#CGvsDB
Chapter 9 - Sundae
Author's Pov
Maaga pa lang nakabihis na ang tatlong dalagang sina Mika, Lhee at Renee. Mukhang may pupuntahan yata sila at magpapaalam na lang sa natitira nilang mga kaibigan—na kagigising lang dahil ngayong araw ay weekend, ibig sabihin lang ay walang klase. " Girls, may pupuntahan lang kaming tatlo. Dito na lang kayo sa bahay okay? " Sabi ni Renee habang nakaharap sa salamin at inaayos ang kanyang buhok.
Pakusot kusot pa ng kanyang mata si Lovely at manghihilamos na sa loob ng banyo, samantalang si Allen ay naupo muna sa kama.
" Saan ang punta niyo? " Tanong ni Allen na magulo pa ang buhok nito.
Sumilip si Lovely galing sa loob ng banyo. " Bakit kayo lang ang lalakad? " Tanong nito kay Lhee na nagsusuot ng sneakers niya.
" Kasi gusto naming kayong dalawa ni Allen ang gumapang? Hahaha, gosh! Nakakatawa talaga ang joke ko! " Pagkatapos non ay finlip pa ni Lhee ang dulo ng mahaba niyang buhok.
Inirapan nito ni Lovely at nanghilamos na lang, bahala na nga sila kung gusto nilang lumakad edi sila na! Mas mabuti na lang daw na dito na lang siya sa bahay at hindi pa siya mapapagod, ang aga aga pa lalakad agad ang tatlo? " Ano ang gagawin niyo sa town? " Ngayon naman ay nakatayo na si Allen at sinuklay ang magulo niyang buhok. " You know, mga importanteng gamit nating mga girls. Paubos na kasi yung amin eh. " Sagot ni Renee habang patapos na ito sa ginagawa nya.
BINABASA MO ANG
Crazy Girls VS Delinquent Boys
Teen Fiction[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞ [‼] WARNING: Kung kayo po'y minor at close minded ay maaari niyong i-skip ito dahil may mga salitang hindi kaaya aya kayong maba...