Innocent Girlfriend

2.5K 41 0
                                    


Ako si Rex.I was 13 when I had my first girlfriend.Halos lahat kasi ng tropa ko may girlfriend na kaya nakiuso ako.Sila ang nag-idyok sakin na mag-syota na.Hindi daw kasi tunay na lalake kapag walang girlfriend.

20 na ako.At hindi ko na mabilang kung ilan na ang naging girlfriends ko.Kabilaan.Sabi kasi ng mga tropa ko kaming lalaki dapat maraming girlfriend kaya ayun.30?35?Ewan ko.Sa sobrang dami nila hindi ko na sila mabilang.Ni hindi ko na nga matandaan ang mga pangalan nila.

At sa dami nila,yung ilan sa kanila naikama ko na.Tropa ko nagturo sakin.Pagkatapos kong maka-iskor iiwan ko na sila.Lilipat na sa iba.Ganun ako sa mga past relationships ko.I know I was a jerk.Anong magagawa ko.Lalake ako.May pangangailangan din.

Pero nagbago ang lahat ng makilala ko si Grace.Classmate kong tahimik at mahinhin.Tipong dalagang Pilipina.Maganda siya sa totoo lang.Unang kita ko palang sa kaniya nagandahan na ako.Eto na yata ang ang ina ng mga magiging anak ko.

Iba si Grace sa mga babaeng halos kulang nalang maghubad sa ikli ng mga damit nila.Simple lang siyang babae.Hindi rin naglalagay ng kolorete sa mukha.At iyon ang nagustohan ko sa kaniya.

I courted her.Hindi ako sanay manligaw pero para sa kaniya gagawin ko.Iba kasi ang tama ko sa kaniya.Tumagal ng siyam na buwan ang panliligaw ko sa kaniya.Halos hindi nga ako makaporma dahil strict ang parents.Dapat sa bahay lang nila kami at kung lalabas man kami may kasama.

Naranasan ko ring habulin ng itak ng tatay niya nung una akong pumunta sa bahay nila.Grabe ang takbo ko nun.Akala ko nga katapusan ko na.Naranasan kong mag-sibak ng kahoy at mag-igib ng tubig.Mangharana kahit parang niyuyuping yero ang boses ko.Mga pang-sinauna kasi ang parents ni Grace.Tinatawanan nga ako ng tropa ko e.

Worth it naman ang lahat ng pinaghirapan ko dahil sa wakas nakuha ko na rin ang matamis niyang oo.Sinagot na niya ako!Ako na yata ang pinakamasayang lalake sa mundo.Sa wakas akin na si Grace.

Tumagal kami ng two years ni Grace.Kung dati one week lang ang nagiging girlfriend ko iba kay Grace.Parang ayaw ko na siyang pakawalan.Hindi ko kayang iwan siya at hindi ko kakayanin kapag iniwan niya ako.

"Hahaha wala ka pala pare e.Two years na kayo ni Grace hindi ka pa nakaka-iskor?"kantiyaw sakin ni Basti.Nagkayayaan lang uminom.Tinawanan nila ako.

"Hina mo naman.Buti natitiis mo na hanggang halik lang.Tsk."sabi naman ni Lorenzo.

"Kaming bahala sayo pare.Imbithan mo siya sa birthday ni Mikoy.Bibinyagan natin siya haha."

Inimbita ko nga si Grace sa birthday ni Mikoy.May akay-akay din silang mga bagong syota nila.Hanggang sa nagkayayaang uminom.

"Inon ka na Grace."alok ni Lorenzo sabay bigay ng beer kay Grace.

"Hindi na.Hindi naman ako umiinom."tanggi ni Grace.Hindi masyadong lumalas sa bahay nila si Grace at minsan lang lumabas kaya hindi ito sanay uminom.

"Sige na Grace.Gift mo nalang sakin.Ngayon lang naman to.Promise hindi na mauulit.Tyaka hindi ka naman pababayaan ni Rex."sulsol ni Mikoy.

Walang nagawa si Grace kundi pagbigyan ito.Wala pang dalawang bote ay lasing na ito.Hindi kasi sanay uminom.

"Now it's your time to shine pare.May kwarto sa loob.Nilinis ko talaga iyon para sa binyag ni Grace.Enjoy."

"Huwag kalilimutang gumamit ng kapote haha"nakangising sabi ni Basti.

Nilagay ko siya sa kwarto at agad sinunggaban ng halik sa malambot niyang labi.Tagal na palang wala akong naikakama mula nung naging kami ni Grace.Pagkakataon ko na to.Tyaka pananagutan ko naman si Grace kung sakaling may mabuo kami.

Tinaggal ko ang damit niya.At akmang tatanggalin ko rin ang skirt na suot niya ng marinig ko siyang magsalita.

"I love you Rex.."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Hindi to tama.Mali to.Kahit lasing siya hindi ko siya dapat i-take advantage.Kahit pananagutan ko siya mali pa rin to.Hindi ko sisirain ang tiwala niya dahil lang sa pangangailangan ko bilang lalake.Kaya ko namang maghintay hanggang sa makasal kami.Mahal ko si Grace at dapat ko siyang irespeto.

Muli kong isinuot ang damit niya at hinayaan nalang siyang matulog.

"I love you too Grace"

And I kissed her forehead.

Lesson:
     We girls deserve to be respected.Huwag nating hayaang i-take advantage tayo ng mga lalake.Kasi kung talagang mahal ka niya gaya ng sabi niya maghihintay siya.And boys hindi nasusukat sa dami ng naikama ang pagiging tunay na lalake.Wala yan sa dami ng naging girlfriends.Ang tunay na lalake marunong rumespeto sa babae.Marunong makuntento sa iisang babae.Boys pakasalan mo muna bago mo ikama.

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now