#CGVSDB20
A/N: Mga 'Minors', kung may mga salitang hindi kaaya-aya mas makakabuting i-skip na lang. Maraming Salamat!
Chapter 20 - Crazy Day
NEIL's POV
Kampante na kaming magkakaibigan ngayon, simula nung pagkikita namin at ng mga grupong 'mokong' na iyon, hindi na kami nakarinig pa ng mga pagbabanta o pambubugbog sa mga schoolmates o classmates namin. Oo at wala nga akong pake sa ibang tao, pero kung alam ko namang nandadamay sila ng iba dahil sa galit nila sa grupo ko, syempre magaalala ako at magagalit. Mabuti na rin at tahimik na ang lahat at bumalik na nga sa dati ang lahat.
" Mga bro ang boring right? Mag karaoke tayo mamaya, please? "
Pagsa-suggest ni Hiro habang nakahiga sa isang sirang bench dito sa rooftop. " Psh! Ang boring kaya non, Hiro. " Reklamo ni Vincent at binuksan ko ang hawak kong chips na 'oishi', pero bago pa man ako makakuha naunahan pa ako ni Zeek. Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay.
" Hoy Zeek—welcome ha? " Sarcastic kong sabi sa kanya.
Tumingin muna siya sa akin na parang wala lang nangyari. " K. No problem. " Aba't—hays, pabayaan na nga at wala ako sa mood makipagtalo kay Zeek, tsaka hindi niya rin naman ako papatulan. Nakakainis din talaga minsan yan blank expression niya. Nevermind.
" Mag billiard na lang tayo mamaya. Okay? " Sabi ni Vincet habang nagiinat ng mga braso niya at pinagpagan ang uniform niya. Mukhang okay naman sa lahat ang sinabi niyang 'yon, kaya pumayag narin ako. " Yeah. " Tipid kong sagot sa kanya. Tumingin naman ako sa malayo at mukhang aantukin ako mamaya sa loob ng klase, 3:00 pm na at since malamig dito sa rooftop, tumambay na muna kami dito.
BINABASA MO ANG
Crazy Girls VS Delinquent Boys
Ficção Adolescente[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞ [‼] WARNING: Kung kayo po'y minor at close minded ay maaari niyong i-skip ito dahil may mga salitang hindi kaaya aya kayong maba...