Masaya kami sa mga lumipas na Linggo. Naging mabilis ang paglipad ng oras at araw. Bawat sandali ay pinupuno namin ng ala-ala. Pumupunta kami sa iba't ibang lugar. Sa bawat lugar ay pinaparamdam sa akin ni Vincent that I own him and he owns me. He will make love to me at all places na puntahan namin. We will buy a shirt para naman may souveneir kami. I am completely happy with Vincent. Hindi ko akalain na magtatagal kami ng ganito at lalong ganito kasaya ang maramdaman ang pagmamahal niya.
"Sumama ka na kasi" yaya sa akin ni Elisse. "Minsan lang ako mag birthday eh" pagtatampo nito
"Di ko pa alam. Papaalam pa ako kay Vincent" sabi ko habang inaayos ang mga libro ko
"Speaking of" malaki ang ngiti ni Elisse nang makita si Vincent. "Uy, isasama ko si Calixta sa birthday party ko. Wag mo nang pagbawalan. Minsan lang naman eh"
"Saan ba?"
"Sa Night District lang saka I rented the whole place naman. Puro mga kakilala ko ang nandun. Nothing to worry about and you should come too"
"Okay lang. C, can come" he then went to my side and kiss my temple "Just text me kapag magpapasundo ka na okay?"
"Hindi ka sasama?"
"I can't isasama ako ni Papa sa business meeting niya" paliwanag nito
"Okay. Promise, I'll behave" nakangiti ako at excited sa pagpunta sa birthday ni Elisse
I wear a brown bodycon dress and partner it with a korean short sleeve jacket.
"Don't you think you're too sexy for your dress, C?" pinaikot niya pa ako para siyasatin ang suot kong damit.
"You don't like it? Should I change?"
"No. I love it. You look superb on it. Para tuloy gusto ko na lang sumama. For sure, men will be drooling at you" agad na namula ang pisngi ko dahil sa papuring natanggap mula sa kanya.
"Should I come?" nagdadalawang isip na tanong nito
"No need V. Focus on your business meeting saka I won't dance I promise. I'll just wait for you na matapos ang meeting then text me right away, okay?" paninigurado ko
"Promise me. You'll stay out of the crowd at wag hard drinks please" hinawakan niya ang pisngi ko and gently caress it.
"Promise baby" I kissed the tip of his nose as I giggled to pinch his cheeks.
Hinatid niya ako hanggang sa labas ng club.
"C, text me when something is not right. I'll be here right away. Okay?"
"Opo" I said and planted a kiss on his lips before going out of his car. Hinatid ako ng tingin ni Vincent at nang makita na nasa tapat na ako ng pinto ng club ay kumaway na ko.
"I'll go in" sigaw ko sa kanya at ngumiti nang napakalaki at kumaway sa kanya
"I love you" he said as he waved back.
Punong puno ng tao ang buong "Night District". It's Elisse birthday what else do we expect. One of the prominent family in the business world.
"Calixta Alana Monteverde"
Nagulat ako nang marinig ang pangalan kong binanggit sa microphone. There I saw Elisse na parang may tama na ng alak. Nilapitan niya ako at agad na inabutan ng Jack Daniels
"Ang hard agad" sigaw ko sa kanya dahil baka di niya marinig ang sinabi ko dahil sa lakas ng tugtog
"Come on. Birthday shot for me!" ganting sigaw nito "Bottoms up Calixta" request nito
At dahil birthday niya ay di ako nagdalawang isip na gawin ang request niya.
"Oh my god!" napangiwi ako dahil agad na gumuhit ang init ng alak sa lalamunan ko.