SPG ALERT ‼️‼️‼️
Mabigat ang puso kong nahiga sa kama. Marahil dahil sa kakaiyak ay mabilis akong nakatulog. Naalimpungatan ako nang maramdamang may mabigat na braso na nakapatong sa aking tyan. Kahit di dumilat ay kilala ko kung kanino yun. Alam na alam ko ang dulot ni Vincent sa puso at sa buong pagkatao ko
Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Bumungad sa aking ang magagagandang kulay abong mga mata niya. Vincent is lying beside me while sincerely looking at me. No one tried to speak. Tanging mga mata lang namin ang nangungusap sa isa't isa. Lumabo ang itsura ni Vincent sa aking paningin dahil sa muling pamumuo ng luha ko
Kainis, hindi ba to mauubos?
Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga butil ng luha ko habang hindi pinuputol ang tingin kay Vincent. Bakas sa mga mata ni Vincent ang galit at pagkainis. He sighed deeply before he wiped my tears using his thumb. He kissed my eyes before he said the magical words again
"I love you" he said while not tearing our gaze to each other.
"Liar" at muling pumatak ang luha ko.
Umupo ako dahil natatakot akong bumigay dahil sa mga mata niyang nakatunghay sa akin. Umupo din si Vincent at agad na pinulupot ang kanyang mga braso sa aking beywang. Niyakap niya ako ng patagilid. Lalo akong naiyak nang maramdaman ang init na hatid ng kanyang mga yakap.
"Can I explain?" may takot sa boses nito
"For what?"
"I want to tell you my side"
"I don't want to hear it. Masyado ng masakit. Sinabi ko naman sayo di ba ayoko sa idea ng pakikipag relasyon dahil alam ko na darating ang araw na mangyayari to. Maisasama lang ako sa listahan ng mga babaeng naloko mo" napahikbi na ako habang sinasabi ito
He comb my hair using his fingers.
"No, baby. That's not true. Hear my side first. please" he planted a kiss on my shoulder.
Naalala ko ang sinabi ni Thirdy bago kami maghiwalay pagpaliwanagin mo baka mali ang inaakala mo. Tumango ako para pagbigyan ang nais ni Vincent.
Nagpakawala siya ng buntong hininga nang makita ang pagpayag ko.
"We had an immersion. Phone ko ang ginamit for documentations kaya may mga pictures doon. I let my blockmates to use my phone during the immersion. Nang matapos ang program namin ay nagpahinga ako hindi ko alam na nakatulog pala ako and that started everything. Pinakealaman ni Athena ang phone ko. She said it was a dare coming from our blockmates. Mag po post siya sa account ko at sa account niya. I was sleeping through out that game kaya wala akong alam. I swear baby, hindi ko magagawang saktan ka. Paggising ko nakita ko ang missed calls ni Kim and Ethan, galit na galit sila sa akin at dun ko lang nalaman ang ginawa ni Athena. I got mad at her at mabilis kitang pinuntahan sa campus at yun yung naabutan kita sa parking lot" mahinahong paliwanag nito.
"At sa tingin mo maniniwala ako?" hindi ko alam pero parang mas nagalit ako dahil sa narinig kong paliwang niya. Pinilit kong alisin ang pagkakayakap niya pero ayaw niya kong pakawalan.
"We can call Athena right now or yung mga blockmates ko to confirm what I said. Pwede mo ring i check ang account ni Athena she apologized in her account. Check your messenger for sure nag message na rin sayo ang mga blockmates ko"
Inabot ko ang cellphone ko at sinunod ang sinabi niya. I saw Athena's post
"It was all for fun nothing serious going on between me and Vincent. Thank you for those people who are rooting for us" Ito ang status niya.