Chapter 6 - Vincent

4.6K 144 11
                                    

#CGvsDB


Chapter 6 - Vincent

Chapter 6 - Vincent

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Author's Pov



" Hoy, galit ka ba? "  Tanong agad ni Lhee sa kaibigang niyang si Mika nung lapitan niya ito. 


" Hoy din! May ipinangalan ang parents ko sa'kin, tama—may pangalan nga ako, baliw! " 


Pinagsisipa sipa ni Mika si Lhee habang nakaupo ito sa may bandang paanan niya, hindi siya galit pero naiirita lamang siya sa naging reaksyon ng mga kaibigan niya kahapon noong kasama nila ni Lovely si Hiro. " Oh bakit hindi ka namamansin? Galit ka ba dahil nagulat kami kahapon na makita naming kasama niyo ang adik na 'yon? Wait—bakit nga ba kayo magkasama?! "


Tumayo si Lhee at nakapamewang na sa harapan ni Mika.


" Ewan ko nga dyan sa'yo! " Naiiritang sagot ni Mika sa kanya. Pakialamera—ang sabi niya sa kanyang isipan.


Dumating naman sa living room si Renee. " Mga bakulaw kayo! Ang ingay ingay ninyo, hindi niyo ba nakikita ang laki laki ng bahay tapos kung magusap kayo parang ang layo layo niyo sa isa't isa at nage-echo pa sa buong bahay namin! " Kinusot kusot pa ng dalaga ang kanyang mga mata, kagigising lamang niya.


 " Bakit kaninong bahay ba 'to? " Napaisip si Lhee sa sinabing iyon ni Renee. 

Crazy Girls VS Delinquent BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon