When I Was Your Man

662 17 1
                                    


Playboy?That's me.Marami akong girlfriend at naging girlfriend.I play with their hearts and left them bleeding.Hindi uso sakin ang salitang seryoso.Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang yun?Pwede ko ba iyon maging girlfriend?

Madali sakin ang magsawa.Lagi akong may nakareserba na babae kapag nagsawa na ako sa isa.Well lalaki ako e.Hindi makontento sa isa.Mabibilang nalang sa daliri ang mga lalaking seryoso.

And my flavor of the month,si Megan.Yung babaeng matagal nang may crush sakin.Matagal na niya akong hinahabol-habol pero hindi ko lang pinapansin kasi she's so plain.Not my type of coffee.Kasi yung gusto ko sa babae yung nakikitaan.

Niligawan ko siya hindi dahil mahal siya at wala rin akong gusto sa kaniya.Sinusubukan ko lang kung makakatagal ako sa isang plain looking girl na gaya ni Megan.Malayo siya compared sa mga naging girlfriend ko.

Masasabi kong ideal girlfriend siya.Maalaga,mabait at mapagmahal.Siya ang kauna-unahang naging girlfriend ko pinagluto ako ng pagkain.Ginagawa niya lahat pati project at assignment ko.Nagpapakapuyat siya sa gabi para magawan ako ng project samantalang ako nasa bar at nakikipag-flirt sa iba.Pake ko sa kaniya.Hindi naman masamang nagkaroon ako ng girlfriend na gaya ni Megan atleast may taga-gawa ako ng project.

Pero minsan hindi ko maiwasang hindi mainis sa kaniya.Katulad nalang kapag tumatawag siya para tanungin kung nasaan at kung ano ang ginagawa ko.Kung sino ang mga kasama ko.Nakakairita ang pagiging pakielamera niya.Hindi ako sanay na may nagtatanong kung saang lupalop na ako ng mundo napadpad.Nasanay akong walang nangingialam sakin.Minsan sa sobrang inis ko nasigawan ko siya.

"Nagtatanong lang naman ako kasi girlfriend mo ako."

"Oo nga girlfriend lang kita at hindi pa kita asawa.Kaya wala kang pakialam kung nasaan at kung sino ang kasama ko.E ano naman sayo kung may kasama ako ngayong babae.Pake mo.Gagawin ko ang lahat ng gusto ko."

May times din na lahat nalang ng babaeng kasama ko pinagseselosan niya.Nakipag-usap lang sakin yung isang babae aawayin na niya.May time din na nakipag-away siya sa kahalikan kong babae.Inaway ko siya nung time na yun dahil anong karapatan niyang pagbawalan akong mambabae.Sa lahat ng naging girlfriend ko siya lang ang ganiyang umasta.Na akala mo pagmamay-ari niya ako.Na akala mo anak niya ako para pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin.Hindi ko siya maintindihan kung bakit kailangan niyang umasta ng ganito.Hindi lang naman siya ang girlfriend ko.

Hindi ko lang siya mahiwalayan dahil kailangan ko siya sa mga project at assignments ko.Lalo na't busy ako sa practice namin sa basketball.Tinatawag ko lang siyang girlfriend kapag kailangan ko siya.Hindi naman talaga ako naging boyfriend sa kaniya.More on ginagamit ko lang siya.

"Surprise!"nakangiting bulalas niya.Nasa school garden kami at nagpapractice kami kanina ng hinatak niya ako dito dahil may ipapakita daw siya sakin.Ang ganda ng ginawa niya at may pagkain pa.Anong meron?

"Para saan tong surprise mo?"I really have no idea what's going on.

"Nakalimutan mo na.First monthsary nating ngayon."Fck!

"Talaga?Sorry nakalimutan ko."

"Okay lang.Atleast magkasama tayo."nakangiting sabi niya pero halata namang pinipilit lang niya.

Tahimik lang siya habang kinakain namin yung hinanda niya.Hindi ako sanay na ganiyan siya.Hindi ko akalaing mag-eeffort pa siya para lang sa first monthsary namin.I felt bad dahil hindi ko man lang naalala.Para makabawi ako kahit man lang konte, inimbita ko siyang manood ng sine.Nakita kong sumaya siya at halatang excited.First time daw kasi na lalabas kami.

Paalis na sana ako ng bahay namin ng tumawag sakin si Eleine,first girlfriend ko.She's my first love but also my first heart break.Siya ang dahilan kung bakit ako ganito.It's all because of her.Ngayon nalang siya ulit tumawag after our break up two years ago.

"Hello."

"Nyll please I need you."

Hindi ako nag-dalawang isip na puntahan siya.Hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kaniya nung narinig ko siyang umiiyak.She needs me.

Mag-uumaga na nung naka-uwi ako ng bahay.Hindi kasi makatulog si Eleine kaya hinintay ko muna siyang makatulog bago ako umuwi.Agad kong tinaggal ang sapatos ko na regalo sakin ni Megan.Fck!Si Megan nga pala.Bakit ko nga ba siya nakalimutan?Nakalimutan kong sabihing hindi kami matutuloy.Bukas ko nalang siya kakausapin.Malamang umuwi na yun.

Nagkausap kami ni Megan at naiintindihan naman daw niya.Hanggang sa nawalan na ako ng time sa kaniya dahil kay Eleine.Mas kailangan niya ako.Maiintindihan naman ako ni Megan.Tapos sa practice pa kaya sobrang busy ko.Halos hindi ko na nga siya makita.Papagawa pa naman sana ako sa kaniya ng assignment.

"Nyll tayo pa ba?Bakit wala ka ng time sakin?Girlfriend mo ako,dapat maglaan ka man lang ng konting time para sakin"

"Girlfriend kita kaya dapat maintindihan mong busy ako.Eleine needs me."

"Pero kailangan din kita Nyll.May halaga ba ako sayo?Konting oras lang naman ang hinhingi ko."

"Anong gusto mo hatiin ko tong katawan ko para sa inyo ni Eleine para magkaroon ako ng time sayo.Mas kailangan ako ni Eleine ano ba ang hindi mo maintindihan dun.Ang hirap mong paliwanagan.Pagod na ako sayo.You know what let's just break up.Para matapos na let's just end this relationship."

Nagmakaawa siya pero hindi ko pinakinggan.Sawa na ako.Tinuon ko nalang ang time ko kay Eleine.Na-realize kong namimiss ko siya.Hindi ko na siya ulit nakita simula nun.Kumusta na kaya siya?

After seven months,nabalitaan kong may boyfriend na siya.A boyfriend that gives all his time to her.A boyfriend that gives all his efforts to her.A boyfriend that gives all his care and love to her.A boyfriend that she really deserve.

Then it hits me.Hindi ko nagawa ang lahat ng iyon ng kami pa.The time,efforts,the care and love.Ni hindi ako naging boyfriend sa kaniya.Wala man lang akong naibigay sa kaniya sa lahat ng sacrifices niya.Minahal niya ako pero sinaktan ko lang siya.Binalewala ko siya.Mas pinili ko yung taong hindi naman ako ang pipiliin sa huli.

I deserve this.And she deserve happiness.

I should've realized that I love you when I was your man.

Lesson:
      Sabi nga nila,we only see someone's worth they're gone.Talagang nasa huli ang pagsisisi.Kaya kapag may nagmamahal sa iyo pahalagahan mo.Huwag niyong basta itapon.Treasure them like a precious gem.Kasi ang ganun klase ng tao iniingatan hindi pinagtatabuyan.

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now