Kabanata 23

863 18 0
                                    

Magkasama ang kambal sa iisang kwarto. Malaki ang kinuhang room ni Vincent. Marahil sa pagod sa lahat ng pangyayari ay nakatulog kami parehas sa sofa. Nakaupo kami. Nakahiga ang ulo ko sa balikat ni Vincent at nakayakap ang mga kamay sa beywang nito habang nakasandal ang ulo niya sa sofa at nakalapat ang braso niya sa balikat ko para mayakap ako.

Nagising ako nang maramdamang may maliit na mga brasong yumakap sa beywang ko. Nang magmulat ako ay nasa tabi ko na si Octavia. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Napaayos ako ng upo dahilan para magising din si Vincent.

"Mommy, why are you hugging Dada Pogi? Tsansing ka" pabulong nitong tanong pero malakas naman para marinig din ni Vincent. I looked at Vincent at kita ko ang saya sa mata niya. He chuckled upon hearing Octavia's question.

Kinuha ko si Octavia at inupo ko sa mga binti ko.

"O, may sasabihin si Mommy"

"Is she your boyfriend na Mommy?" malaki ang ngiting naka plaster sa mukha ni Octavia nang tanungin ako nito

"No, baby" natatawa kong sabi sa kanya. I kissed the tip of her nose and she scrunched her nose.

"Do you want to meet Daddy?"

Nawala ang ngiti sa mukha ni Octavia dahil sa tanong ko. Malungkot siyang yumuko at umiling. Nagulat ako sa naging reaksyon niya dahil siya ang palaging naghahanap kay Vincent. Nilingon ko si Vincent at kita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nito.

"What if he doesn't like me Mommy? What if ayaw niya sa messy eater and talkative girl like me? sabi ni Kuya L Daddy might won't like me kasi palagi ako pasaway. What if I'm not beautiful enough for him Mommy?" sunod sunod na tanong nito

Hindi ko mapigilang matawa sa mga dahilan ng anak. Napatingin ako kay Vincent na ngayon ay nagpipigil na rin ng tawa.

"You're laughing Dada Pogi!" napanguso si Octavia "Mommy, you're laughing too" lalo tuloy humaba ang nguso ng anak ko.

I pinched both of her cheeks dahil sa ka cute-an na pinapakita niya.

"Is she not beautiful enough, Daddy?" tanong ko kay Vincent na nagulat dahil sa biglaang pagtawag ko dito ng Daddy

Nakita namin ang pagtakip ni Octavia sa bibig. She wriggled in my lap na gustong magpababa. Binaba ko naman siya. Tumayo siya sa harapan ni Vincent at sinubukang umakyat sa mga binti nito. Binuhat na siya ng ama at ito na mismo ang naglagay sa binti niya.

"Dada Pogi you're.... you're my daddy?" masayang tanong ni Octavia dito

"Yes little princess. I am your daddy" mahinahong sagot ni Vincent.

"Yehey! God answered my prayer" mabilis nitong niyakap ang ama.

Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Octavia at ni Vincent habang magkayakap sila.

"What's your prayer baby?" tanong ko sa anak

"I pray na sana kasing bait at kasing pogi ni Dada Pogi si Daddy and it turns out he's my Daddy" hinawakan ni Octavia ang mukha ng ama at pinaulanan yun ng halik.

She stopped kissing her daddy and just stare in his eyes. Nakita ko kung paanong unti unting tumulo ang luha ni Octavia.

"Hinintay kita Daddy. I waited for you for a long time and now you're here" yumakap ito sa leeg ng ama. Nakita ko din ang panunubig ng mata ni Vincent.

Hindi ko akalain na ganito pala kasaya na makita silang magkasama. Vincent looked at me. He smiled and mouthed "I love you" as he wiped the tears that fell from my eyes

"Don't leave us again Daddy. Stay with us" pakiusap ni Octavia dito

"I won't baby. I'll stay here with you"

Villafuerte Series #2: Chasing the BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon