We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

The Right One

160 5 0
                                        


This story is based on true events. It actually happened to me. Totoong nangyari to sakin at gusto ko lang i-share. Binago ko lang yung mga names.

So anyways, enjoy reading!

°°°

So my story begins in high school. Doon ko siya unang nameet and Im unlucky enough to be his classmate. Unlucky kasi laging akong ang pinagtr-tripan niya. Laging ako ang biktima ng mga pranks niya. Madalas din niyang pagtripan ang pangalan ko. His name is Jake.

I hated him to the deepest core. Sinusumpa ko siya araw-araw na sana makidlatan siya at kunin na ni Lord. Ganun katindi ang hate ko sa kaniya. Dulo palang ng daliri niya kumukulo na dugo ko.

Pahamak din ang tarantado. Second year kami at nalaman niya kung sino ang crush ko. At ang gagu sinabi ba naman niya sa crush ko na crush ko siya. Eh ayaw ko ngang malaman niya. Muntik ko na talaga siyang masipa. Palibhasa kasi close sila nung crush ko.

"Uy Freah, crush mo oh," sabay nguso sa crush ko at ngumisi pa sakin. Nasuntok ko nalang siya sa sobrang inis at hiya ko.

Halos araw-araw nag-aaway kami. Para kaming aso at pusa. Syempre siya yung aso ako yung pusa. Hinahabol ko siya sa school ground kapag naiinis ako sa kaniya at gusto ko siyang saktan. Madalas nga kaming mapagkakamalan at baka daw main love kami sa isat isa. Na baka daw kami ang magkatuluyan. Kung siya rin lang naman, no thanks.

Dumating ang Fourth year. Ganun pa rin kami. Puro away. Ang kaibahan nga lang nadagdagan ang section namin dahil ginawang dalawang section yung Fourth year class. At masaya ako dahil classmate ko yung best friend ko noong elementary ako. Let just call her Pam.

As usual, away na naman kami. May time pa na napahiya ako sa harap ng maraming tao dahil sa kaniya. At ang gagu tinawanan lang ako hindi man lang ako tinulungan.

And something is changing. Unti-unti hindi na kami nag-aaway. Hindi na niya ako masyadong kinukulit. At napapansin ko ring nagiging close na din sila ni Pam. I should be happy right? Pero bakit malungkot akong nabaling na sa iba ang atensiyon niya?

And that's when I realized, crush ko na pala siya. Posible pala yun. Pwede palang mangyari iyon sa totoong buhay. Akala ko sa mga movies at libro ko lang iyon makikita. Totoo pala yung kasabihang, "The more you hate, the more you love."

Pero hindi ko sinabi. I kept it to myself. Ganun talaga ako kapag nagkaka-crush. Hindi ko pinagsasabi sa iba. Gumagawa nalang ako ng imaginary scenes sa utak ko. Kasi alam ko namang hindi mutual. Hindi kasi ako kagandahan para magustohan.

But then one day, Pam told me a secret. Crush niya daw si Jake. Yung lalaking crush ko ay crush niya din. We fell in love with the same guy.

"Anong tingin mo sa kaniya?"

"Ayos lang naman siya. Bagay kayo," sabi ko nalang sa sobrang gulat ko. I don't know how to react or what to say.

"Huwag mong ipagsasabi sa iba."

Hanggang unti-uniti kumalat na sa buong class ang tungkol doon. Shini-ship na silang dalawa lahat ng kaklase ko. Nakikisali ako pero alam kong nagseselos na ako. Masakit. Bakit kailangan mangyari sakin to? Bakit best friend ko pa?

Bakit lahat nalang ng nagiging crush ko palpak. Yung first crush ko hindi ko na ulit nakita pa. Yung pangalawa naman, iba ang gusto. Yung pangatlo, iba rin ang gusto basted pa ako. Pang-apat nalaman kong playboy kaya tinigil ko na ang pagkakagusto sa kaniya. Tapos ngayon naman. At sa dami ng naging crush ko hindi ako makapagtapat. Bakit ganito nalang ako kamalas sa mga nagiging crush ko?

Dumating ang graduation hindi ko nasabi sa kaniya ang feelings ko for him. Hindi na ako nagtangaka. Para ano pa? Sasaktan ko lang ang sarili ko.

Senior high dumating sa buhay ko si Lance. Ilan taon ang agwat ng edad namin. He courted me at sinagot ko naman siya. Pero alam ko sa sarili ko na siya pa rin ang gusto ko. Siguro sinagot ko si Lance para mabaling sa iba ang nararamdaman ko. Kasi wala naman itong patutunguhan e.

Maayos naman si Lance. Yun nga lang may nalaman akong labis kong ikinagulat. Si Lance na boyfriend ko at si Jake na crush ko ay magkapatid pala. I was so shocked. Iba din magbiro ang tadhana noh. Isang birong hindi nakakatuwa.

Kapag nga nagkikita kami sa campus, kasi ibang strand siya hindi ko na siya classmate. Tinatawag niya akong sister in law na kinaiinisan ko. Bakit ba ang manhid ng lalaking to?

Then three months na namin ni Lance noong nalaman kong boyfriend na ni Pam si Jake. At doon ako labis na nasaktan. May gusto pa rin ako kay Jake. Maybe its time for me to move on. I broke up with Lance. Manloloko din pala ang gagu.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob. And I told everything to Pam. Na naging crush ko si Jake noon. Pero hindi ko sinabing hanggang ngayon gusto ko pa rin siya. Wala akong lakas ng loob na ipagtapat sa kaniya. Para ano pa? He seems happy with my best friend. And Im actually happy for the both of them.

Apparently, naghiwalay din sila ni Pam after three months. Tatlong buwan lang tinagal ang relationship nila. Sinabi ni Pam na may gusto ako kay Jake pero hanggang doon nalang yun. Hindi naman ako nag-eexpect pa na magiging kami. Casual lang kaming mag-usap. Parang bumalik lang kami sa dati. Iinisin niya ako at mag-aaway na naman kami. Hindi na yata yun magbabago sa aming dalawa. Aso at pusa. Syempre siya ang aso.

Lance is my last boyfriend. Hindi na siya nasundan pa. Im now four years single and counting. Masaya naman ako sa buhay ko. Gumagawa ng story sa Wattpad. Sina Jake at Pam naman pareho sila ng kursong kinuha sa college at classmates pa yata sila. Oh diba. Eh di sana all.

And that's my story ends. Ay mali. Hindi pa pala ito ang ending. Kasi may taong darating na nakalaan para talaga sakin. At alam ko palpak man ako ngayon sa lovelife sa susunod na darating. Sigurado na ako. He's the right one for me.

One-Shot StoriesStories to obsess over. Discover now