Kabanata 28

902 17 0
                                    

Nagising akong parang hinahalukay ang tyan ko. Kaya naman napatakbo ako sa restroom at doon ay tuloy tuloy na nagsuka. Halos mailabas ko na lahat ng kinain ko.

Inayos ko ang sarili at naupo sa kama. Napatingin ako sa calendar.

Sh*t delayed ako!

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nag ayos ako ng sarili at pumunta sa pinakamalapit na drug store. Nang makabalik ay agad kong sinubukan ang pregnancy test na dala. I waited for minutes but it seems like it's the longest minutes of my life.

Napatakip ako sa bibig ko nang makita ang resulta.

Positive!

Hindi ko alam kung ito ba ang tamang panahon para sundan ang kambal. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman. Ito ang unang pagkakataon na malamang buntis ako. Tulog ako nang mga panahong ipinagbubuntis ko ang kambal pero ngayon masasaksihan at mararamdaman ko ang mismong pagbuo ng bata sa sinapupunan ko. Paglabas ko sa cr ay napatingin ako kay Vincent na mahimbing na natutulog.

Lumabas ako ng kwarto at napaupo sa sala. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiiyak ako, natutuwa, natatakot, nangangamba. Ganito pala ang feeling kapag una mong nalamang buntis ka.

Naghanda ako ng agahan para sa amin. This morning I planned to tell the news to my family. I hid my pregnancy tests on a small box. Nang handa na ang agahan ay una kong pinuntahan si Vincent.

"Daddy, wake up" gising ko dito pero hinila niya lang ako pahiga sa kama at lalong sumiksik sa leeg. "Daddy, this is a speacial day so wake up"

Vincent slowly opened his eyes

"Why?" nagtataka nitong tanong. I smiled knowing what my surprise will be.

I kissed his forehead, eyebrows, eyes, nose, cheeks, and lastl his lips. I pressed my lips against his lips. I can't help but to smile.

"Later" bulong ko dito at tumayo na para lumabas

"Baby naman" tumayo at tumakbo na ako  papasok sa kwarto ng kambal. Hinabol niya ako hanggang sa kwarto ng kambal. Mabilis akong humiga sa tabi ng kambal. Napatili ako ng bigla niya akong kilitiin.

Tumawa ako ng malakas dahil sa pangingiliti niya dahilan para magising ang kambal.

He stopped tickling me when he saw that the twins were smiling. He looked at me at agad kong nakuha ang gusto niyang gawin. Tinignan namin ng sabay ang kambal at sabay silang kiniliti.

Punong puno ng tawanan at hiyawan ang buong kwarto

"Daddy, stop" hiyaw ni Octavia

"Mommy, Ayaw naaaa" tawa ng tawa na sabi ni Lincoln.

We slowed down. Nang maging tahimik ang kwarto ay niyakap ko silang tatlo habang nakahiga. Pilit na pinagkakasya sa payat kong braso.

"I love you" sabi ko at di ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko. Ganito siguro talaga kapag buntis, masyadong emosyonal.

"We love you Mommy" at isa isa nila akong hinalikan sa pisngi.

Sabay sabay kaming kumain at nang matapos kumain ay inabot ko sa kambal ang box na naglalaman ng pregnancy test.

"Gift" sigaw ni Octavia. Nakatingin lang si Vincent sa kambal habang masiglang binubuksan ang box.

Napansin ko ang sabay na paglukot ng mukha ng kambal nang mabuksan ang regalo.

"What is it?" excited na tanong ni Vincent

"This is just a white stick Mommy" nakangusong sabi ni Octavia

Villafuerte Series #2: Chasing the BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon