin, iwan ko ba kahit anong linis ko hindi kuha kuha ang dumi, walang pumapansin kaya naging maalikabok na at halos dalawang taon na sya jan" kwento ni lolo habang pinapanood kong papaano ko titigan ang punyal na ito.
"Ahh ganon po ba, ako nalang kukuha lolo" magalang kung sabi sabay kuha ng pilak sa bulsa ko at ibibigay ko sana sa matanda.
"Wag na iha sayo na iyan ikaw lang nag-interest Jan sa punyal nayan kaya sayo nalang" agarang sagot nya at hindi tinanggap ang perang binigay ko sa kanya.
"Maraming salamat po, maraming salamat po talaga" masaya kung sabi at panay Yuko sa kanya. Nakangiti din syang tumingin sakin, at tinanong ako
"Saan kaba pupunta ang marami ka atang dala iha?" Nagtataka nyang tanong.
"Pupunta po ako sa kahariang Larya, sige po lolo ako'y aalis na baka gabihin pa ako sa daan" magalang kong paalam ang naglalakad na paalis sa tindahang iyun.
"Mag ingat ka sana iha hindi basta bastang kaharian ang Layra" rinig kong sigaw ni lolo sakin.
Nagsisimula na akong umalis sa kahariang Astra at tinahak ang daan ng Layra. Kaharian ng Layra ang ikalawang pinakamalaking kaharian, kaya hindi din iyun basta basta. Malapit na ako sa paanan ng kakahuyan ramdam ko agad ang panganid nito para sa mga taong dadaan. Dalawang bundok ng kakahuyan ang dadaan mo bago makarating sa ikalawang kaharian kaya malayo layo din itong lalakarin ko, joke lang nakasakay pala ako sa kabayo ko hahahahhaha.
Sa loob ng dalawang oras ng paglalakbay ko naabutan na ako ng gabi, kaya naghanap ako ng malaking puno at umakyat para doon matulog dahil masyado mapanganib sa baba ng puno. Ilang araw ko din pinaghandaan ang punta ko sa kaharian ng Layra kaya dapat magtagumpay ako sa paglalakbay ko at sana wala akong makasalubong ng mga taong rebelde o kaya mababangis na hayop dito sa kagubatan na ito.
Sa loob ng dalawang taon ng nagising ako dito sa mundo ito ang dami ko ng nalaman. Sa mundong ito may limang kaharian, ang pinakamalaking kaharian ay ang Astra isang Empress ang namumuno dito. Ang kaharian ng Astra ang tinakamatiwasay ng kaharian kaya madaming naiingit na kaharian pero wala silang magagawa para sakupin kasi kung ano matiwasay ganon din kapanganib na naghihintay sa kanila kahit babae ang namumuno dito ay hindi nila ito basta basta makukuha at dalawang tao lang nakakita ng mukha ng Empress nila yun ang kayang kamay at hindi kilalang tao maliban doon ay wala na kahit pa ang mga ministro o mga alalay ng Empiratres hind nakita ang mukha nya. At Empiratres ang kinatatakutang tao sa mundong ito kaya ganon nalang ang respeto nila dito kahit pa ang ibang pinuno ng ibang kaharian. Empress Gin ang tawag nilang lahat dito, marinig nila ang pangalan ito alam nilang agad kung sino sya dahil nag-iisang pangalan ng babaeng mapanganib sa mundong ito.
Ikalawang pinakamalaking kaharian ay ang Kaharian ng Layra. Isang Emperor ang namumuno dito, kung ang Empiratres ay parang yelo dahil walang emosyon ang mukha iba namn ang Emperor na ito. Napakabigat ang presensya ng Emperor palaging seryoso ang mukha at walang pakialaman sa paligid nya. Kinatatakutan din sya dahil wala syang awang kong maparusa sa ibang tao, kung ang Empiratres ay dahan dahan kang papatayin ang Emperor namn ay pinapatay nya agad dahil ayaw nya ng pinapatagal pa ito.Yang ang dalawang tao na dapat iwasan sa mundong ito kong gusto mong magtagal pa ng buhay mo.
Naging alerto ako ng May narinig akong kaluskos sa paligid ko, pagtingin ko sa baba isa lang palang itim na pusang nakatingin sa akin. Dahan dahan akong bumaba sa puno baka may ibang tao o baka andito ang may-ari ng pusang ito, ng nakababa ako ay nagulat nalang ako ng bigla tumalon papunta sa akin ang pusa at nilawayan ang mukha ko. Dinala ko nalang sya paakyat sa puno at bumalik sa pwesto ko kanina.
"San may ari mo Ming Ming? Bakit ka nag-iisa? San amo mo? " Wala akong nakuhang sagot , tumitig nalang sakin ang pusa at humiga sa dibdib ko.
"Hayssss nababaliw kana mik, pati pusa kinakausap mo" sabi ko sa sarili ko, pinagmasdan ko ang itim na pusa sa ibabaw ng dibdib ko, hindi ko nalang namalayan nakatulog na pala ako.
—0—0—0—0—0—
Mag fucos nalang ako dito sa Crown story ko nalilito na ako sa plot ng Unknown secret, ibabalik ko nalang sya pag naayos kuna
Good day guys...
BINABASA MO ANG
The Death Empress (COMPLETE)
Historical FictionA Ruthless assassin transfer in another world but act an innocent person. She always play someone life and enjoy every blood that drop in her innocence face. ~~~~~~~~~~~~~~ CREDITS TO THE TRUE OWNER OF THIS PHOTO