Perfect Girl

384 13 2
                                        


"Kayo na namang apat?!Kahapon lang napaaway na naman kayo ah!Wala talaga kayong pinapalagpas na araw!Lalo ka na Miss Sandoval!Kababae mong tao nakikipagbasag-ulo ka!Ikaw ang pasimuno ng gulo dito sa campus!"

"Sir ba't ako na naman!?Tss.Lagi nalang ako ang may1 kasalanan.Unfair kayo!Napaaway din tong tatlong to pero ako lang yung sinisi niyo."Konti nalang talaga mumurahin ko na tong panot na to.Nagtitimpi lang akong huwag siyang murahin dahil marunong parin akong rumespeto sa matatanda.

Tangna!Pumutok pa yata labi ko sa pakikipag-away namin kanina.Mayabang kasi ang putangna Sander na yun.Minaliit ba naman ang grupo namin kaya binigyan namin siya ng leksyon.

Napatingin kaming lahat sa pintuan ng bumukas iyon.Pumasok ang isang gwapong lalaki.Ngayon ko lang siya nakita dito.Transferee ba siya?

"Makakaalis na kayong apat.Kapag nakipag-away na naman kayo sususpendihin ko na kayo.Understood?"

Nilingon ko muna ang lalaking iyon na nakatingin din pala sakin bago kami lumabas sa Principal's office.Sino kaya siya?

Nakalipas ang dalawang araw nalaman ko rin ang pangalan niya.Ryder Quinn.Kasali sa Star Section at running for valedictorian.Tahimik na tao at mihilig magbasa ng libro.Tsk.Nalaman ko yun sa dalawang araw na pagsunod ko sa kaniya.

Hindi ko nga alam kung bakit ko to ginagawa e.Basta ang alam ko lang masaya ako kapag nakikita ko siya.Normal pa ba tong nararamdaman ko?

Hindi kaya may gusto ako sa kaniya kaya ko nararamdaman to?Ito lang naman kasi ang alam kong dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kaniya.Dahil gusto ko si Ryder.

Siguradong matutuwa si Mama kapag nalaman niyang yung astigin niyang anak na babae may crush na.Tsk.Baka magpapyesta pa yun.

Naglakas loob akong lapitan si Ryder.Napapagod na rin kasi akong nakatingin lang ako sa kaniya sa malayo.Aamin na akong may gusto ako sa kaniya.

"Hindi kita gusto at hindi ikaw ang tipo kong babae.You are not the perfect girl for me.Matalino,masipag mag-aral at mayumi ang gusto ko sa isang babae.Ikaw wala kang ibang ginawa kundi makipag-away.Walang pakialam sa grades.Puro lalaki pa ang kasama.Puro mura pa lumalabas sa bibig.Tignan mo nga yang sarili mo.Ganiyan ba manamit ang isang mayuming babae?E mas maangas ka pa yata manamit sakin e.Kaya kalimutan mo nalang ang nararamdaman mo sakin dahil hindi ako magkakagusto sa kagaya mo."

Ouch!Ngayon na nga lang magkagusto basted pa.Dati tinatawanan ko lang mga tropa ko kapag nababasted sila.Masakit pala talaga.

Kaya simula nung sinabi niya ang mga yun binago ko na rin ang sarili ko.Iniwasan kong makipag-away gaya ng gusto niya.Nag-focus nalang ako sa pag-aaral ko.Iniwasan ko na ring mag-mura.Natuto na rin akong maging mayumi.Natuto akong mag-ayos ng sarili ko.Nagsusuot na rin ako ng damit ng isang babaeng gaya ko.Naging tunay akong babae para sa lalaking gusto ko.Umaasa akong kapag ginawa ko ang lahat ng ito naging perfect girl din ako para sa kaniya.

Iniwasan ko na rin ang mga tropa ko at naghanap ng babaeng kaibigan.Mahirap yun para sakin kasi nasanay na akong sila lagi ang kasama ko.Simula elementary sila na kasa-kasama ko at totoo sila sakin.Pero para sa lalaking gusto ko.Gagawin ko ang lahat kahit magbago pa ako.

"Ryder!"

"Uhhmm do I know you Miss?"

"Ako to.Si Blue Iris."

"Blue Iris?Is that really you?Ang laki ng pinagbago mo ah.The last time I saw you lalaking-lalaki ka pa nun.Wow tignan mo nga naman.Naglalagay ka na rin ng make up.Bakit bigla kang nag-bago?"

"Binago ko ang sarili ko kasi kapag ginawa ko yun maging perfect girl ako para sayo.Umaasa akong magugustohan mo rin ako kapag binago ko ang sarili ko at maging tulad ng babaeng tipo mo.Ginawa ko ang lahat ng to para sayo.Ryder do you like me?"lakas-loob kong tanong sa kaniya.

"Blue Iris kasi...Im sorry.Kasi...may girlfriend na ako e.Sorry.But we can still be friends.So una na ako.Bye."

Nung gabing yun umiyak ako ng umiyak.Ang sakit e.Ang dami mong sinakripisyo para lang maging perfect girl ako para sa kaniya.Iniwan ko pa ang mga tropa ko para lang sa kaniya.Mapupunta lang pala sa wala lahat ng pinaghirapan ko.

"Anak hindi mo naman kailangan magbago para magustohan ka ng isang tao.Kasi kung talagang gusto ka niya hindi niya hihingin na magbago ka.You don't have to change yourself so that a man will like you.Be yourself so that a man will accept and love you."

Niyakap ko si Dad at sa balikat niya binuhos ko ang sakit na nararamdaman ko.Hindi ako iniwan ni Dad hanggang hindi ako nagiging okay.

"Anong gagawin ko na ngayon Dad?Umalis ako sa grupo at mukhang hindi na nila ako tatanggapin ulit.I feel bad about it.Nagsisisi na ako sa ginawa ko.Namimiss ko na silang lahat.Gusto ko na ulit bumalik sa dating ako at sa kaibigan ko.Gusto ko na ulit sila makasama.Gusto ko na silang makita."

"Edi lumingon ko kung gusto mo kaming makita."Lumingon ako sa pintuan at nandun silang sampu.Ako ang pang-eleven sa grupo."Huwag ka nang umiyak diyan.Marami pa namang lalaki diyan.Nagmamahal at tanggap ka.Nandito pa ako-kami pala."Naghiyawan ang buong tropa sa sinabi ni Krane.

"Im sorry.Sana tanggapin niyo pa rin ako sa grupo."

"Oo naman welcome ka parin sa grupo."sabi ni Krane."Kahit nakagawa ka pa ng kasalanan tatanggapin ka parin namin dahil magkakaibigan tayo.Tanggap ka namin kahit ano ka pa.Mahal na mahal kita-I mean namin."Naghiyawan ulit ang buong tropa at tinukso nila kami ni Krane.Natawa nalang ako ng nang mamula na parang ketchup si Krane.Ang kyut.

They're my friends.Ang mga taong kaya akong tanggapin for who I am.And they're the people worth keeping for.

Lesson:
       You don't have to change for the wrong man because a right man will accept and love you for who you are.Nothing is more beautiful than being yourself.

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now