"I'm sorry I'm late," she said as she embrace his warm body.Napangiti si Isla. Gustong-gusto niya talaga ang init na hatid ng katawan nito. It never fails to calm her nerves.
"It's alright, Isla. Ang importante ay nandito ka na," malumanay na sambit. Ito palang naman ang unang beses na nahuli sa mga lakad nila sa apat na taon nilang magkarelasyon.
"Aren't you mad? Pinaghintay kita ng isang oras."
"I'm not mad, Isla. I'm just worried baka kung napano ka na."
Napangiti ang babae. "Aww. Don't worry nandito na ako. Safe and sound." Napangiti na rin si Nathan.
Dumaan ang ilang sandali ay masaya nagdedate ang magkasintahan. Ginawa nila ang karaniwang ginagawa ng mga couples. Nanood ng sine, kumain at namasyal. Wala naman kakaiba ang nangyari. Maliban sa napapansin ni Nathan na bigla nalang natutulala si Isla. Kung tinatanong naman niya ito ay simpleng 'okay' lang ang sinasagot nito. But he knew something was off.
Dumaan pa ang mga araw na napapansin ni Nathan ang pagbabago sa ugali ng kaniyang kasintahan. Kapag inaaya niya itong magdate sila ay tumatanggi ito. She would lock herself in her room the whole day. Kapag magkasama naman sila ay nakatutok lang ito sa kaniyang cellphone.
"Who are you texting with?" he asked one time.
"Nothing," sagot nito saka pinatay ang cellphone at tinutok ang buong atensiyon sa pinapanood nilang pelikula.
Kating-kati si Nathan na tignan at malaman kung sino man ang katext nito. When he finally got her phone nanlumo siya dahil may password pala iyon. Dati naman ay wala. Ano ba ang tinatago ng kasintahan niya sa kaniya?
"Tapatin mo nga ako, Isla. Are you cheating on me?" Finally he got the courage to ask her.
"No, Nathan. Why would you even think that?"
"You changed, Isla. Hindi na ikaw yung dating kilala at minahal ko. Ano sa tingin ko ang iisipin ko sa bigla mong pagbabago? Not only that. Napapansin kong may katext kang iba. Sabihin mo sakin, Isla. Ako pa ba? May iba ka na ba?"
"Wala akong iba, Nathan. I would never cheat on you. Ikaw lang sa puso ko. Mahal na mahal kita," she said with full of sincerity in her eyes. Nathan saw it. Nakikita niyang mahal na mahal siya ng kaniyang kasintahan.
He's feeling guilty.
"Anong iniisip mo, babe?"
Nagpakawala ng malalim na hininga si Nathan. "I don't know. Parang bigla nalang akong kinakain ng konsensiya ko. Pakiramdam ko hindi na tama itong ginagawa kong panloloko kay Isla. Im cheating on her, Janice."
Bumitaw si Janice sa pagkakapit niya sa braso ni Nathan. "Ngayon ka pa talaga nakonsensiya? You've been cheating on her for a year."
"Hindi na tama itong ginagawa natin."
The on his side let out a scoff. "Well sana naisip mo iyan bago ka nagloko. Sana tinamaan ka ng konsensiya mo bago ka nakipagrelasyon sakin. Nangyari na ang mga nangyari. Makipaghiwalay ka man sakin nagloko ka pa rin."
Napahilamos sa kaniyang mukha si Nathan. Pinagdudahan niyang may ibang lalaki si Isla kahit na ang totoo ay siya itong nagloloko. Hindi niya alam kung pano pa niya haharapin si Isla. She gave him love and loyalty. Pero anong sinukli niya?
What have I done?
Gusto niyang itama ang pagkakamali. Nagsisisi na siya sa mga ginawa niya. Aamin na siya at gusto niyang humingi ng kapatawaran sa babae. Magbabago na siya para kay Isla. He realized that he love her.
"What this is absurd?! You're breaking up with me dahil lang narealize mong mahal mo pa pala siya?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Janice nang makikipaghiwalay na sa kaniya si Nathan.
"I'm sorry, Janice. Mahal ko si Isla at hindi ko pala kaya na mawala siya." Wala siyang masabi kundi ang huminga ng tawad sa babae. Dahil katulad ni Isla ay biktima rin ito ng kagaguhan niya. Dinamay niya ang babae.
"Sa tingin mo ba kapag aamin ka mapapatawad ka ni Isla? Sa tingin mo ba matatanggap ka pa niya? Sinira mo ang tiwalang binigay niya sayo. Mahirap ibalik ang tiwala ulit sa taong sumira nun," she taunted him. Natahimik si Nathan at napayuko.
"I know already know that. Baka nga makipaghiwalay siya sakin. But I'm willing to win her back. Liligawan ko ulit siya hanggang sa matanggap niya ako. Gagawin ko ang lahat."
Natahimik si Janice sa nakikita niyang determinasyon sa mga mata ni Nathan. Kahit masakit sa kaniya ay pinalaya niya ang lalaki para makasama ang babaeng mahal nito. Ang una nitong minahal bago pa siya umeksena.
Umalis na si Nathan sa apartment ni Janice na magaan ang kalooban. Para siyang nakahinga ng maluwag. Umuwi siya sa kaniyang bahay para maglinis nang katawan para bisitahin si Isla. Ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag niya kaya pupuntahan niya ang babae sa bahay nila.
Dumaan muna siya isang flower shop para bumili ng paborito nitong bulaklak. Pagkatapos ay bumili rin siya ng donuts para may pasalubong siya. He can't help but to smile with excitement. Hindi na siya makapaghintay na makita si Isla. Gustong-gusto na niya itong ikulong sa mga bisig niya at damhin ang init ng katawan nito. Alam ni Nathan na gustong-gusto ni Isla ang init ng kaniyang katawan.
Pagkarating niya sa bahay nina Isla ay hindi na maganda ang pakiramdam niya. There's something off. Kahit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin siya. Nasa entrance palang siya ng bahay nila ay sinalubong na siya ng magulang ni Isla. Her father's eyes were burning. Naramdaman nalang ni Nathan na nabuwal na siya habang pinipigilan ng mga tauhan nila ang ama ni Isla.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito matapos ng ginawa mong panloloko sa anak ko!'
Natigilan si Nathan sa mga binitawan nitong salita. Hindi niya magawang makapagsalita.
"Anong akala mo maitatago mo ang mga kagaguhan mo? Alam mo ba ang hirap na pinagdaanan ng anak ko nang malaman niya ang ginawa mo? Umiiyak siya gabi-gabi. Ni hindi siya makakain. Nasaktan mo siya."
"Patawarin niyo po ako. Alam ko pong nagkamali ako. At nandito ako para humingi ng kapatawaran. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Handa ko pong gawin ang lahat mapatawad niyo lang po ako," umiiyak na sambit ni Nathan.
"Huwag ka sakin humingi ng tawad. Nasa taas ng bahay ang taong dapat mong hingan ng kapatawaran."
Malakas ang tibok ng puso na pinuntahan niya ang kwarto ni Isla. Kumatok siya ng tatlong beses ngunit hindi pa rin siya nito pinagbuksan.
"Isla, papasok na ako."
Pumasok siya sa loob ng kwarto ng babae. Ngunit nagimbal ang buong pagkatao niya sa kaniyang nasaksihan. Nabitawan niya ang mga dala.
Dilat na dilat ang mata nitong nakatitig sa kaniya habang nakahiga sa kaniyang kwarto. Sa kamay nito ay may hawak na lalagyan ng gamot.
"Isla!" he screamed at the top of his lungs.
Ngunit hindi na muling nagising ang babaeng mahal niya. She remained motionless. Nag-uunahang malaglag ang mga luha niya.
"I'm sorry I'm late," he said as he embrace her cold body.
