"Mommmyyy" tuwang tuwa si Octavia habang pababa sa hagdan kasama ang mga dada niya.
"Dada Pierce said we're going to enroll today. Mag school na ako Mommy" tumalon talon pa ang anak ko dahil sa tuwa.
"Are you coming with us Mommy?" tanong ni Lincoln habang nakataas ang isang kilay.
My gosh! This young little man is the replicate of his father!
"No L. Mag a apply si Mommy ng work today eh" at inayos ko ang dress ni Octavia.
"Calixta, You don't need to work. You can stay here with my apo" sabi ni Tito Pancho at inakbayan si Lincoln
"Tito, I know pero hindi pwedeng habang buhay kaming sasandal sa inyo if I know that I can provide for my kids"
"Dad, matigas talaga ulo niyan di ka pa nasanay" naiinis na sabi ni Kuya Primo
"Fine pero kapag nahirapan ka bumalik ka dito" at tuluyan na ngang bumigay si Tito sa pakikipagtalo sa akin
Sabay sabay kaming lumabas ng mga bata at ng mga pinsan ko. Silang tatlo ang mag e enroll sa mga anak ko habang ako ay di diretso sa interview ko for today.
Isang buwan na rin simula nang makarating kami sa Pilipinas. Nakapag adjust na rin ang mga anak ko kaya naman napagdesisyunan na namin na ienroll na sila sa klase kahit late na sila ng ilang buwan. Masyado kasing nab boring ang kambal lalo na si Lincoln.
"Be good with your Dadas ha wag magpapasaway especially you little princess" at binigyan ko ng halik ang dalawang pisngi nito
She scrunch her nose as I planted kiss on the tip of her nose.
I can clearly see Kim in her every action
"And for you baby boy...."
"I'm not a baby Mommy. Call me Kuya" lalong kumunot ang noo ni Lincoln dahil sa tinawag ko sa kanya. Ayaw na niyang tinatawag siyang baby dahil big boy na daw siya.
I smiled as I hug him so tight.
Manang mana ka sa pinagmanahan mo lalo na kapag masungit yang mukha mo!
"Look after O. Be with her at all times, understand??" bilin ko dito
"Noted mommy" and this time ay siya naman ang yumakap sa akin. Kahit madalas magsungit si Lincoln ay di pa rin mawawala ang pagiging sweet nito sa akin at pagka clingy.
We went at different directions. Kinakabahan man ay pinilit kong ipakita na full of confidence ako. Taas noo akong pumasok sa loob ng VKE Brewery Incorporated. Isa sa pinakamalaking company ng mga alak dito sa Pilipinas.
"I'm here for an interview" sabi ko sa lobby
"Name please"
"Calixta Alana Monteverde"
"Here's your pass. This way please"
Sinamahan ako ng babae hanggang sa elevator at siya ang nagpindot ng 20th floor. Pagdating doon ay nakita ko ang iilang nakapila mukhang mag aapply kagaya ko. Naglakad ako para makaupo sa bakanteng upuan.
"Nagsisimula na?" tanong ko sa katabi ko
"Oo, kanina pa. Kinakabahan nga kami kasi parang masungit ang nag iinterview"
Napabuga ako ng hangin ng marinig ang sinabi. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
Kaya mo to Calixta! Para sa kambal!
Kailangan kong mag ipon para sa kambal. Kahit nandyan ang mga relatives ko gusto ko pa din na ako ang magprovide ng pangangailangan nila dahil ako ang ina nila. Hindi ko rin kasi masyadong inaasahan ang makukuha ko from my parents dahil alam kong ipambabayad ko lang din lahat ng yun kung sakaling ma claim ko kaya habang bata pa ang kambal kakayod na ako para makapag ipon sa future nila.