Pitong taon gulang nung nagkaroon ng sunog at kasamang nasunog ang kalahati ng mukha ko.Dahil sa itsura ko kinatakutan ako ng mga tao.Walang gustong makipagkaibigan sakin.Walang gustong lumapit sakin.Nandidiri sila sa itsura ko.Lalong lumala ang panlalait nila sakin nung tumunton ako ng high school.Araw-araw panlalait nila ang tinatanggap ko mula sa kanila.Pangit!Freak!Halimaw!Basura!
Nagkaroon ako ng crush gaya ng typical na teenager.Ang gwapo kasi ni Hiro at heartthrob sa campus.Lahat ng babae may crush sa kaniya at isa ako sa mga babaeng yun.
Ako na yata ang pinakamasayang babae nung naging boyfriend ko si Hiro.Maraming nagsasabing niloloko lang ako ni Hiro pero hindi ako naniniwala.Naniwala akong mahal niya ako kahit ganito ang itsura ko.Na may tatanggap sakin kahit pangit ako.
Naging taga-gawa ako ng assignment at project ni Hiro.Naging taga-sagot ng exam niya.Okay lang naman sakin kasi mahal ko siya.
Kalaunan nalaman kong girlfriend na niya si Cristy.Ang pinakamaganda at sexy sa campus namin.Hindi ako naniwala kasi alam kong hindi ako lalakohin ni Hiro.Pero nakita ko silang naghahalikan na dalawa.Sinabi ni Hiro na hindi naman niya talaga ako mahal at ginamit lang niya ang katalinuhan ko.Na walang tatanggap at magmamahal sa kagaya kong pangit ang itsura.
Nasaktan ako.Kasi akala ko tanggap niya ako kahit ganito ang itsura ko.Ngayon ko lang na-realize na walang magmamahal sa katulad kong pangit.Kapag pangit na kagaya ko walang tatanggap at lolokohin ka lang.
Dumating sa buhay ko si Syx.Ang lalaking naaksidente at nawalan ng paningin.Naawa,sa kaniya si Tatay kaya inaruga namin siya.Inalagaan.
Aaminin kong nagwapuhan ako kay Syx.Ang cute kasi ng mata niya.Pero iniwasan kong mahulog sa kaniya.Nadala na kasi ako sa sinabi ni Hiro.Siguradong matatakot din siya kapag nakita niya ang itsura ko.Lalaitin at pagtatawanan gaya ng iba.
Naging close kami ni Syx.Parang magkapatid na ang turing namin sa isat-isa.Halos hindi na nga kami mapaghiwalay e.Naging masaya ako sa piling ni Syx.Nakalimutan kong nasasaktan ako dahil sa kaniya.Hindi ko nararamdamang pangit ako kapag siya ang kasama ko.Pakiramdam ko maganda ako.
Ang kinakatakot ko lang ay kung malaman niya ang totoo.Panu kung makakita na ito?Malalaman na nitong pangit talaga ako.Na nakakatakot ang itsura ko.
Hindi ko gusto pero nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kaniya.Gusto ko mang aminin ay natatakot ako.Panu kung hindi pala kami pareho ng nararamdaman.At alam ko namang hindi niya ako matatanggap.Gwapo si Syx samantalang eto lang ako.Isang hamak na pangit.He deserve someone pretty at yung maipagmamalaki niya.
Dumating ang parents ni Syx at kinukuha na siya ng mga ito para sa Manila nalang siya ipagamot.Ayoko siyang umalis pero wala kaming magagawa.Hindi kami ang tunay na pamilya ni Syx.Nakakainis naman na ngayon pa siya aalis kung kelan mahal ko na siya.
"Isay promise kapag gumaling na ako babalikan kita.Hintayin mo ako okay."sabi ni Syx habang hawak niya ang kamay ko.
"Sige.Hihintayin kita."Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nakita na niya ang mukha ko.Baka tumakbo pa siya sa takot.
Umalis na sila Syx.Ang lungkot tuloy dito sa bahay.Walang madaldal na Syx.Namimiss ko na siya.Kumusta na kaya siya?Successful kaya ang operation niya?Sana naman okay lang siya.
Lord kayo na Po ang bahala sa kaniya.
Four months na walang Syx.Wala kaming naging balita sa kaniya.Gusto ko mang tumawag hindi ko naman alam ang number niya.Bakit kasi nawala iyon sa isip ko?Kainis naman.
"Hoy pangit!Freak!Basura!"
"Haha pangit!Aswang!"
Panlalait nila pero hindi ko nalang sila pinapansin.Sanay na ako sa mga panlalait nila.Masakit na kutyain at laiitin ng iba.Hindi ko man pinapakita nasasaktan din ako.Yung feeling na hindi ka tanggap ng society dahil lang sa itsura mo.Dahil lang sa pangit ka.Ang sakit nun.Ang hirap na araw-araw ganito.Wala man lang pahinga ang panlalait nila.Hindi ko deserve na ma-bully kasi tao din ako.At wala man lang silang pakiramdam.Hindi nila alam kung gaano kasakit malait-lait.
"You don't belong here you freak!"sigaw nila habang binabato nila ako.Ang sakit.
Pagkatapos nila akong pagtulungan ay iniwan na nila ako.Puro galos ang natamo ko.Nanghihina na ako.Unti-unti na ring pumipikit ang mata ko.Pero may naririnig akong tumatawag ng pangalan ko.
"Isay huwag kang pipikit.Hang on.Dadalhin kita sa ospital."At bago tuluyan nang nag-dilim ang paningin ko nakita ko pa siya.
Syx.
Nagising ako sa hindi pamilyar na silid.Puro puti ang nakikita ko at amoy gamot.Walang duda nasa ospital nga ako.Pero sino ang nagdala sakin dito?Si Syx?
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Syx.Tinakpan ko yung mukha ko dahil alam kong matatakot siya sa itsura ko.
"Hindi mo naman kailangan takpan yang mukha mo kasi nakita ko nayan."
"Ang pangit ko diba?Nakakatakot ang itsura ko."Hinanda ko na yung sarili ko sa panlalait niya.
"E ano naman ngayon."
"Hindi mo ba ako pagtatawanan?Lalaitin?Ang pangit ko Syx.Tignan mo nga ako.Im a freak."
"Bakit mo ba dina-down ang sarili mo?Maganda ka Isay."
"Hindi ako maganda.Ni ayaw ko ngang tignan ang sarili ko sa salamin."
"Every girl is beautiful.It just take a right man to see it."
"Walang tatanggap sa ganitong itsura.Walang magmamahal sakin."
"Ako!Ako ang magmamahal sayo.Tanggap ko kung ano ka.Mahal kita kahit ganiyan ka."Gusto kong maging masaya dahil sa wakas mahal din pala niya ako.Pero pan kung kagaya din siya ni Hiro.
"Huwag mo nga akong lokohin Syx.Malabo yata mata mo e.Can't you see?Im ugly.Hindi ba yan nakikita ng mata mo."
"Hindi ko naman kailangan ang mata ko para masabi kong mahal kita.Kasi puso ko ang magsasabi.Mahal kita kahit ganiyan ka pa.Minahal kita kahit nuong hindi pa ako nakakakita ngayon pa kayang nakikita na kita.Hindi mahalaga sakin kung anong itsura mo.Mahal kita kasi ikaw si Isay.Yung Isay na mabait at nag-alaga sakin nung hindi pa ako nakakakita.Tanggap kita.Para sakin maganda ka.Hindi mo naman kailangan maging maputi at nakinis para maging maganda.Kasi ang tunay na maganda nasa kalooban.I love you Isay."
Tuluyan nang nalaglag ang luhang kanina ko pa pinipigilan.Kasi sa wakas may tumanggap sakin kahit pangit ako.May nagmahal sakin kahit pangit ako.Hindi porke pangit ka hindi mo na deserve ang mahalin.We all deserve to be loved and accepted.
"I love you too Syx."
Lesson:
Kung magmahal ka h
puso ang gamitin mo hindi ng mata mo.Dahil hindi mata ang nakakaramdam kundi ang puso natin.Ang mata ginagamit para makita kung gaano kaganda ang mundo.Ang puso ginagamit para makita ang mamahalin nito.Ang tunay na pag-ibig hindi mata ang ginagamit.It's the heart.And we are all beautiful in our own way.
YOU ARE READING
One-Shot Stories
Fiction généraleA one-shot stories that you will definitely enjoy.