Alam mo ba yung feeling na ikaw nalang ang walang lovelife sa inyong magkakaibigan.Yung kaibigan mo feeling in love pero ikaw feeling alone.Yung ikaw nalang ang walang partner tuwing may lakad ang tropa.Yung ang sweet ng paligid tapos ikaw halos mamatay na sa inggit.Yung mapapasabi ka nalang ng 'sana all'.
Yung ikaw nalang ang single.
Wala na ngang boyfriend worst wala pang manliligaw.Ano bang buhay to?
Haay bakit ba ang unfair ng buhay.Bakit yung mga kaibigan ko may lovelife ako wala.Sa aming magkakaibigan ako nalang ang walang jowa.Ako nalang yung natitirang single.Kelan kaya ako magkaka-boyfriend?
Naiinggit nga ako madalas sa mga kaibigan ko sa mga boyfriend nila.Kasi ang saya-saya nila.Nakikita ko ang love sa mga mata.I can feel the love.
Gusto ko na ring maranasan ang nararanasan ng mga kaibigan ko.Yung happiness at love.Gusto kong maging masaya.Gusto kong maranasan yung love.Gusto ko ng boyfriend.
"Waahh...Why is this happening to me?!Why?!"atungal ko dahil sa sama ng loob.Masama ang loob ko dahil ang isa sa kaibigan ko ikakasal na samantalang ako single pa rin.I hate my life.
"France calm down.Hindi ba dapat masaya ka kasi ikakasal na si Mel."Lalo akong naiyak.
"Waah...Kaya nga ako umiiyak e.Kasi ikakasal na si Mel tapos ako single pa din.Tell me.Pangit ba ako?Kapalit-palit ba ako?"
"No."
"Then why?!"
Hindi siya sumagot kaya lalo akong naiyak.Minsan iniisip ko nalang na magbigti nalang.Wala namang saysay ang buhay ko.Walang
lovelife.Single.Forever alone.Dear Future Boyfriend sana man lang kung nasaan ka na dumating ka na.Baka wala ka nang abutan.Ba't kasi ang tagal mo dumating?Pagod na ako kakahintay.Baka sa kahihintay bigla nalang akong magpakamatay.
"I'm sorry France but I think we should stop dating.Mahal ko pa ang girlfriend ko at gusto ko ng makipagbalikan sa kaniya.Im sorry."sabi ni Drew ang pang-pitong naidate ko, na nagpatigil sakin sa pagkain.
"E bakit ka pa nakipag-date sakin kung mahal mo pa pala ang ex mo."Kahit masama ang loob ko nagawa ko pa ring magtanong.Haay pang-ilang date ko na to pero wala pa ring nagwowork.
"Akala ko kasi kapag nakipag-date ako sa iba makakalimutan ko siya pero hindi ko pala kaya.Im really sorry France."
"I understand."
"France I need to tell you something."biglang sabi ni Trekk na pang-sampung naidate ko.Gwapo,matalino at may magandang career.Perfect.Pangatlong date na namin ito.Eto na yata ang lalaking hinihintay ko.
MAGKAKA-BOYFRIEND NA AKO!!!
"France I-"
"Yes?"OMG is he going to confess.
"Hmmm France I'm...a gay."
Literal na nahulog ang panga ko sa sinabi niya.Say what?Wee sa gwapo niyang yan?Nooooo!
"Yes France bakla ako."tapos yung kaninang boses lalaki naging boses babae.
Haay ano ba naman buhay to.Feeling ko tuloy pangit talaga ako kaya wala pa rin akong boyfriend.Ginawa ko naman lahat ah.Naghintay ako pero hindi ka naman dumating.Nakipag-date na ako halos sa sampung lalaki pero wala pa din nag-work.Ako na gumawa lahat ng paraan para lang magka-boyfriend na ako.Pero wala pa din.Bigti nalang kaya ako.
Simple lang naman yung hinihingi ko Lord e.Boyfriend lang ayaw pang ibigay.Tagal ko ng naghihintay.Namumuti na nga mata ko kakahintay e.O may mahihintay pa ba ako.Sabihin niyo lang ng tapusin ko na ang buhay
ko.Then I met Dion.My hot and handsome neighborhood.Perfect guy.Eto na po ba Lord.Si Dion na po ba ang lalaking hinihintay ko.
Mabait si Dion.Masaya kasama at crush ko talaga siya.Sino ba naman ang hindi magkaka-crush sa ganito ka-gwapong nilalang.Parang greek-god.Ang lalaki pa ng muscle.Suki yata sa gym.
"Hi.Pizza?"masayang bati ko sa kaniya at pinakita ang inorder kong pizza.Sabado ngayon at tuwing Saturday may movie marathon kami sa room niya.
"Ikaw pala France.Uhhmmm ano kasi...May ano..."May ano?Ano daw?
"Babe who are you talking with?"tapos may tumabing magandang babaeng kay Dion.Ano daw babe?May girlfriend na ba siya?
"Oh hi there.I'm Trixia.Dion's girlfriend and you are?"
"France.Dion's neighborhood.Sige aalis na ako."
Bakit ba lagi nalang nangyayari to sakin?Lahat nalang hindi nagwowork.Lahat nalang hindi para sakin.May nagawa ba akong malaking kasalanan sa nakaraang buhay ko at pinaparusahan ako ng ganito.
Isa lang naman ang gusto ko.Ang maging masaya.Ang maramdaman magmahal at mahalin.Napakasimple pero nakapahirap mangyari.
Sawa na akong mag-isa.Sawa na akong maging single.Sawa-sawa na ako.
Pagod na ako.Siguro panahon na para tumigil na ako sa kahihintay.Baka naman kasi wala ng darating para sakin.Pinapagod ko lang ang sarili ko sa wala.
"Sawa na ako.Oo tanggap ko na.Hindi na ako maghihintay sayong letse ka.E di huwag kang dumating pake ko sayo!Ayoko ko na!"
Sa pagluluksa ko naging kasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko.Pinaramdam nila sakin na hindi ko kailangan ng boyfriend para maging masaya.Kasi sila sapat na para maging masaya ako.Sapat na sila para maramdaman ko ang love.Sa kanila ko naramdaman ang tunay na happiness at love.
Hindi mo na kailangan maghanap pa ng iba.Dahil sila na sapat na para maging masaya ka.
Lesson:
Don't rush something you want to last forever.There's always a right moment for the right person in God's right time.