"Hi, Alana" asar kong nilingon si Jack nang tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko
"Stop calling me on my 2nd name"
"Why? Maganda naman ah parang ikaw"
"Ewan ko sayo, aga aga lakas mo mambola" inunahan ko na siya sa paglalakad
"Hey, wait lang. Here for you" may inabot siya sa akin na isang tangkay ng red rose.
I smiled as I saw the rose.
"Thank you. That's so sweet of you" at tinanggap yun. Pumikit ako at inamoy agad yun.
"So? Kailan mo na ako sasagutin?" hirit na naman nito
"I told you Jack wala akong balak mag boyfriend. Matagal na kita pinapatigil sa panliligaw mo. I can only offer friendship" at tinapik ng marahan ang balikat nito
"Basta, I'll make sure mapapa oo din kita" at inakbayan ako papunta sa building namin.
Jack is one of my closest friend. 15 years old pa lang nanliligaw na siya sa akin ngayon I'm 19 already pero wala talaga akong balak na sumagot ng kahit sinong manliligaw kasi nga may nag ma may-ari na ng puso ko. I already closed the door for the other men. Wala namang problema sa akin ang pagkikipagkaibigan. I am a friendly person, kaya nga ang dami kong kilala kahit sa ibang courses and school.
We are walking and laughing nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na naglalakad patungo sa amin. I waved and smiled at Vincent. He looked at me with his bloodshot eyes and then walk away from me.
I was confused kaya mabilis ko siyang hinabol
"V!" sigaw ko pero di niya ko nilingon. "Vincent" "Hugo" "Villafuerte" lahat na ng pangalan niya ay tinawag ko pero di pa rin niya ako nililingon. "VINCENT HUGO VILLAFUERTE" sinigaw ko na ang buo niyang pangalan pero di niya pa rin ako nilingon. Naagaw ko tuloy ang atensyon ng lahat ng estudyanteng nasa hallway.
He suddenly stopped in front of Athena, ang babaeng madalas i pair up sa kanya. Suprised is written all over Athena's face. I slowly walk as Vincent suddenly held Athena's jaw and pulled her for a kiss.
I can hear students gasp and murmurs. My eyes are attach on how they kiss each other na tila walang ibang taong nasa corridor.
My heart aches habang nakikita ang lalaking mahal ko na may ibang hinahalikan. I continue walking towards their direction. Some students were looking at me. Yumuko na lang ako hanggang sa malampasan ko sila. Itinatago ang mga luhang sunod sunod na bumagsak.
Huminga ako ng malalim kasabay ng pagpunas sa mga luha ko nang maupo ako sa open field ng school namin.
"Bakit ka umiiyak? Eh di ba namili ka na? Di ba choice mo naman na maging bestfriend niya kaya ano pang inaasahan mo! Knowing Vincent hindi yun mapapakali na walang babae! Hindi ka na nasanay lagi naman siyang ganyan! Kaya magtigil ka Calixta!! You love him but you don't own him!" pinapagalitan ko ang sarili ko dahil sa pag iyak na ginawa ko
"Pwede namang masaktan, malamang mahal ko eh" pagpapagaan ko sa nararamdaman ko.
I stayed for almost 30 minutes in that field para lang pagaanin ang loob ko. Hindi ako pumasok sa unang klase dahil alam kong mugto ang mata ko sa kakaiyak.
"Alana kanina pa kita hinahanap" sinalubong ako ni Jack pagkapasok ko sa room
"Miss mo naman ako agad" pang aasar ko dito "May emergency lang" at umupo na sa tabi niyang upuan.
Normal day lang puro discussion. Natapos ang araw na bali balita na sa buong campus na si Athena at Vincent na. My heart felt heavy everytime na naririnig ko ang usapan ng mga estudyante. Lagi namang ganito sa tuwing nababalitang may bago siyang girlfriend.