#CGVSDBSpecialChapterTWO
A/N: Okay guys, sa susunod na chapter niyo makikilala ang mga kasama sa New Generation. ❤
Zeek's Pov
Namimiss ko na ang asawa ko. Kailangan ko pa kasing i-meet ang bagong kliyente ko dahil ako ang kinuha nitong Engineer para sa bagong bahay nito. Mabuti na lang naba-balanse ko naman ang time para sa trabaho and sa family ko, pero kahit ganon man, minsan minsan lang kami makapag bonding ng mga anak ko, lalo na't lagi silang may class.
"Tss." I hissed.
Kahit iba ang iniisip ko ngayon, naririnig ko parin naman ang mga pinagsasabi sa'kin ng kliyente ko.
After ng meeting pwedeng pwede na akong umuwi ng bahay. Matagal pa naman iyon sisimula kaya't umuwi na ako diretsyo. Oo nga pala, ako ang magsusundo sa mga anak kong sina Sweetheart at Zion sa school nito, mabuti na lang din ay morning shift lang ang asawa ko ngayong araw.
"Tatay!"
Nagmamadali namang tumakbo ang bunso kong anak papunta sa akin nung makalabas ako ng car, agad ko naman siyang kinuha at kinarga. Haha, amo'y pawis na ang baby princess ko. Nagmano naman sa akin si Zion. Pagdating sa bahay nakabukas ang pintuan at agad kaming sinalubong ng asawa kong si Lovely.
Hinalikan ko siya sa noo at sabay sabay na kaming pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Crazy Girls VS Delinquent Boys
Teen Fiction[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞ [‼] WARNING: Kung kayo po'y minor at close minded ay maaari niyong i-skip ito dahil may mga salitang hindi kaaya aya kayong maba...