Kabanata 19

772 17 0
                                    

Nagising ako nang dumating si Selena.

"Pagod na pagod ah" puna nito

"Napuyat lang" tipid akong ngumiti dito.

"Oh ito pa lang yung di mo natapos kahapon. Wala kasi akong ginagawa kaya tinapos ko na baka pagalitan ka na naman ni Sir eh" at inabot nito ang mga files na naiwan ko

"Hala salamat. You're my angel" niyakap ko siya bilang pasasalamat. Sa ilang buwan na pag s stay ko sa trabaho ay naging malapit na kami ni Selena. Madalas ko siyang kasama sa pagl lunch break at kapag napapagalitan ni Vincent ay sa isa't isa kami naglalabas ng sama ng loob.

Dumating si Vincent kasama si Athena. Dire diretso itong pumasok at di man lang ako tinapunan ng tingin. Nang makapasok sa office ay narinig ko ang pag lock ng pinto. Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang maisip kung anong ginagawa nila sa loob.

"Make out session na naman" inis na sabi ni Selena kaya nilingon ko siya. Nagdadabog itong naglilinis ng lamesa niya.

Imbes na isipin ang ginagawa nila sa loob ay mas minabuti kong ituon ang pansin sa trabaho. Napataas ang tingin ko nang may tangkay ng rose ang lumitaw sa lamesa ko.

"Good morning" mukha ni Joe ang bumungad sa akin. Ilang beses ko na tong  tinanggihan sa panliligaw pero makulit pa din.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Selena kaya inirapan ko siya. Alam kasi niya kung gaano ako kainis sa pangungulit nito

"Salamat" at kinuha ang rose at inilagay sa gilid ng table

"Lunch tayo?" yaya nito

"Ay di na busog pa ko" mabilis na tanggi ko

"Sige na libre ko" nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya mabilis kong hinila yun

"Ayoko" iritable kong sabi dito

"Isang beses lang naman Calixta. Sige na"

"I don't want to be rude Joe pero ayoko talaga. Ayoko sa mga ginagawa mo"

Halatang na offend ko ang lalaki dahil sa sinabi ko. Mabilis akong iniwan nito. Napabuntong hininga na lang ako.

"Calixta, buy me one cappucino in strarbucks and blueberry cheesecake" boses ni Athena galing sa intercom.

"Okay mam"

Sabay kaming napairap ni Selena sa utos ni Athena.

Tinungo ko ang elevator para makapunta na sa starbucks kaso pagpunta ko dun ay inaayos ng maintenance ito

"Mam, sorry mamaya pa po mga 20 minutes pa. Kung nagmamadali po kayo hagdan na lang po muna"

Wala akong nagawa kundi gamitin ang hagdan. Mabilis kong nabili ang gusto ni Athena pero ganun na lang ang frustration ko nang marealize ang aakyatin ko! Hindi ko dama kanina dahil pababa pero ngayong paakyat, iniisip ko pa lang ay napapagod na ako.

Goodluck sa 35 floors!!

Hapong hapo ako na dumating sa office. Dama ko ang sakit sa paa ko at ang paltos na nakuha ko dahil sa ginawang pag akyat. Napaigik ako nang sinubukan kong hawakan yun.

"Selena pabigay naman sa loob" pakisuyo ko dito habang nagpapahinga sa table ko.

"Calixta, ang sabi ko Americano not cappucino" reklamo nito

"Mam, cappucino po ang sabi mo" sinusubukan kong kumalma kahit gusto kong sumabog sa inis

"Get me cappucino" sigaw nito.

"But Mam......"

"Just get her what she wants Calixta" napatalon ako sa upuan nang sumigaw si Vincent sa intercom.

Villafuerte Series #2: Chasing the BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon