5. Contacts

674 35 26
                                    

Six

Chatting with Daniella has been part of my daily routine. Honestly, we keep track of each other's day. Palagi kaming nagkukumustahan at nagsi-share-an ng mga nangyayari sa mga buhay namin. Pakiramdam ko nga, ang tagal na naming kilala ang isa't isa. I'm beginning to feel that Seven's no longer my favorite person except my parents and grandparents. Hahaha.

"How about I go to your place?" I say in the middle of my video call with Danni. She frowns at my statement.

"Like right now?"

"Why not?" nakangising sagot ko.

"No." She shakes her head while smiling in amusement. "Sira-ulo, ang layo ng bahay namin sa inyo."

"Why does it matter? Daniella Lacsamana, kapag gusto, maraming paraan."

Inirapan niya ako—na lalo naman niyang ikinaganda. Ang sarap niya na ngang titigan kahit dito sa screen ng phone ko e, paano pa kapag sa personal?

Damn dude. You better not stare at her in person. It surely will creep her out.

"Tsk. Nakakaasar." Narinig kong sambit ni Danni mayamaya pa na nagpakunot ng noo ko. "Six, okay lang ba kung sagutin ko muna 'tong asungot na tumatawag?"

Asungot? Hmm.

"Sure. Sure," sagot ko at kapagkuwan ay nawala na ang magandang mukha ni Danni sa screen.

Asungot? May tumatawag sa kanya? Why am I having a feeling that I know who the moron is.

Kung sa bagay Six, lahat naman na halos ng gago nakasalamuha mo na.

Lumabas ako ng kwarto ko upang puntahan si Seven. Isa pa 'tong nagkukulong lang din dito sa bahay eh. Ang weird nga. Hindi niya ako kinukulit na lumabas. Malamang, naglalaro na naman 'to sa computer niya o kaya sa play station.

Kumunot ang noo ko nang mapagtantong naka-lock ang pinto ng kwarto ni Seven matapos itong subukang buksan. He never locks his room, not even when he's away. Naging palaisipan iyon sa'kin lalo pa nang hindi niya ako pinagbuksan matapos ang ilang katok ko.

Ano kaya ang ginagawa ng mokong na 'yon?

Bumaba na lamang ako, sa pagbabakasakaling nasa baba lang din siya. Sa halip ay si kuya Dos lang ang nadatnan ko na kasama si kuya Logan. They are the best of friends. Para na ngang isa sa Palmer brothers itong si Kuya Logan. He's around very often.
Nanonood sila ng One Punch Man sa TV ni kuya Dos. Umikot na muna ako ng bahay para patuloy na hanapin si Seven at dahil hindi ko siya nakita, bumalik nalang ako ng sala at nakinood sa kanila.

Natapos ang isang episode, nagkatinginan kami ni kuya Logan dahil sa napanood naming ending. Kapagkuwan ay sabay kaming napalingon kay kuya Dos. Seeing him glued to his phone, my forehead creases to frowns. Was he not watching the TV this whole time?

"Stalking his ex," paliwanag ni kuya Logan sabay iling.

Oh. Kaya pala. Kung sa bagay, araw-araw niya namang gawain iyon. Hindi niya inaamin at dine-deny niya pa ngang matagal na siyang nakamove-on kay ate Brook pero halata namang hindi. Ilang ulit na kaya namin siyang nahuli ni Seven na iniistalk ang ex niyang 'yon.

"Mahirap bang mag-move on?" I ask in tone of sarcasm but even kuya Logan did not get it. Bigla nalang siyang umupo ng maayos at sumeryoso ang mukha.

"Mahirap. Sobrang hirap lalo na kapag totoong mahal mo."

Ang we-weirdo ng mga 'to. Kung makapagsalita akala mo naman hindi babaero. Eh itong si kuya Logan, lagi 'tong nandito sa bahay, para na siyang ampon ni mommy. Gaya nga ng sabi ko, para na namin siyang kapatid kaya alam na alam ko ang history niya sa babae. Tss, ilang ulit na niyang tinakbuhan at tinatakasan ang mga babae niya. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang hindi niya nakakarelasyon ang mga iyon. Ginigiit niya kasing si Bea lang daw ang gusto niya. Sa picture ko lang naman nakikita ang Bea na 'yon, pinagmamayabang niya kasi. Mukha namang artista ang babae kaya lalong hindi ako naniwala.

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon