Kabanata 14

718 14 0
                                    

"Mommy we're ready" sigaw ni Octavia. I smiled as I see them running towards me. Nakasuot na ng uniform ang mga anak ko.

We'll spend our day together dahil bukas ay start na ng pasok ko. I also want to see their school.

Masayang masaya ang kambal habang hinihila ako papasok sa school nila. I can't help but to smile. Una naming hinatid si Octavia.

"Be good girl O and you wait for Mommy ha wag lalabas sa may gate" bilin ko dito

"Yes Mommy. I'm gonna go inside na po. I love you" she kissed my cheeks and run towards her classmates.

Sunod kong hinatid si Lincoln. May pangamba ako para sa anak ko. Dahil accelerated ay mas matanda ang mga kaklase niya. Mag f five years old pa lang siya pero ang mga kaklase niya ay six and seven years old na.

"Kuya, are you scared?" tanong ko dito

"No, Mommy but you look scared. Let me remove it" he said and kissed me both on my cheeks. I smiled as he cupped both of my cheels. "Mommy, I'm okay. I'm strong like Daddy, right?"

Hindi ko mapigilang mangilid ang luha nang marinig ang sinabi ng anak ko. I just nodded my head to him. Kahit hindi nila nakilala si Vincent ay hindi ko ipinagkait sa mga ito ang mga ala alang meron ako sa ama nila.

Nung mga baby sila madalas silang umiyak pero kapag umiiyak sila ay palagi kong sinasabi kay L "You're strong like Daddy" at kay O naman ay "You're strong like Mommy"

"Wag kang makikipag away sa loob ha. Be good to everyone. Show your smile and don't be too grumpy" bilin ko dito

"Yes mommy. I'll be good. I promise"

Hinatid ko ng tingin si Lincoln. Umupo siya sa bakanteng upuan. He smiled and waved at me. Napangiti ako nang kausapin siya ng katabi niya at nakitang mukhang may kaibigan na siya.

Lumabas ako sa school at nag stay sa may parents lounge habang hinihintay na matapos ang klase ng kambal.

My phone vibrated kaya mabilis kong siangot ang tawag

"Calixta"

Napangiti ako nang makilala ang boses.

"Anong sa atin Calyx?"

"Baka mga after 2 weeks pa ako makasunod daming inaasikaso dito eh"

"Okay lang. Take your time"

"Kamusta ang kambal? I missed them so bad"

"Ito nag s school na. I'm actually waiting for them"

"Really? I can't wait to see them" masaya nitong sabi

"Then be here. Pasalubong namin ha"

"Hihingi ka pa ng pasalubong parang di ka naman galing dito" natatawa nitong sabi. "Hey, gotta go tinatawag na ni chief. See you soon"

"Bye. Ingat"

Ilang oras pa ang lumipas at malapit na ang uwian ng kambal. Naghahanda na ako sa pagpasok muli sa loob nang mapahinto ako dahil sa nakitang lalaking pumasok sa parents lounge.

Hindi maalis ang tingin ko sa kanya. His beautiful face. Those gray eyes, pointed nose, thick eyebrows, broad shoulders and chest. Walang pinagbago pero lalo lang siyang gumwapo. Parang tumigil ang mundo ko nang makitang naglalakad si Vincent papasok sa school.

Kita ko ang pagsunod ng mga mata ng babae sa kanya. His presence screams attention and spotlight. Kahit wala siyang gawin ay mapapatingin ka sa kanya. Naka v neck t shirt na itim lang siya, may dogtag na suot at maong pants lang pero para na siyang model.

Villafuerte Series #2: Chasing the BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon