1. Sisters

1.7K 52 31
                                    

Daniella

Sembreak namin for two weeks kaya nandito lang ako sa bahay, nakatambay. Ang boring nga e. Wala kasi ako sa mood na magpinta. Eh kung sana kasi pumayag si ate Gabbi na lumuwas ako ng Maynila.

Ang ganda siguro do'n ano? May matatayog na buildings at maraming tao. Ang sarap sigurong ipinta ng mga sceneries doon. Pero ayaw nga kasing  pumayag ni ate kaya nasa kwarto lang ako at walang ibang ginawa kundi magscroll ng magscroll sa newsfeed ng facebook. Grabe, ang boring. Kung sabagay, ilang days nalang naman at balik-pasukan narin.

"Tay?" Tawag ko kay tatay na kanina ay nasa maliit naming sala, nanonood ng TV. Hindi ko na kasi naririnig ang ingay mula sa TV kaya umaandar na naman ang kyuryosidad ko.

Umalis kaya 'yon? Hindi man lang nagsabi. Itong si tatay talaga.

Tinatamad man ay bumangon ako ng kama para lumabas sana ng kwarto at i-check si tatay. Kaya lang, napatigil ako't napaupo ng maayos nang marinig ang notification tone ng messenger, hudyat na may nagchat.

Uno Palmer. Sino na naman 'to?

Uno: I'll fetch you before 7.

Hmm. Ang taray, dami talagang nadadala sa pagkaphotogenic ko. Hahaha. Ma-check nga ang mukha nitong nilalang na 'to. Baka naman kidnapper to at nagbebenta ng lamang-loob ng tao. Nakuuuu. 'Wag po ako mister, magaling akong mangilatis ng tao.

Chineck ko nga ang profile ng nagchat. Nakaprivate ang account nito, mabuti nalang at nagfriend-request pala ito sa'kin na agad ko ring inaccept the moment na nabasa ko ang friend request nito. Kaya nakikita ko ang mga photos at posts niya.

Ayun.

"Whoa," hindi ko napigilang bulalas nang makita ang pictures nito. The guy is so good-looking! Napakusot pa tuloy ako ng mata, thinking na baka poser ito at gumagamit lang ng picture ng artista.

Wait.

Whaaaaat?

Oh my gosh. He doesn't look like a poser. His photos with friends and what seems his family is a proof to that.

Natutop ko nalang ang bibig ko. Hindi naman sa nag-o-OA ako, talagang ang gwapo lang ng mama!  Habang tumatagal ang pagtingin ko sa mga pictures niya ay lalo pa siyang gumagwapo sa paningin ko.

Oh my gosh. Cameron is definitely not the most handsome guy that my eyes have set on. Mali talaga ako sa part na 'yon. Hahaha.

"Daniella, mukha ba talaga siyang hindi poser?" parang baliw na tanong ko sa'king sarili. "Ang dami pa namang nagkakalat na poser ngayon sa social media. Geez. Ang gwapo mo po kuya pero time's up muna, kilatisin muna kita," nakangising bulong ko sa sarili ko bago pinagpatuloy ang pagchecheck ng mga photos nito sa facebook account.

"Punta tayo sa tagged photos dahil dito natin malalaman kung totoong tao nga 'tong si Kuya," anas ko pa bago i-tap ang tagged photos na section ng facebook.

Maraming pictures na nandon nga ang gwapong kuya. Yong mga kasama niya sa profile pictures niya na parang mga kaibigan niya at pamilya ay may profile accounts nga at tina-tag nila siya sa mga pictures.

Legit na ngang gwapo, legit pang tao. Ayos. Ba't naman 'to nagcha-chat sa'kin?

"Sorry kuya," apologetic pang sabi ko. "Age matters to me," patuloy na utal ko habang nagta-type ng reply.

Me: Excuse me?

Mabilis magreply. Crush talaga ako nitong si kuya. Naku po. Sorry talaga, mahilig ako sa gwapo pero hindi ka-age mo po ang type ko. Jusko naman, katorse pa ako kuya.

TWO PALMERS. One Girl [KATHNIEL] OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon