Part II ito ng Bestfriend.I just thought na deserve din ni Jana ang happiness so yeah.Hope you like it.
I'd like to hear your thought so please do comment.Enjoy :)
"Ingat ka dun.Mamimiss kita bestfriend.Huwag mong kalilimutan ang psalubong ko."bilin sakin ni Aeron na ikinatawa ko.Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.
Hay mamimiss ko rin siya.Kailangan ko lang pansamantala munang aalis para makalimot sa sakit.Baka kasi pag nagtagal pa ako rito baka magbigti na ako.Kaya bago ko pa iyon maisipang gawin lalayo muna ako.I need to be alone for a while.
Susubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya.Kahit kasi anong gawin ko hanggang bestfriend lang ako.Oo mahal niya ako pero bilang kaibigan lang.Hindi niya ako mamahalin gaya ng pagmamahal ko sa kaniya.
Love is unfair sometimes.
...
After a long travel nakarating din ako.First time kong mag-travel mag-isa.Walang Aeron.Siguro sasanayin ko na ang sarili ko na mag-isa simula ngayon.Nakilala ko si Doxe.Ang makulit kong kapitbahay.Lagi niya akong kinakausap kahit ayaw ko siyang kausapin.Naiirita ako sa kaniya.Tuwing umaga siya nanggigising sakin.Kung hindi lang siya nagbibigay ng pagkain baka nasipa ko na siya.Wala kasi akong alam sa pagluluto.
Lagi niya akong niyayayang lumabas ng bahay pero ayoko.Mas gusto kong mapag-isa sa kwarto ko.Atleast sa kwarto ko walang nakakakitang umiiyak ako.
"Hey Jana!Wake up sleepy head!Gising na!Jana!Jana!"Hay eto na naman siya.Umagang-umaga nang-iistorbo.
Ang ingay.Gusto ko ng katahimikan.Nasanay kasi akong tahimik since tahimik na tao si Aeron.Kaya kami naging magkaibigan dahil pareho kami sa lahat ng bagay.
"Ham and cheese?Pero gusto ko ng Hawaiian.Buti pa si Aeron alam ang favorite ko."Paborito namin yun ni Aeron.Nasabi ko kasi sa kaniya na gusto ko ng pizza kaya ngayon umaga nagdala siya ng pizza.
"Hey movie marathon tayo.May Harry Potter series ako dito."
"Ayoko niyan.Mas gusto namin ni Aeron yung libro."
Marami ang mga bagay na hindi nila pagkakapareha ni Aeron.Like sa sport.Mahilig kami ni Aeron sa badminton siya mahilig sa basketball.Kung si Aeron tahimik siya sobrang ingay.Kung si Aeron friendly siya laging napapaaway.Ang yabang kasi buti pa si Aeron.
Malayong-malayo siya kay Aeron.
And speaking of Aeron tagal na din namin hindi nagkausap.Kumusta na kaya siya?Miss ko na siya.Gusto ko siyang tawagan pero baka busy siya kay Sandra.
Dahil wala akong magawa nag-open ako ng Facebook.Parang nadurog ang puso ko sa post ni Aeron kasama niya si Sandra.Ang saya nila.Ang ganda ng ngiti nila.Samantalang ako halos mamatay na ako sa kalungkutan.
"Tara kain tayo.May masarap na ihawan dito."Text ni Doxe sakin.
Atleast kahit malayo siya kay Aeron lagi ko naman siyang maaasahan kapag kailangan ko siya.Natatawa ako kahit corny ang mga jokes niya.Hindi nauubusan ng kwento.Pati family history nila naikwento na niya.Palaaway pero may mga kaibigan naman siya.Makulit pero hahanap-hanapin mo ang kakulitan niya.
Siya ang naging sandalan ko.Nasasabi ko sa kaniya ang problema ko at nandiyan lang siya nakikinig sakin.Kung dati mag-isa lang ako ngayon nandiyan na siya palagi sa tabi ko.Ang sarap pala sa feeling na may napagsasabihan ka.Ang sarap sa feeling na may kasama ka.Na hindi ka mag-isa.
"Jana I think...mahal na kita."he confessed.Hindi agad ako nakapag-salita.I didn't expect this.
