13. Dinner

603 27 7
                                    

Seven

Pagdating namin sa tapat ng campus ng Pedriguerra National High School na pinapasukan ni Daniella, siya agad ang una kong nakita. She is with her friends again. She is laughing about something with them. Napaismid ako habang pinapanood siya kasama ang mga lalaking nakapaligid sa kanya.

Nakakabadtrip din talaga 'tong kainosentehan ng Daniella na 'to. She is so naive that she can't draw a line to stop her friends from being so touchy around her.

Nakakaasar. Hindi marunong mag-ingat sa sarili.

"Ano? Di ka lalabas?" Tanong ko kay Sais na ngayon ay titig na titig sa tumatawang si Danni. Six looks at me with an indecisive stare.

What the heck? Hahayaan niya lang si Daniella na nilalandi ng mga oportunista niyang barkada? Tsk.

"Ang torpe talaga. Anak ng... Sige na. Ako na ang lalabas."

Tiningnan ko ulit ang gawi ni Daniella at ang mga kabarkada niya bago umibis ng kotse.

Hayop.

"Mga tsansing. Mga peste."

Makayakap naman sila kay Daniella. Tsk. Parang di na magkikita ah?

"Oh torpe, babakuran ko lang ang Daniella mo ha?" Habilin ko kay Six at saka tuluyang lumabas ng kotse.

Nakailang hakbang pa lang ako ay nagsimula ng magtilian ang mga babaeng schoolmates ni Daniella. Dahil dito, nakuha ko ang atensiyon niya at maging ng mga kupal niyang barkada.

"Si Daniella na naman ba pinuntahan niya?"

"Oh my gosh! So the rumor is true? No waaaaaay!"

"I know right? Look at him, ang gwapo niya. Hindi naman ganun kaganda si Daniella."

"Yup. She is just average."

"Pero pinuntahan niya din si Daniella rito nong nakaraang mga araw. How will you explain that?"

"Hi girlfriend." Bati ko, medyo nilakasan ang boses para patahimikin ang mga babaeng pinagtitsismisan si Daniella.

Isa pang mga peste. Magti-tsismis na nga lang, ang lalakas pa ng boses.

Kanina pa nakatulala si Daniella, mula pa nang makita niya akong bumaba ng kotse, ngunit nanlaki pa ang mga mata niya dahil sa pagbati ko sa kanya.

"Excuse me. What did you just say?" Hirit na naman ng kupal niyang kaibigan.

"Kalma lang Gabriel." Singit kaagad ni Daniella matapos pumagitna sa'min ng kaibigan niyang epal. Nakangiti siya pero halatang pilit lang iyon. "Nagbibiro lang siya. Diba, Sev?" Pinandilatan niya ako pero hindi ako kumibo. "See you on Monday guys! Mauuna na ako ha?" Mabilis niyang paalam.

Di na siya naghintay ng sagot nila, hinila na niya ako palayo sa mga kaibigan niya. Lumagpas pa kami sa kung saan naka-park ang kotse dahil sa kanyang paghila.

"Pangit. Hinay-hinay lang. Excited ka naman masyadong ma-solo ako e." Sabi ko matapos huminto sa paglalakad. Natigil rin siya sa mabilis niyang paghakbang. Pagkatapos ay sinita niya ako at tinapunan ng masamang tingin.

"Asungot ka talaga. Ugh." She says through gritted teeth. "Sabi ko na diba? Wag ka na ulit pupunta dito?" Singhal niyang nginitian ko lang. "Ano ba kasing trip mo? E noong nakaraang araw ka lang huling nagpunta dito ah? Miss mo 'ko agad?"

Lalo akong napangiti sa sinabi niya.

"Walang nakakatawa, Pito! Nakakabwesit ka talaga kahit kailan e."

"Oo na. Miss na nga kita. 'Wag ka ng magalit."

"Bwesit ka."

She looks really pissed off. I should be worried but I don't know, I feel exactly the opposite. Nakakatuwa kasing panoorin ang cute niyang mukha.

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon