[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞
[‼] WARNING: Kung kayo po'y minor at close minded ay maaari niyong i-skip ito dahil may mga salitang hindi kaaya aya kayong maba...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HIRO's POV
"Mika!"
Tawag ko kay Mika at saka kinikilig na nilapitan siya. Pero syempre sa tuwing lalapitan ko siya alam niyo kung paano niya ako batiin. Laging nakataas ang kila, well sanay na ako haha. "Gusto mo bang ilibre kita ulit ng lollipop?" Pareho naming favorite 'yon lalo na iyong lagi kong binibili sa kanya.
Itong lollipop na lang kasi ang makakatulong sa'kin kapag gusto kong makalapit kay Mika at makasama siya ng matagal.
Hindi niya ako pinansin at dinaanan lang ako—ouch. "Ayaw mo ba?" Nag pout ako, aba walang nakakaligtas sa ka-cute'an ko.
"Aish! Oo, gusto ko!" Pero bakit parang iniiwasan niya akong tignan sa mga mata? O baka nagkakamali lang ako ng iniisip.
Napangiti na lang ako nung sabihin niyang 'gusto' daw niya, hehe.
"Pero gusto ko sumama ka sa akin bumili para at least alam mo na kung saan ako bumibili non. What do you think? Hindi ka naman busy diba?"
Tsaka maaga kaming makakauwi ngayong araw, mga five pwede na kaming umuwi.
Mukhang nagisip naman siya. "Hindi naman ako busy, sige sasama na ako. Basta libre mo ha!? Wag mong babawiin ang sinabi mo kanina, Hiro."