#CGVSDB
Chapter 23 - Friends?
LOVELY's POV
Pagkatapos kong maligo, napansin kong ako na lang pala ang hindi pa nakakapagbihis. Lahat sila halos patapos na—hay nako, hindi ko man lang namalayan na ako pala ang huli. Insert sad face!
"Bakit nagpapaganda ka Lhee?"
Nagtatakang tanong k okay Lhee, parang kanina pa kasi siya nandyan sa harapan ng salamin, akala mo white lady—mukha kasi siyang multo, hahaha!
"Mamamatay na kasi siya mamaya—kaya nilulubos na niya ang pagpapaganda, pfft." Sabat ni Lovely at tumawa, natawa na rin ako dahil sa sinabi niya hahaha.
Tinignan kami ni Lhee na nagbabanggaan na ang mga kilay niya. "Che! Ang ganda ganda ko naman para mamatay ng maaga, hmp!" Um guys, pwede na ba akong masuka? Hindi ko na kaya eh haha! Kunyari sabay pa kami ni Allen na nasusuka sa sinabi ni Lhee.
Hindi na niya kami pinansin at patuloy na nagpapaganda sa salamin, nagulat pa kami noong kumuha siya ng make-up kit at nalagyan nito ang mukha niya, nakakunot ang noo namin ni Allen at pinaguusapan naming dalawa kung ano bang nakain nitong si Lhee, aga aga nagpapaganda na.
"Hoy—lalake ba iyan ha? Ang malas naman niya kung ganon." Sabi ni Allen kaya nagtawanan na naman kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Crazy Girls VS Delinquent Boys
Teen Fiction[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞ [‼] WARNING: Kung kayo po'y minor at close minded ay maaari niyong i-skip ito dahil may mga salitang hindi kaaya aya kayong maba...