"Bakit mo ako mahal?"
"Hindi ko alam.Basta naramdaman ko nalang.Hindi ko kailangan ng reason para masabi kong mahal kita.Mahal kita.Do you also feel the same way?"
Ewan ko.Hindi ko alam.Masaya ako sa kaniya.Pero may parte pa rin sa puso ko si Aeron.Sapat na ba ang pinagsamahan namin para masabi kong mahal ko siya?
"I'm sorry but I don't love you...But I think I like you."Alam ko kasi ang pakiramdam ng hindi nasusuklian.
"Then I'll teach you to love me."
I'll try.Susubukan kitang mahalin.Gusto ko naman siya kaya baka pwede pang mahalin ko siya.
Araw-araw pinaparamdam sakin ni Doxe na mahal niya ako.Ginagawa namin ang ginagawa namin ni Aeron noon.Hay namiss ko naman siya.Hindi ba talaga siya mawawala sa isip ko.Si Doxe ang nandito pero si Aeron ang iniisip ko.Si Doxe ang nag-eeffort pero si Aeron ang inaalala ko.A I being unfair?
Isang araw may date kami ni Doxe.Hinintay ko siya pero inabot ako ng isang oras kakahintay sa kaniya.Mag-isa akong pumunta.Nadatnan kong may kasamang babae si Doxe at magkahalikan sila.Agad niyang itinulak ang babae ng makita niya ako.Sinundan niya ako ng paalis na ako.
"Jana wait up.What you saw is nothing.Nagulat ako ng bigla niya akong halikan.Please maniwala ka naman sakin."
"No need to explain Doxe.Bumalik ka na sa kaniya. Alam mo bang naghintay ako sayo.Ang tagal kitang hinintay.Buti pa si Aeron hindi niya ako pinaghihintay.Ako ang hinihintay niya.Buti pa siya-"
"Huwag mo akong ikumpara sa kaniya dahil iba ako sa kaniya."
"Oo magkaiba nga kayo.Kasi siya mahal ko at ikaw your nothing to me.I don't want to see you ever again."Umalis na ako bago pa man malaglag ang luha ko.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.Wala naman nakakaiyak.He's nothing to me.
Ayoko ng umiyak.Sawa na ako.Pagod na akong masaktan.Hindi ko na kaya.Gusto ko ng sumuko.
Agad kong tinawagan si Aeron para sunduin na ako.
Kinabukasan pinilit kong ayusin ang sarili ko.I cried and I don't even know why.Then lumabas na ako ng bahay.Lumabas din ng kanilang bahay si Doxe.Our eyes met for a seconds.Tumalikod na siya at naglakad palayo.Hahabulin ko sana siya kaso dumating na si Aeron.Muli ko siyang sinulyapan.
Tama ba tong gagawin?Bakit nasasaktan ako sa isiping iiwan ko siya?Tama na ang pagtakbo Jana.
"Doxe!"
Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap.
"I'm sorry.I should've realized it.It's you all along.Doxe...I love you."pag-amin ko.Ang tanga ko dahil ngayon ko lang na-realize.
"Akala ko na si Aeron ang mahal mo."
"Yes.I loved him."
"Loved?Past tense?"
"Yes.Dahil ikaw na ang mahal ko.Forgive me dahil ngayon ko lang nasabi.Mahal na kita noon pa man.Kaya ako nagalit sayo dahil nagselos ako sa babaeng yun.Im sorry."
"Don't be sorry.Just say you love me and I'll be fine."
"I love you Doxe."That put a smile on his lips.
"I love you too Jana."
Doxe made me smile again.He fixed my broken heart.He made me realize na worth it din akong mahalin.Na deserve ko din maging masaya.Ang totoo hindi niya ako tinuruang mahalin ko siya.Kasi naramdaman ko nalang.
Ang pag-ibig hindi yan natututunan kundi kusa iyan nararamdaman.
Lesson:
May taong darating sa buhay natin para ayusin at buuin ulit tayo.When someone breaks your heart another someone is waiting to fix it.We may find the wrong person,cry for the wrong person,but one thing is for sure,mistakes help us find the right person.