Akala ko madali lang kitang makakalinutan.Akala ko magiging madali nung nakipag-break ako sayo.But I guess I was wrong.Hindi pala madali ang kalimutan ka.Mahal pa rin kita."Ano emote ka na naman?Naku ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo.Kapag kasi wala na huwag nang balikan pa ang mga alaala.Huwag ka ng umasang meron ka pang pag-asa.Tsk.Move on teh.Ang mga lalake kinakalimutan hindi dapat iniiyakan."sermon sakin ni Bacon na isa sa kaibigan ko.
"Madaling sabihin mahirap gawin."
"Mahirap gawin kung wala kang gagawin.Tama na yan.Kalimutan mo na yang Ezi na yan.Look at yourself.You look like shit."
"Salamat ha."I said with sarcasm.
Ilang buwan na rin ang nakalipas since our break up hindi ko pa rin siya makalimutan.Lagi ko siyang naaalala.Ang hirap kalimutan yung taong mahal mo pa.
Then came Ash's birthday.Isa rin sa kaibigan ko.Napilit ako nina Bacon at Ham(kambal sila) na sumama sa birthday party ni Ash.Sumama na ako kesa magmukmok lang ako sa kwarto ko.Maaalala ko lang siya.
Nakilala namin ang boyfriend ni Ash na si Kiel.Sobra talaga akong nagulat sa nalaman ko.Hindi ko akalaing makikita ko siya rito.At mas lalong hindi ko akalaing girlfriend pala niya si Ash.
Nagulat ang mga kaibigan ko ng malaman nilang magkakilala kami.Panong hindi ko siya makikilala e sa iisang university kami nag-aaral.Classmate pa kami sa isa sa subject ko.So yeah.
Nagtagal pa ng isang buwan si Kiel.Nagbabakasyon gaya ko.Summer break na kasi kaya umuwi ako dito samin.Sa Manila kasi ako nag-aaral.
Hindi ko maiwasang hindi mainggit kapag nakikita ko silang masaya.Ang sweet nila.Isang tingin palang alam mo nang mahal na mahal talaga nila ang isat isa.
Kahit kailan hindi naging ganito kasaya si Ezi kapag magkasama kami.Hindi siya naging ganito kasweet.Madalas gyera kami.Kahit kailan hindi niya ako tinignan ng gaya ng nakikita ko sa mata ni Kiel kapag nakatingin siya kay Ash.Yung puno ng pagmamahal.
Natatanong ko nga ang sarili ko.Minahal niya ba talaga ako?
Maganda ang simula namin ni Ezi.Masaya kami.May pasweet pa.Pero hindi nagtagal madalas na kaming mag-away.Hindi kasi magkatugma ang schedule namin.Busy kami sa academics at kasali pa si Ezi sa varsity team.Kaya nawawalan na kami ng time sa isat isa.Kapag may date kami kung hindi late hindi na talaga siya pupunta.Isa rin yun siguro sa madaming dahilan kaya kami nag-break.
Hindi kami nagtagal ni Ezi.Six months lang ang tinagal ng relationship namin.Kaya lang may pinagsamahan din naman kami ni Ezi kaya mahirap.Minahal ko siya.Hindi naman siguro ako masasaktan ng ganito kung hindi ko siya minahal di ba?
Kapag nagkukulong lang ako sa kwarto ko naiisip ko ang mga memories namin.Nakakasakit lang isipin na hanggang alaala nalang ang samin.Well ano pa nga ang magagawa ko.Nangyari na.Wala na kami at hindi na iyon maibabalik pa.
Tyaka alam kong masaya na siya sa iba.He found someone else.Hindi na niya ako kailangan sa buhay niya.He looks happier with her.He loves her so much.Masaya na siya sa iba guguluhin ko pa ba sila?
Hindi ako yung tipo ng tao na maghahabol pa kahit wala na kami.Kapag wala na kami wala na.The end.Tapos na.
Kahit masakit kung yung ang ikakasaya niya.Kung mas sasaya siya sa iba.Bakit ko siya pipigilan?Gaya nga ng sinabi ko wala na kami.Wala na rin akong karapatan sa kaniya.Kahit maghanap siya ng iba.
Pero nagpapasalamat ako dahil kahit sa sandaling panahon kaming nagkasama naranasan kong maging masaya.Madalas kami mag-away pero naiparamdan naman niya sakin ang mahalin at magmahal. Hindi ako magsisising dumating siya sa buhay ko.
"Wow lalim ng iniisip natin ah."pukaw sakin ni Ham sa malalim kong pag-iisip.
"Naku iniisip na naman niyan si Ezi for sure."panghuhula ni Bacon.
"Ezi?Sinong Ezi?Boyfriend mo?"tanong sakin ni Ash.Sa kambal ko lang kasi nasabi ang tungkol kay Ezi.
"Ex ko."mahinang sagot ko at napatingin ako kay Kiel na nakatingin din pala sakin.Kita ko ang lungkot at awa sa mata niya.
Naiiyak na naman ako.Kailan pa ako hindi umiyak kapag naiisip ko siya?Wala akong matandaan.Ang hina ko talaga pagdating sa kaniya.
"Really?I didn't know that.Are you okay?"nag-aalalang tanong sakin ni Ash.
"Yah Im totally fine.Don't worry about me."
"Fine?E halos mamatay ka na nga kakaiyak e."biglang sabat ni Ham."Hindi ka okay Eira.Alam kong mahal mo pa rin siya.Kita naman sa mata mo e kahit wala kang sabihin.Mahal mo pa rin siya kahit iniwan ka na-"
"Yes!I still love him!"
Naiiyak na sigaw ko.Gulat na napatingin sakin si Ash maging si Kiel.Bago pa ako tuluyang maiyak tumakbo na ako palayo.Gusto ko munang mapag-isa.Magpakalayo-layo.
Bakit ba kailangan ganito kahirap?
Hindi ko alam kung saan ako napadpad.Basta ang alam ko lang mag-isa nalang ako.Malayo sa mga tao.Dito malaya kong ipakita ang tunay kong nararamdaman.Hindi ko kailangan magpanggap na masaya.
Ilan oras din ako sa lugar na to ng may biglang tumabi sakin.Hindi ko na siya kailangan lingunin dahil alam ko naman si Kiel iyon.Bakit ba siya nandito?
"Im sorry."Dalawang salita pero ang sakit na..
"Bakit si Ash?Ano bang nakita mo sa kaniya?"
"Wala akong nakita sa kaniya.Pero mahal ko siya dahil may nararamdaman ako sa kaniya.Love is not what you see Eira it is what you feel.I love Ash more than anything."he said.I can see the love in his eyes for Ash and seeing it hurts me more.
"Mahal ko pa rin siya."
"Si Ezi...Parte ka nalang ng kaniyang nakaraan iba na ang kaniyang kasalukuyan.You have to move on Eira.Kasi hindi mo na maibabalik ang DATING TAYO."
Naiyak nalang ako matapos niyang sabihin ang mga yon.Hindi ko na mapigilan pa ang pagpatak ng aking luha.
Masakit isipin ang yung taong minsan pinasaya ka sa iba na masaya.Pero kailangan ko na siyang kalimutan.May mga alaalang hindi na dapat binabalikan para hindi na masaktan.
Lesson
Matutong bitawan ang taong matagal ka nang pinakawalan.Let go,move on.