Its really hard when you secretly love someone and couldn't confess. Dahil yun ang nangyari sakin. And this is how it all started.Andrei- my classmate and my partner- and I were making our project when someone barged into my room. Sabay silang napalingon dito. Its Maya. And she look pissed.
"Hey Felix- Oh may kasama ka pala. Sorry," hingi niya ng tawad. "Felix, pwede bang dito muna ako. Nag-away na naman kasi kami ni Ate. Promise hindi ako mag-iingay. Please?" I lightly laughed at her cuteness.
"Sure. I don't mind. Ayos lang ba sayo, Andrei?" tanong ko sa partner ko. Sumulyap ito saglit kay Maya bago tumango.
"Yey! Thank you best friend."
The whole time tahimik lang si Maya at kung ano-ano lang ang ginagawa. Maya and I were best friends since I can't remember. Basta ang alam ko lang isang araw magkaibigan na kami. We were so close and we tell each others' secrets. Little does she know na may isa akong sikreto na ayaw kong sabihin kay Maya. Hindi pa ako ganun katapang para sabihin sa kaniya ang totoo.
I have to tell her soon.
Pagkabalik ko sa kwarto ko dahil kumuha ako ng meryenda namin. Naabutan kong masayang nag-uusap sina Maya at Andrei. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko sa nakikita. I don't like their closeness.
While having our snack sila lang ang magkausap at nakalimutan na yata nilang kasama nila ako. And its pissing me off. Lalo akong naasar nang pinahid na sauce si Andrei sa gilid ng labi ni Maya.
"Thanks."
Bakit ba ako naaasar? Was it jealousy? Of course. Ano pa bang ibang rason? Ito ang mahirap when you secretly like someone. Kailangan mong magpigil kahit selos na selos ka na.
"Sinong kachat mo? Kilig na kilig ka ah," puna ko nang maabutan ko siyang pangiti-ngiti habang nagce-cellphone sa kwarto niya.
"Si Andrei."
"What?!" Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Kelan pa?"
"Kelan lang."
Sa tuwing magkasama kami ni Maya lagi na itong may kachat sa cellphone na alam ko namang si Andrei iyon. At tuwing magkasama naman kami ni Andrei sa school wala itong bukam-bibig kundi si Maya. Nakakairita na. I hate this feeling.
Isang gabi nakita kong umuwi si Maya hatid ng isang kotse. Alam kong sasakyan iyon ni Andrei dahil palagi ko iyon nakikitang ginagamit niya sa school.
Bakit sila magkasama? Did they went on a date? Sila na ba? Shit.
Huli na ba ako? I didn't even get to confess my feelings.
"What?"
"Ang sabi ko pwede mo ba akong tulungang manligaw kay Maya. Alam kong kelan lang kami nagkakilala ni Maya pero kasi Felix. Iba ang tama ko sa kaibigan mo e. It may sound cheesy but she makes me happy and complete. That feeling na gusto ko siyang makasama at makausap araw-araw. Alam mo yun?"
Alam ko yun kasi ganun din ako sa taong gusto ko. Pero mukhang naunahan na ako.
"Im in love with your best friend, Felix. I know she's the right girl for me. She's perfect. And I can't imagine my life without her in it."
Napatitig ako sa kaniyang mga mata. I can see in his eyes that he really is in love with my best friend. Im happy and sad at the same time. Alam naman kong magiging masaya ang kaibigan ko at alam kong iingatan siya nito.
Im now letting you go. Please be happy with the person you love.
"Okay tutulungan kita. But before that may gusto muna akong aminin sayo. I can't tell this to Maya kaya sayo ko nalang to sasabihin."
Lumipas ang ilang buwan na panliligaw ni Andrei kay Maya ay sinagot na rin niya ito. He's happy that his best friend is happy with the person she loves. Nakikita niyang masaya ang dalawa.
Pero kapalit nun ay ang sakit para sa kaniya. He just lets go of the person he loves for a long time.
And I hope you're happy now. I love you, Andrei.
Flashback
"What are you talking about?"
"Mahal kita Andrei matagal na. I don't know when or how it started but that is the truth. Ikaw yung mahal ko." Hindi pa rin ito makapag-salita. "Im gay. At iyon ang sikretong natatakot akong sabihin kay Maya. I don't have the courage to tell her or to my family. Im not expecting you to love me back. Alam ko naman si Maya talaga ang mahal mo. Sinasabi ko lang ito kasi for once gusto kong maging totoo sa nararamdaman ko at sa sarili ko. Tyaka para makalimutan na kita at para hindi masakit kapag nanligaw ka na kay Maya."
He gave him a tight smile. "Im sorry. Im sure someone out there is waiting for you and who is worthy of your love. Dadating din yung taong paglalaanan mo nang pagmamahal na mas higit pa sa pagmamahal mo sakin."
End of Flashback
Lumapit ang dalawa sakin na magkahawak-kamay at parehong may masayang ngiti sa mga labi. Kita mo sa mga mata nila ang pagmamahal para sa isa't isa.
"I know your a great man, Andrei. Please take good care of her."
Andrei smiled. "Of course I will. I love this girl and I won't let her go. But for now, Felix has something to tell you. Hahayaan ko nalang muna kayong mag-usap." He kissed her forehead before he left.
"Ano pala yung sasabihin mo?"
"Maya...Uhm I've been meaning to tell you that... Im actually a...Uhm." Kinakahaban ako. Natatakot kasi akong hindi ako matanggap ni Maya.
"Alam ko na ang totoo, Felix. Matagal na. At tanggap ko kahit ano ka pa. Kami ng mga pamilya mo. Oo alam na din nila." Napatingin ako sa kaniya. "Hindi mo kailangan matakot sabihin ang totoo. We're friends and friends stick together like a glue. So you don't have to hide your true identity anymore. Malaya ka na."
Bigla niyang niyakap ang kaibigan habang naluluha. "Thank you."
Masaya siyang hindi man nasuklihan ang pagmamahal niya. Sobra naman ang naging kapalit. Dahil nandiyan ang kaibigan at pamilya niya na tanggap siya at laging sumusuporta sa kaniya. He felt loved. At wala na siyang mahihiling pa.
