16. Silent Prayer

154 11 5
                                    

Daniella

Ang ganda ng araw ko. Nandito pareho si tatay at ate Gabbi. Bonus na nandito pa si kuya Uno. Tapos dumalaw pa pala sila kuya Bowie at kuya Clinkz kanina, kasabay namin silang mananghalian. Ang saya lang. Ang refreshing sa feeling makita si tatay na masayang nakikihalubilo sa ibang tao.

"You play something else," natatawang sabi ni kuya Uno. Tinutugtog ko kasi sa yukelele ni ate Gabbi ang bahay-kubo. Eh trip ko eh. Hahaha.

Nasa labas kami ng bahay, sa maliit naming balkonahe, pero malapit lang ako sa pinto kaya nasisilip ko si ate na nasa kwarto.

"Ang ganda kaya ng kanta," panunukso ko na nginisian lang ni kuya. "Bahay kubo, kahit munti..."

"Ang kulit mo."

"Fine. Sige, iba na nga lang. Ano bang favorite song mo, kuya?"

Huminto siya sa ginagawang pagbabasa at tila nag-iisip. Hindi sinasadyang malingunan si ate na nagliligpit ngayon ng art materials kong nagkalat sa table namin sa loob ng kwarto. OC talaga. Napailing ako mentally saka ibinalik na kay kuya Uno ang atensiyon ko.

"You know that my mother is a music graduate, right?" Tumango ako. "Well, she introduced us to many kind of music there is. Ngayon ko narealize na wala akong paboritong kanta."

"You should hear ate sing," bulong ko na nagpakinang ng mga mata niya. "She knew a lot of songs baka mahanap mo favorite song mo pag nakanta niya."

Kaya lang, ang tagal na mula ng huli siyang kumanta. Gusto kong sabihin kay kuya pero may pumipigil sa'kin. Siguro ang katotohanang alam ko kung bakit huminto si ate Gabriella sa pagkanta.

"Thanks for the tip, young woman," ani kuya Uno sabay kindat. "Nasaan na ba ate mo?"

"Ayaw niya ng may kahit na kaunting kalat na nahahagip ng mga mata niya kaya ayon, niligpit ang mga art mats ko kahit di naman 'yon nagkalat."

"You make it sound like it's a bad thing to be organized."

"Hindi naman. It's just that—"

"I know what you mean, Danni. I was just joking. What should I get your ate for Christmas?"

"Hmm. Let me think——"

"Daniella. Tumatawag sa'yo si Six," singit ni ate na hindi ko namalayang lumapit sa'min. Tila may sariling buhay ang mga mata ko at diretso silang nakiramdam kay kuya Uno na ang sama ngayon ng tingin sa cellphone ko. Parang ayoko nalang sagutin 'yong phone tuloy.

Takte.

"Hayaan mo 'yan—Hala teka. Martes ba ngayon? Oo nga. Takte. Nasa boulevard siguro 'yan." Napakamot ako ng ulo.

Nakalimutan kong ngayon nga pala pupunta si Six. Eh nandito si kuya Uno... Mahigpit niyang bilin na huwag akong makikipagcontact sa mga kapatid niya. Ayaw niyang makipagkaibigan ako sa mga 'yon. It's crazy, right? Mga kapatid niya 'yon pero kung makapagbawal siya akala mo naman talaga masasamang tao sila Six at Seven.

"Sasagutin mo ba o hindi? Naka-7 missed calls na oh."

Ito namang si ate, hindi marunong makiramdam. Naniningkit na ang mata ng jowa niya tapos gusto pa talagang sagutin ko ang tawag.

Nakasimangot na kinuha ko ang cellphone. Ang mga mata nilang dalawa, kahit nakatalikod ako, ramdam kong nakatingin sa'kin ng matalim.

"Wazzup man?" I try to sound cheerful para huwag masyadong magtunog guilty kay kuya Uno.

"Hi!" bati si Six na tila ang weird pakinggan. Hi? It sounds something he won't say. "Nandito kami sa boulevard niyo."

Kami? May kasama siya? Don't tell me si Seven kasama niya. Timing nga naman oh. Talagang sila pang dalawa. Uusok na talagang lalo ang ilong ni kuya Uno nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon