10. Panganib

669 25 8
                                    

Seven

Nagtuloy-tuloy ang pang-aasar ko kay Daniella sa text, tawag at ngayon naman ay sa chat. Swerte ko nga hindi pa ako bina-block. Naging parte na ng araw ko ang marinig ang boses niya o kaya ay maka-chat siya. Tuwang-tuwa talaga akong tuwing naaasar ko siya e.

Pero pagkatapos ng birthday ni kuya at ate Gabbi, sa mga sumunod na araw, kinailangan kong maging seryoso. Hindi na kasi biro ang mga nangyayari kay ate Gabbi dahil sa mga gagong mayabang sa school. Hindi ko sila makuha. Hindi ko maintindihan o sadyang ganon lang kaganda si ate at nababaliw ang Montemayor na 'yon para tangkaing pwersahin si ate. Tch. Kung nandun din ako ay tulad ni Six, binasag ko na ang mukha ng gago.

Nabe-bwesit na nga akong pumasok. Pakiramdam ko kasi may malaki akong kasalanan. Ang pangit kasi diba? Ganito ang pinagdadaanan ni ate pero hindi naman alam ng pamilya o maging ng kapatid niya. Naiintindihan kong ayaw niya lang mag-aalala sila pero kapag ako ang nasa lugar nila, kapag naglihim sa'kin si Six, ewan ko lang. Hindi ba't kaya nga sila pamilya ay dahil nakatakdang damayan nila ang isa't isa?

"What the heck, Palmer?" Gulat na usal ni Nirvana. Hindi ko man lang namalayang pumasok siya sa kwarto. Tiningnan ko siya ng masama.

"What?"

"Ew! Did I just catch you staring at a girl's picture? Para kang tanga."

"Tch. Ba't ka na naman sumulpot dito?" Ganting pagsusungit ko.

"Gusto mo talaga ang Anastacia na 'yon? Akala ko ba may Daniella ka?"

Whoa. Naalala niya pa. Ang talas talaga ng memorya ng isang 'to. Naalala niya pa nong minsan niyang nahuli ang contact name ni Daniella sa phone ko.

"Pinagsasabi mo?"

"Pinagsasabi ko? I caught you staring at Ana's picture! That makes you a creep, cousin!" Aniyang nagpangiwi sa'kin.

"It's not Anastacia, you dummy."

"Stop denying it. Nahuli nga kita diba? And don't call me dummy because I am way too smart to be dumb."

"Ang usyosira mo." Bulong kong hindi ako tiyak kong narinig niya.

"Ba't ba ang gaspang ng ugali mo today ah? Kabuwanan mo ba?" Pang-iinis niyang tanong. Huminga ako ng malalim. Nakakabaliw mag-isip.

"Do you think I should tell her?"

"Huh?" Gulat na anas niya. Kunot pa ang kanyang noo at halos mag-abot na ang kilay.

"Tch. Why am I acting like this? I feel so stupid." Mahinang sabi ko sa sarili ko. Alam kong narinig 'yon ni Nirvana. And I am right dahil nagreact naman siya agad.

"Cousin, you really are stupid. Stop feeling it."

"Kakampi ba kita? Ba't mo 'ko inaaway ha?" Parang batang angil ko. Tumulis naman ang nguso niya't inirapan ako.

"You know how much I hate it when you lie or when you keep something from me. Nahuli na nga kita. Nagsisinungaling ka pa." Mahabang sabi niya.

"Ano? I did not lie!"

"Denying and lying hasn't that much of a difference, stupid." Mabilis niyang sagot. "And besides, what's the sense of denying it? E alam ko namang gusto mo si Ana?"

"Ang kulit mo. Hindi nga kasi si Ana 'yon!"

"Patingin ng picture." Nakapamewang na wika niya. Tinaasan niya pa ako ng kilay. Napairap ako pero ipinakita ko parin sa kanya ang picture. Nirvana is just like Six to me—a female version of him. Kaya hindi ko siya matiis.

"Sira ulo ka. Si Ana naman talaga 'yan."

"Ang kulit mo!" Inip na sabi ko't dinutdot sa kanyang noo ang cellphone ko. "Hindi nga si Ana 'yan! And the heck, I don't save any pictures of Ana on my phone."

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon