Everyday was a bliss. Wala akong mahihiling na iba dahil ngayon ay masaya at kuntento na ang puso ko. Nandito kami ngayon sa mansyon ni Tito Pancho. Kumpleto kami para sa pamamanhikan ng pamilya ni Vincent.
"Who would have thought, after all the things that happened eh sa simbahan pa rin ang tuloy ninyong dalawa" hinawakan ni Tito Pancho ang balikat ni Vincent at marahang pinisil ito. "You know the struggles of my pamangkin. Maraming hindi magandang nangyari sa kanya kaya umaasa akong papalitan mo lahat ng yun ng bagong alaala" a warm smile escaped from Tito Pancho and caress my cheek.
"Makakaasa po kayo. I always loved Calixta more than anyone" pangako ni Vincent sa aking Tito.
"Mommy si Dada Ethan inaasar ako" lumapit sa akin si Octavia na naka pout ang nguso.
Yumakap siya sa beywang ko at tiningala ako.
"He said my cheeks are chubby and I smell asim daw"
Binuhat ni Vincent si Octavia at inamoy ang leeg nito na siyang dahilan na malakas na pagtawa ng bata.
"Daddy, nakakakiliti po"
"Hmm, you smell good baby. Hayaan mo na si Dada Ethan broken lang yun" pagpapalubag loob ni Vincent sa anak.
Tinawag na kami nila Kuya Pierce nang maiayos na ang hapag kainan sa garden. We gathered around the long table. My cousins, Calyx, Tito Pancho, Ethan, Kim, at magulang ni Vincent.
"Ate C, any idea about your wedding? I want to help you" excited na sabi ni Kim
"I would love that Kim"
Napuno ng tawanan at asaran ang buong hapag kainan.
"Cheers for the two of you" itinaas ni Kuya Primo ang wine glass. Ganun din ang ginawa namin. Nagsipagtawanan kami ng makita ang kambal na ginaya kami but they are holding their milk glass.
"I am really happy na sa piling ng isa't isa pa rin ninyo nahanap ang kasiyahan" naiiyak na sabi ni Tita Arisse.
"I would love to see how you grow as a couple and as a wife and husband this time. Nasaksihan namin how your love bloom simula ng pagkabata niyo and now you have your twins with you and building a family" dugtong nito
"Take care of each other. Love your partner even in the times they are unlovable. That's how we stayed this long" sabi ni Tito Mark at pinatakan ng halik ang asawa sa ulo
Napangiti ako nang makita sila.
"I will love and take care of Calixta ma, not only now but for this lifetime" nginitian ako ni Vincent at pinisil ang hawak kong kamay
"I love you" I mouthed the words to him.
"Mommy, do not drink wine" kinuha ni Lincoln ang wine glass sa kamay ko at nagpakandong sa Daddy niya. Sumunod si Octavia at nagpakandong din sa akin.
"It's okay baby. We need to celebrate" sabi ni Kuya Boaz.
"No pa din" masungit na sabi nito
"Naku, mukhang mahihirapan ang mga future manliligaw ni Octavia sa higpit nitong si L" nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Kuya Primo
"I have crush na rin Dada sa school. He's cute po may dimple siya like you din" kinikilig na sabi ni Octavia
Nanlaki ang mga mata ng nakarinig sa sinabi ni Octavia
"Before crushes Octavia, make sure you're not maasim ha" asar ni Ethan sa kanya
"I'm not maasim, right Daddy?" nakasimangot na tanong nito sa ama
"Yes princess. Ikaw ang pinakamabango"
"See, I always smell good. When Mommy's baby got born hindi ko ipapasilip sayo Dada Ethan" tuloy tuloy na sabi nito
"Octavia!"
sabay sabay kami ni Vincent at Lincoln na tinawag ang pangalan niya. Napag usapan kasi naming sa birthday ng kambal namin ire reveal na buntis ako
"Ooopss... I slipped. It's a secret po pala. Erase erase" iwinagayway pa niya ang maliliit niyang kamay sa hangin na tila nagbubura. Napatawa na lang kami ni Vincent sa kadaldalan ng anak.
"You're pregnant Calixta?" nakangiting tanong ni Calyx.
"Kainis ka naman O eh it's a top secret nga eh" sabi ni Lincoln at humilig na lang sa dibdib ni Vincent habang nakanguso. Kinurot ni Vincent ang pisngi nito.
"We supposed to tell the news at their 5th birthday but this little lady already spilled the news. So yeah, surprise I'm pregnant" masaya kong sabi
"Oh my gosh" napatayo si Kim at tinakbo ako para yakapin. Ganun din si Tita Arisse.
"Congratulations" bati ng mga lalaki kay Vincent na ngayon ay napakalaki ng ngiti.
Nilapitan ako ni Tito Pancho at hinalikan sa ulo
"This time hindi ka na tulog magbubuntis" asar nito sa akin.
Nang matapos kumain ay umalis na rin ang mga bisita. Dito na kami natulog sa mansyon dahil yun ang hiling ni Tito Pancho.
Tulog na ang kambal sa kama habang kami ni Vincent ay nasa veranda habang pinagmamasdan ang magandang kalangitan. Nakahilig ako sa kanyang dibdib habang nakaakbay siya sa akin.
"Are you happy?" tanong nito habang hinahaplos ang balikat ko
"Very happy" inilapat ko ang aking ulo sa balikat niya.
"Cause I wanna love you for good
For good or for bad
When times get sad
And when we fight
And I wanna love you for good
For good or for bad
When you make me mad
'Cause you're the love of my life"Kinanta ito ni Vincent sa gitna ng katahimikan namin. I closed my eyes at dinama ang mensahe ng kanta.
"Calixta, you're the love of my life and I will never get tired of letting you know it. If there will be times, that we will set apart, I will promise that I will chase you no matter how far you go. I've experienced hell when you left me. Sinanay mo ako sa pagmamahal mo at palagi kong hahanap hanapin yun. If ever I will be born again, I will look for you. I'll look for you in different lifetimes. Wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw lang. Ngayon hanggang sa wakas baby" malamyos nitong pangako sa akin.
I hold his hand and gently press it.
"No matter where I go I know I will always come back to the person who holds my heart. No matter how far you are I will always look for you. For I know that this heart of mine only beats your name."
Umayos ako ng pagkakaupo at hinarap siya. Pinagdikit ko ang aming mga noo. Inilagay ko ang aking palad sa kanyang dibdib at ganun din ang ginawa niya.
"You're heartbeat is my favorite music. You're face is my favorite artwork. Your smile is my favorite view and you are also the love of my life. This heart will only beat this fast for you and only you alone" I smile as I gently planted a kiss on his lips.
"I love you Calixta Alana Monteverde. You own me baby from the very beginning"
"I love you too Vincent Hugo Villafuerte"
And now the chasing is done. I am now home to the person whom I love for the rest of my life.