14. Kaba

1.1K 36 79
                                    

Daniella

Sira-ulo talaga ang Seven na 'yon.

Hindi ko maiwasang isipin habang pumapanhik ako sa loob ng bahay. Eh kasi naman, pumarito nga din siya nong nakaraan. Bigla nalang siyang sumulpot sa harap ng paaralan namin. Hindi niya kasama ang kapatid niya non. Galit na galit nga ang mga kaibigan ko sa kanya. Paano naman kasi, ang yabang ng kumag.

"Ate." Sambit ko upang sagutin si ate Gabbi na nasa kabilang linya. Kakapasok ko lang ng kwarto nang tumawag siya. Buti at una kong ginawa ay i-charge ang lowbat kong phone.

"Nagtext sa'kin si ante Cecil, hindi ka pa raw nakauwi. Hindi kita macontact kanina."

"Kakauwi ko lang. May ginagawa lang group project ate. At na-lowbat ako kaya hindi narin ako nakapagtext kay ante." Pagsisinungaling ko. Napakagat ako ng labi, nakokonsensiya sa ginawa kong pagsisinungaling.

"Hoy Danni, umayos ka. Siguraduhin mong group project 'yan."

"Ito naman." Kalmadong sambit ko. "Ate Gabbi, huwag kang mag-alala dahil wala pang potential candidate na maging boyfriend ko sa islang ito."

"Wow. Talaga lang. Ang bata-bata mo pa para mag-entertain ng manliligaw, Daniella."

Napalunok ako. Hindi man iyan ang mismong linya ni Seven pero iyan ang parati niyang inuulit at ipinapaalala sa'kin. Ugh, ang asungot na namang iyon. Nakakabadtrip. Kahit sa isip ko, nakakabadtrip siya.

"Don't worry, ate. Hangga't mag-isa si kuya Uno sa mundong 'to, wala kang ipag-aalala sa lovelife ko." Sabi ko't tumawa kapagkuwan.

Alam naman ni ate na sobra akong humahanga sa kagwapuhan ng boyfriend niya. Like haleeeer, mukhang artista si kuya Uno! Napakasuccessful pa sa buhay. Mapapa-china oil ka nalang talaga.

"Oh sige na. Matulog ka ng maaga. Huwag puro facebook."

"Yes po. I love you po, ate Gabgab. Miss na kita."

"I love you too, bunso." Naririnig ko ang pangungulila sa boses ni ate kaya lalo ko tuloy siyang na-miss.

"Kailan ba ang christmas break niyo ate? Uwi ka kaagad ah?"

"Hindi pa nafinalized. Pero uuwi agad ako kapag pwede na."

"Okay ate Gab. Goodnight."

Nakita kong may iilang unopened messages ako matapos ang tawag ni ate. Pero hindi ko na binuksan 'yon. Alam kong galing lang 'yon sa mga magkapatid or worse, kay Seven lang. Malamang, nagmamaneho ngayon si Six eh. At isa pa, nagcha-charge pa ako.

Makapagpinta na nga lang muna bago matulog.

Nagliligpit na ako ng easel nang tumunog ang phone ko, hudyat na may tumatawag. Tiningnan ko muna kung sino ito.

"Hey dude," bungad ko rito. "Nakauwi na kayo? Ang bilis ah?"

"Dalawang oras lang talaga average travel time namin papunta sa inyo. Kung di nga traffic, baka kanina pa kami nakauwi," mahabang paliwanag niya.

"Pakisabi sa kapatid mo, thank you sa pa-dinner."

"Why won't you tell him yourself?"

"Naaah. Mababadtrip lang ako. I don't know but your brother is by far the most annoying person I have ever met." Hindi ko maiwasang ipagtapat. Tinawanan ito ni Six.

"You know what they say, the more you hate—"

"Ugh. 'Wag mong gagamitin sa'kin 'yan. Magunaw muna ang mundo saka ako magkakagusto diyan sa kapatid mo."

"How about me?"

"Ha?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya. "An—anong—how about you? Anong ibig mong sabihin?"

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon