9. Bestfriends

549 26 8
                                    

Six

Ang lokong kapatid ko na 'yon, ayaw pang sagutin ang tawag ko e pinagtakpan ko na nga siya sa lahat. Walang ibang nakakaalam na wala pala siya sa bahay nila mama Deb at nagpunta sa lugar nila Daniella. Humanda sa'kin ang batang 'yon!

"Sinong tinatawagan mo?" Sa boses palang ay kilala ko na kung sino ang bigla nalang nagtanong. Tumayo ako kaagad upang lapitan siya. Ngingisi-ngisi pa ang kumag na pumasok ng kwarto ko.

"Hoy! Loko ka ba? Tatlong oras na kitang tinatawagan ngayong umaga! Buti nalang at hindi ka kinumusta ni mommy at daddy kay mama Deb."

"Tch. So nagsumbong pala sa'yo ang crush mo?"

"Ano?"

Hindi man lang ba siya magre-react sa panenermon ko? Ang effort ko na nga sa pagsasalita tapos iyon lang ang sagot niya?

"Mamaya ka na magalit bro. Kailangan kong matulog." Aniya at sumalampa na sa kama ko. Kumunot ang noo kong sinundan siya ng tingin. Wala pang isang minuto ay nakatulog na siya. And what makes it unusual is the fact that he doesn't fall asleep that quick. Maliban nalang kapag magdamag siyang gising. What the hell? Ano'ng ginawa niya sa Perdiguerra? Bakit hindi siya nakatulog?

By all means, posible ba ang iniisip ko? Napailing ako sabay ngisi sa nakakatwang pumasok sa utak ko. Seven may be a jerk and all but he surely is not a drug addict. Pero ano nga ba talaga ang pinuntahan niya sa Pedriguerra? Ano ba dapat ang tanong o sino? Nakahanap ng sagot ang utak ko pero ayokong tanggapin 'yon. Hindi. He doesn't like her that way. It's impossible. Besides, alam naman ng lahat na may gusto siya kay Anastacia. Pero bakit nga niya tinatawagan si Danni? Hindi niya tipo ang mangtrip ng ganon. Aksaya 'yon sa oras. The only fooling around that he loves to do is seeing different girls. Other than that—texting and other forms of communicating— there is nothing else. Ayaw ni Seven na magfocus sa isang bagay. Ayaw niyang naglalaan ng oras sa iisang tao lang. Ayaw niya ng may commitment. Pakiramdam niya, kapag nangyari 'yon, may nagko-control na sa kanya.

Buong araw na natulog si Seven kaya nagkasya nalang ako sa paglalaro ng computer games. Bumaba lang ako para kumain kanina ng pananghalian habang si Seven naman ay hindi gumising kahit ilang beses siyang inuga-uga ni kuya Dos.

"Ugh." Dinig kong anas ni Seven eksaktong inalis ko ang suot na headset. Namatay ang character ko sa GTA 5 kaya naisipan kong tumigil narin muna sa kakalaro. Tumayo ako't nilapitan ang kapatid kong mokong.

"What time is it?" Tanong niya habang hinihinamas ang sentido.

"Oras na para magpaliwanag ka." Nakangiwing sagot ko.

Ngumisi siya saka muling humiga. Ngingiti-ngiti siyang nakatitig sa kisame. Nababagabag tuloy ako. Tangxna. Nababaliw na ba ang kapatid ko?

"Hoy!" Dinagil ko siya pero tiningnan niya lang ako saglit. "Ba't ka pumunta ng Pedriguerra?"

"I visited a friend."

"Friend? Hoy Pito—"

"Kung makaasta, parang sinasabing wala akong kaibigan. I have friends in every part of this world, brother."

"The heck! May tama ka ba?" Tumawa lang ang kumag. Muntik ko ng masipa. Nakakainis.

"Tch. Bro, don't make a fuss out of it. You don't have to be jealous." Nakangising aniya saka bumangon.

"Excuse me?"

"Sos. Ayaw pang umamin." Kumunot ang noo ko. Binigyan niya ako ng nakakaloko't nakakainis niyang ngisi. Kung hindi ko 'to kapatid, matagal ko ng binatukan 'to. "Gusto mo si Daniella."

"Hindi." Mabilis na sagot ko.

"Dude, hindi kita tinatanong. Hindi mo kailangang sumagot." Ani Seven na suot-suot parin ang kanyang ngisi. Gago talaga 'tong batang 'to. "At isa pa, kailangan mo ng dumiskarte. Tingin ko nililigawan siya ng isang kabarkada niya e."

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon