Kabanata 11

677 11 0
                                    

Nagising akong parang binibiyak ang ulo ko. Ramdam ko ang sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko. Nang idilat ko ang aking mata ay mag isa na lang ako sa kwarto at wala nang kasama. Agad kong kinuha ang kumot at mabilis na itinakip sa katawan ko. Napahagulgol ako ng maalala ang nangyari. Kailangan kong makaalis dito baka bumalik sila. Mabilis kong hinagilap ang mga kasuotan ko. Patayo ako sa kama nang biglang marahas na bumukas ang pinto. Napatili ako dahil sa takot at agad na sumiksik sa dulo ng kama.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Vincent ang iniluwa ng pinto. Galit ang mababakas sa mata nito nang makalapit sa akin. Hinila niya ang braso ko at hinawakan yun ng buong higpit. Napaiyak ako dahil sa takot.

"Who?! Sinong dapat kong patayin Calixta? Sino ang lalaki mo?!" sigaw nito sa akin at itinapon ang hawak niyang braso ko.

"V..."

"Don't call me that !!" sigaw niya sa akin. Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa nangyayari

"I don't know! Hindi ko alam! Hindi ko alam! Hindi ko alam!" yun lang ang paulit ulit kong sinasabi habang umiiyak nang nakatago ang mukha habang nakayakap sa aking tuhod.

"P*tang ina Calixta!!!" narinig ko ang ilang pagkabasag ng ilang gamit sa loob ng kwarto pero di ako nag angat ng tingin at umiyak lang ng umiyak. "Alam mo ba ang pakiramdam na marinig na umuungol ka habang may katalik kang iba ha ??" Niyugyog niya ang balikat ko sa sobrang galit "Para mo kong pinatay nang marinig kong sarap na sarap ka sa ginagawa ninyo! Kailan pa ha ? Kailan pa?"

Wala akong nagawa. Hindi ako makapagsalita. Gustuhin ko man ay walang tinig na lumalabas na boses sa bibig ko. Tanging hikbi lang ang nagagawa ko.

"Tang in*!! Mahal na mahal kita. Sobra!! Mahal na mahal kita!! Kaya paano mo nagawa sa akin to! Magsalita ka!" sinuntok ni Vincent ang pader na nasa harapan niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Niyakap ko ang sarili at pilit na tinakpan ang hubad na katawan gamit ang kumot.

"Ssss...ooo..rrr...yy" yan ang tanging salitang nasabi ko. Mabilis akong iniwan ni Vincent nang marinig ang sinabi ko.

Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan niya. Hindi ako nakagalaw. Tumigil na din ang pag agos ng luha ko pero ang puso ko sobrang sakit. Halos isang oras akong nakatulala at nakatingin lang sa pintong nilabasan ni Vincent. Nang makaipon ng lakas ay isa isa kong sinuot ang damit ko. Wala na akong pakialam kung sira sira yun. I picked up my bag at lumabas ng kwarto. Dun ko lang nakita na nasa isang hotel room kami. Paika ika kong tinahak ang daan palabas dahil nararamdaman ko pa rin ang sakit sa aking katawan. Tinitignan ako ng ibang tao pero tila namanhid na ako. Nang makakita ng taxi ay agad ko yung pinara.

Hindi ko alam pero nagpahatid ako sa bahay nila Vincent. Gusto ko siyang makita. Gusto kong ipaliwanag lahat nang nangyari. Una kong nakita si Kim na naglalakad ng pabalik balik sa pintuan nila. Kahit nasa dilim ako ay kita ko ang iritasyon sa kanya. Galit ang unang reaksyon na nakita ko sa kanya nang makilala akong naglalakad sa malamlam na ilaw.

"What are you doing here? You're a f*cking cheater!" Sigaw niya kahit nasa malayo pa lang ako. Nakita kong lumabas si Ethan para daluhan ang kakambal at hinawakan ang balikat nito

"Si V?" tanong ko habang lumalapit sa kanila

"Wag kang umasang sasabihin namin sayo. You hurt him C. You hurt our brother" sabi ni Ethan.

Nang makalapit ako sa kanila ay biglang nagbago ang reaksyon sa mga mukha nila. Gulat ang mga ito na sinuyod ang katawan ko.

"What.. What happened to you?" tumakbo sa akin si Kim at sinuyod ang katawan ko

"Sinaktan ka ba ni Kuya? Bakit sira ang damit mo? Bakit may sugat at pasa ka?" nag aalalang sabi ni Ethan at hinawakan ang pasang hindi nakita kanina dahil natatakpan ng kumot

"No. Vincent didn't hurt me" naiyak kong sabi sa kambal. "I need to talk to him. Please tell me where he is"

"Oh my god ate C. What happened to you? Please tell me" umiiyak na si Kim at niyakap ako. Nang maramdaman ang init ng yakap ni Kim ay bumuhos ang luha ko.

"Call your kuya please" pagmamakaawa ko dito. Ibinigay niya sa akin ang cellphone. Nag ring ito at ilang saglit pa ay sinagot din ito

"Hi Kim. It's Athena" nagulat ako nang mapagtanto ang sumagot

"Where's V?" naiiyak kong tanong

"Owww, Calixta. Tulog siya right now eh. He's actually sleeping beside me. Do youu want me ....." hindi ko na tinapos ang gusto niyang sabihin at inabot na ang cellphone kay Kim.

"Calixta, san ka pupunta?" pinigilan ako ni Ethan na umalis.

"I need to go home, Ethan. I'm tired. F*cking tired" muling bumuhos ang luha sa aking mata.

"No. You stay hanggang makauwi si Kuya Vincent. I won't let you go na ganyan ang itsura mo. Kapag nalaman kong may kinalaman ang kapatid ko dito, ako mismo ang gaganti sa kanya para sayo" nag tiim bagang si Ethan at muling sinuyod ang katawan ko.

"Please Ethan. Let me rest" pagmamakaawa ko dito.

"Kuya, ihatid na lang natin si ate C" sabi ni Kim at hinawakan ako sa balikat.

Huminga ng malalim si Ethan bago pumayag.

"Dito na lang" sabi ko sa kambal

"Malayo pa ang bahay mo dito" inis na sabi ni Ethan

"I want to be alone. Please give me this. I badly need this" tinitigan ko ang mata ng kambal. Parehas silang napabuntong hininga at walang nagawa nang bumaba ako.

I waved goodbye at them at pinilit na ngumiti para hindi sila mag alala. Nang malayo na sila ay saka ako naglakad. Unti unting tumulo ang luha ko at niyakap ang sarili. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Ang pananamantala ba sa akin o si Vincent? Gulong gulo ang utak ko.

Pakiramdam ko ang dumi dumi ko. Naiinis ako nang paulit ulit kong maalala lahat ng ginawang kababuyan sa akin. Kiniskis ko ang katawan ko gamit ang kamay ko.

Natatanaw ko na ang bahay namin mula sa kantong kinaroroonan ko ng mapansing may dalawang itim na van na nakaparada doon. Napatigil ako nang makitang may lalaking may hawak na baril ang lumabas mula sa ming bahay. Nanlamig ang aking buong katawan nang magtama ang aming mga mata. Itinapat niya sa akin ang baril. Mabilis akong bumalik sa kantong pinanggalingan ko. Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong tumakbo. Tumakbo ako ng buong bilis. Kahit natatapilok dahil sa suot na heels ay wala na akong pakialam basta makatakas lang.

Hinihingal na ako nang tumigil ako sa gitna ng kalsada. Napahawak ako sa dibdib ko at nilingon ang pinanggalingan. Nang makitang mukhang naligaw ko na ang sumusunod ay nakahinga na ako ng maluwag pero saglit ko lang yung naramdaman dahil isang nakakasinag na liwanag ang nagpabulag sa akin.

Isang rumaragasang sasakyan ang walang habas na binanggga ako. Lumipad ako ng napakalayo. Damang dama ko ang pagkabali ng mga buto sa katawan ko. May bumabang lalaki mula sa sasakyan. Tinignan lang ako nito at nang makalapit ay ipinatong niya ang kanyang sapatos sa aking mukha

"Next time we see you, we will kill you. Let this be a warning to your family. No one dare to trick us" sabi nito at iniwan akong nakahandusay sa kalsada.

Nakalapat ang mukha ko sa semento at nakikita ko ang aking mismomg dugo na mula sa noo at ulo dumadaloy na sa kalsada. Unti unting nawala ang liwanag at ang sasakyan sa harapan ko kasabay nun ay ang pagkawala ng aking malay.

Villafuerte Series #2: Chasing the BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon