Bata palang kami magkakaibigan na kami.Kaming tatko na ang magkakasama.Matagal nang may gusto si Aeron kay Franz.Inamin niya iyon sakin at nagpapatulong kay Franz.Tinulungan ko siyang umamin kay Franz.Naging tulay ako ng dalawa kong kaibigan.
After two months na panliligaw ni Aeron kay Franz ay sinagot na rin niya ito.Masaya ako para sa kanila.Tumagal ng one year ang relationship nila.
Naging saksi ako sa pagmamahalan nila.Hindi maiiwasang mag-away sila at ako ang dahilan kung bakit din sila nagkakaayos kaagad.Ako ang laging takbuhan ni Aeron kapag naghihiwalay sila.At dahil hindi ko siya matiis ay pinag-aayos ko silang dalawa.
Muli silang naghiwalay dahil may mahal ng iba si Franz.May iba na itong boyfriend.Ako ang naging takbuhan ni Aeron.Ginawa ko ang lahat para bumalik siya sa dati.Ako ang umayos sa winasak ni Franz.
Iniwan siya ng iba pero nanatili ako sa tabi niya.Hindi ko siya iniwan.Kahit alam ko namang si Franz ang gusto niyang manatili sa tabi niya.
When will you see me?
Ang unfair ng buhay.Mahal ko siya pero iba naman ang mahal niya.Iba naman yung hinahanap niya.At hindi ako yun.
Gusto ko siyang makitang ngumiti ulit.Gusto kong marinig siyang tumawa ulit.At alam kong hindi ako ang kailangan niya.Pero yung kailangan niya masaya na sa iba.
Ginawa ko noon ang lahat para lang maging masaya siya.Kahit masakit na.Pero sinaktan lang siya.
"Mahal ko si Franz.Hindi ko kaya kapag nawala siya sakin.Hindi ko kaya Jana."Lagi nalang niyang bukam-bibig si Franz.Ako yung nasa tabi niya pero iba ang hanap niya.
Ang sakit na.Kelan ba matatapos to?Ayoko na.Pagod na akong mahalin ang taong hindi ako kayang mahalin.Bakit ba kasi nain love pa ako sa bestfriend ko?
Tinulungan kong mag-move on si Aeron.Kami lagi ang ang magkasama.Food trip o minsan road trip ang ginagawa namin.Napapansin kong unti-unti na siyang bumabalik sa dati.Yung masaya at active na na Aeron.Atleast hindi na niya masyadong iniisip si Franz.Hindi na rin siya affected kapag binabanggit ko ang pangalan niya.Mukhang naka-move on na siya.Sana nga.
"Ba't parang ang saya mo ngayon?"tanong ko sa kaniya.
"Wala lang.Ganito lang siguro kapag in love."naka-ngiting sabi niya.Nag-niningning pa ang mga mata niya.
"In love?Kanino naman?"
"Secret muna.Bye."
"Teka-"Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa pisngi sabay takbo.Nang mag-sink in sa utak ko yung ginawa niya ay bigla akong napa-ngiti.Kinikilig ako na ewan.
Pansin kong naging sweet siya sakin.Yung mga gestures niya parang meaning.Parang may something.Hindi ko maiwasang hindi umasa.Na sana ako na yung babaeng yun.
"Nga pala Jana.Kita tayo mamayang uwian sa rooftop.May sasabihin ako sayo."
Hala eto na ba yun.Magtatapat na ba siya sakin?OMG!Hindi na ako makapag-hintay.
Pagka-uwian excited akong pumunta ng rooftop.Ang masayang mukha ni Aeron ang sumalubong sakin.Nagulat pa ako ng bigla niya akong niyakap.Pumikit ako at ninamnam ang mahigpit niyang yakap.
"Jana thank you for staying by my side.Thank you sa lahat ng ginawa mo.Thankful ako dahil hindi mo ako iniwan.Hindi mo alam kung gaano ako ka-thankful na binigay ka ni God sakin.Nuong magkasama tayo naging masaya ako.Marami akong na-realize.Andami kong natutunan.Thank you."
Bakit ba siya puro thank you?Hindi nalang siya mag-I love you para makapag-I love you too na rin ako.
"Hhhmmm Jana may gusto sana akong sabihin sayo."Naghiwalay na kami sa pagkakayakap.Nagkamot pa siya sa ulo na parang nahihiya.Ang cute.
Is this the moment of truth?
"Ano yun Aeron?"ngiting-ngiting tanong ko.
Nawala lang ang ngiti ko nung may sumulpot na magandang babae sa likuran ni Aeron.Bigla siyang hinawakan ni Aeron sa kamay.
"Jana meet Sandra my girlfriend."
Para akong binagsakan ng langit at lupa.Ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko o makakilos man lang.I was rooted in the place.Feeling ko may sumaksak sa puso ko ng paulit-ulit.
For the second time,I got hurt by the same person.Hindi ba ako worth it mahalin?
Gusto kong umiyak at sumigaw pero hindi ko magawa.I have to smile to hide my broken heart.I have to act that Im okay but deep inside its killing me.Nakangiti lang ako pero deep inside nasasaktan na ako.
Tanggap ko na.Hanggang bestfriend lang tayo.
Lesson:
Don't assume too much cause that can hurt you so much.Kung hindi kayo ang para sa isa't isa hindi talaga.Just accept it.We all have our own love story na inilaan ni God para satin.Just have patience and wait for the right moment to come.Good things will come for those who wait.Kaya hintay lang.
